Max Collins changes her mind about having a baby because of Bihag

IMAGE Noel Orsal

Max Collins on being recognized as an actress: "Minsan, may feeling na mag-quit na lang kaya ako because it seems I’m not doing a good job. So to be recognized with your effort, it really touches my heart..."


Nahirapan nang husto si Max Collins sa bagong Kapuso afternoon drama series na Bihag.

“Imagine mo na may anak ako, pero yung kapatid ko, parang anak ko na rin,” sabi ni Max sa mediacon noong Marso 25, Lunes, sa GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

“Meron siyang learning disabilities, so yun ang ginamit ko. Siya talaga ang naiisip ko.

“Tuwing makikita ko si Ethan [child actor Raphael Landicho], iniisip ko yung kapatid ko na nawawala.

“Ano ba yung pagmamahal ko siyempre sa kapatid ko as to my supposed imaginary son?

"Yun ang kinakapitan ko"

Ikinasal si Max noong December 2017 sa Kapuso actor na si Pancho Magno.

Choice niyang huwag muna silang magkaanak.

Pero dahil daw sa Bihag, pakiramdam niya ay handa na siyang maging nanay.

“Kasi, we shot with batang Ethan, yung baby, and then si Ethan na rin, na-feel ko kung ano yung pakiramdam to be a nanay.

“Feeling ko, preparation na rin ito for me to be a good mom.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto na niyang magkaroon ng anak?

“Gusto ko,” nakangiting sagot ni Max.

“I only started appreciating because of this show. Before, ayoko talaga.

“Mas naa-appreciate ko kung ano ang pakiramdam ng isang nanay. Ang hirap, pero fulfilling.”

Si Pancho, noon pa ay gusto nang maging daddy.

“Ako lang ang hinihintay niya. Siyempre, kailangan muna naming magtrabaho at gusto pa naming mag-travel nang konti, then, baby na,” sambit ni Max.

MAX COLLINS AS AN ACTRESS

Base sa trailer ng Bihag, parang ibinuhos niyang lahat dito.

“Siyempre, there are projects na I’m not happy with my performance.

"I don’t want to lie, sobrang kinakabahan ako sa project na ‘to."

Bakit siya kinakabahan?

“Kinakabahan ako na baka hindi maganda ang performance ko. Na hindi siya worthy of such a good project.

“Talagang ibinigay ko ang lahat sa project na ‘to, at sana, yun din ang makita ng mga tao kapag pinanood na nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangingilid na ang luha ni Max nang purihin ng press ang pagiging aktres niya.

Na habang tumatagal, mas lumalabas ang husay niya sa pag-arte.

“It makes me wanna cry, sobrang thankful lang ako na nandito pa rin ako because I start so early,” saad niya.

“Minsan, may feeling na mag-quit na lang kaya ako because it seems I’m not doing a good job.

“So to be recognized with your effort, it really touches my heart, and it really makes me more thankful and mas lalong gusto ko na gumawa ng maraming projects at ibigay lahat.”

LEADING MEN

Co-stars ni Max sa Bihag sina Neil Ryan Sese at Jason Abalos.

“Haliwaw ang tawag namin kay Neil!” natawang sabi agad ni Max.

“Nakasama ko na siya dati sa Pahiram ng Sandali, and iba siya. In character talaga, madadala ka sa kanya.

“Si Jason, nakatrabaho ko before pa, and what I love about Jason, he really makes me feel comfortable sa mga eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And ang mahirap kasi, hindi kami mag-asawa, hindi kami close, wala kaming relationship, di ba?

“Pero lahat ng mabibigat na eksena, pinapa-feel niya sa akin na susuportahan niya ako sa mga mabigat na scene, and that’s what I love about him.”

Kasama rin sa Bihag sina Mark Herras at Sophie Albert.

Mapapanood ito simula Abril 1, Lunes, pagkatapos ng Dragon Lady sa GMA-7.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN