Snooky Serna downplays renewed rivalry with Maricel Soriano

IMAGE Noel Orsal

Snooky Serna (left) on being pitted against former rival Maricel Soriano (right): "Wala lang yun, pagtatawanan lang ni Maricel yung mga ganyan."


Akala ni Snooky Serna ay “one of those” lang ang papel niya sa Kapuso teleseryeng Sahaya.

“Very happy ako, so humbled, so grateful kasi hindi ko akalain na ganoon ka-meaty ang role,” pahayag niya nang makausap ng PEP.ph (Phillipine Entertainment Portal) noong Marso 24 sa Papa Kim’s, Tomas Morato Avenue, Quezon City.

“Hindi sa ano pa man, resigned na ako sa fact na, siyempre, weather-weather lang ‘yan.

"Kanya-kanyang panahon and nadaanan na natin ang mga pinagdadaanan ngayon ng mga bata and I’m happy for them.

“So, sabi ko, it’s gonna be a supporting role. I don’t want to expect too much.

“'Tapos, nagulat ako na it’s more than just a supporting role, siya yung pivotal doon... parang siya ang main antagonist, e.

“Super taray ko, as in, scheming katarayan pa nga, kaya nakakatakot, kasi pailalim.

“Pero gusto ko siya, kasi palagi kong role, iyak nang iyak, api na lang palagi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mga beteranang aktres sa Lea Productions at Sampaguita Pictures ang peg niya sa pagiging kontrabida sa Sahaya.

SNOOKY SERNA VS MARICEL SORIANO

Natawa si Snooky nang may magsabing akala ng iba, ang peg niya ay ang Taray Queen na si Maricel Soriano.

“Mataray na cute naman yun,” nakangiting sabi ni Snooky.

Magkatapat ang mga teleserye nila.

Kung nasa Sahaya si Snooky, nasa The General’s Daughter ng ABS-CBN naman si Marya.

Mas maganda (at mas mataray) ang role ni Snooky kumpara kay Maricel?

“May ganoon ba?” pagkunot-noo ni Snooky.

“Well, yes, meron din akong nabasang, truthfully, na ganoon nga.

"Pero ako, parang hindi ko na dapat patulan yung ganoon.

“Kasi, parang no offense meant, although I love my fans and the people that’s still supporting me, kaya lang, parang yung in terms of away-awayan namin ni Maricel noon, we’re too old na for that.

“I’m sure, lalaki pa ang role niya at mas magiging meaty pa at mas magiging maganda pa ang role niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala si Snooky na healthy competition ang pagkukumpara sa kanila ni Maricel.

“I think so, I think so, makakatulong naman siya.

"And Maricel naman is so smart, kumbaga, she knows how the business is naman.

“Wala lang yun, pagtatawanan lang ni Maricel yung mga ganyan...

“Ako’y natutuwa, in a way, kasi parang nagbabalik yung kabataan namin.

"Yung parang... Uy, teka! Bumabalik yung Maricel, Dina [Bonnevie], Snooky, Underage.

“Pero ano, if it’s going to be a healthy competition at magiging maganda sa aming mga career, ayokong maging sinungaling na sasabihin kong hindi ko gustong ma-revive yung career namin more than how or where it is now.”

Ang taray!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN