Aiko Melendez apologizes to ABS-CBN for backing out of Sandugo

IMAGE Jerry Olea

Aiko Melendez (left) on choosing to campaign for boyfriend Subic Mayor Jay Khonghun (right) instead of doing her ABS-CBN teleserye: "Pasensya na po. And babawi po ako sa inyo. Mas kailangan lang kasi talaga ako ngayon ni Jay."


Nag-sorry si Aiko Melendez sa pamunuan ng ABS-CBN matapos niyang mag-back out sa Kapamilya teleseryeng Sandugo, para masamahan ang kasintahang si Subic Mayor Jay Khonghun sa pangangampanya nito bilang bise-gobernador ng Zambales sa May 2019 elections.

“Nakita niyo na yung publicity shoot ng Sandugo, nando’n na ako.

"But sadly, hindi namin kasi nakita itong mangyayari, itong nangyayari ngayon sa sitwasyon namin ni Jay,” seryosong pahayag ni Aiko. 

“So, I had to decline. Pasensya na po. And babawi po ako sa inyo.

"Mas kailangan lang kasi talaga ako ngayon ni Jay.

“Iyon lang, kaya pasensya na po.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko nitong nakaraang Sabado ng gabi, Marso 23, sa Chateau 1771, One Bonifacio High Street, Taguig City, sa thanksgiving party niya para sa kanyang double victory as Best Supporting Actress for Rainbow’s Sunset at the 2018 Metro Manila Film Festival and Gawad Pasado Awards 2019.

Ang papel na iyon sa Sandugo ay ginawa raw talaga para kay Aiko, kaya ganoon na lang ang paghingi niya ng pasensya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya naman daw si Aiko na kay Vina Morales ibinigay ang role na iyon.

Lahad ng aktres, “Kaibigan ko si Vina.

"Sabi nga ni Vina sa akin, 'Sis, tanggapin ko yung project na para sa ‘yo?'

“Sabi ko, ‘Tanggapin mo dahil maganda iyang project na iyan.'

“But you know, sa buhay ng tao, di ba, there’s always a reason for everything.

"Maybe hindi talaga para sa akin dahil mas kailangan ako ni Jay ngayon.”

ALLEGATIONS AGAINST JAY

Sa mga isyung ipinupukol kay Mayor Jay, alin ang nag-trigger sa kanya para mag-back out sa Kapamilya teleserye at huwag itong iwan sa 45-day campaign?

“Iyong ma-accuse yung taong mahal mo ng isang bagay na alam mong hindi totoo,” matatas na sambit ni Aiko.

“Masama man pakinggan pero for him to be tagged as one of the narco politicians na drug lord, that’s something so unfair.

“Kasi, if there’s one person who knows Jay very well, that should be me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I’ve seen how he works. Wala akong nakitang illegal, e.

“Uhm, sa telepono niya, wala akong naririnig na may kausap na kaduda-duda.

“Even yung drivers niya—10 years, 15 years, mga staff niya, puro taon ang binibilang. 

Singit ni Mayor Jay, two years ang pinakamaikling pagtagal ng staff niya.

Pagpapatuloy ni Aiko, “Yeah, iyon na ang shortest. The most is 20 years.

"And sila mismo ang nagba-vouch sa credibility ni Jay.”

ENGAGED STATUS? 

Itinanggi rin ni Aiko ang haka-haka ng iba na engaged na sila ni Mayor Jay dahil sa picture nila na pinost sa social media.

Natatawang paliwanag ni Aiko, “Mayroon kaming calendar na ipapamigay sa buong Zambales.

"So, we wanted that feel na parang ipakita namin yung ganda ng Zambales.

“So, nag-assume yung tao na parang pre-nup siya." 

Hindi pa raw pormal na nag-propose sa kanya si Jay. 

Dugtong ni Aiko, "I’m not engaged yet. I don’t have a ring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t have a proposal yet or something, not na nagpaparinig ako.

“Pero hindi. Wala po! Wala pa po!”

May plano na ba silang lumagay sa tahimik?

"Siyempre, oo naman. Ako na ang sasagot niyan. Oo naman.

"Walang kagatul-gatol kong sasagutin na oo naman," mabilis na sagot ng alkalde. 

Paglalarawan pa niya sa kanyang nobya, “Aiko is a very good person.

"At napakasuwerte ang kahit sinong lalaki makakakita ng katulad.”

Tila kumislap ang mga mata ni Aiko sa narinig na sigurado na sa kanya si Jay.

“I’m so speechless,” matamis na pagkakangiti ni Aiko.

“Nandoon na tayo. Hahaha!"


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN