Max Collins admits initial shock upon bagging Bihag lead role

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actress Max Collins couldn't believe at first that she was chosen for the lead role in GMA-7's latest afternoon serye, Bihag: “Hindi ako makapaniwala. Sabi ko, ‘Sure po kayo sa akin ibibigay?’"


Hindi raw agad makapaniwala si Max Collins na siya ang magbibida sa Bihag, ang bagong afternoon serye ng GMA-7.

Lahad niya, “Sabi ko, ‘Totoo ba? Are you sure?’

“Sino ba ang nagsabi sa akin? I think Ms. Gigi [Santiago-Lara, GMA lady executive] yung unang nagsabi sa akin.

“Sabi ko, ‘Ms. Gigi, may show talaga?’

“Hindi ako makapaniwala. Sabi ko, ‘Sure po kayo sa akin ibibigay?’

“Hindi siya nag-sink in until nag-start kaming mag-taping.

“As in like, pinaghandaan ko siya nang sobra but hindi talaga pumasok sa utak ko na, ‘Hey, ikaw yung magdadala ng show. Nakasalalay sa iyo yung ratings and everything!’

“So, sobrang na-pressure ako but binigay ko talagang lahat dito.

“As in tinry ko talaga yung best ko.

“Especially since malayo yung character sa akin, di ba?

“Ingglisera ako, so laging sosyal yung mga characters ko or kontrabida or fantaserye.

“So ito, ito yung pinaka-challenging and mabigat na role para sa akin because wala pa akong anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May asawa ako but it’s a really mature role for me.

“And I really tried my best.”

GETTING INTO CHARACTER

Doble pa nga ang challenge kay Max dahil bukod sa nanay siya (as Jessie) sa Bihag ay matitinding dramatic scenes pa ang mapapanood sa kanya.

Nanakawin ang anak niyang si Ethan na gagampanan ni Raphael Landicho.

Pakli niya, “Intense lahat!”

Maraming pelikulang pinanood si Max na halos kapareho ng tema ng Bihag.

“So like lahat ng atake nila, I really...

“Pinag-aralan ko lahat ng, not only movements but their emotions.

“And siyempre it’s different pag teleserye acting and film acting as well.

“But then, kumuha lang ako ng mga emotions or mga scenes na gusto ko like parang gusto ko yung attack niya dito, ganyan-ganyan.

“Then binuo ko yung character ko.

“Kasi before, I used to think, basta kabaligtaran ko as a person [si Jessie].

“And then my acting coach told me, ‘No, dapat ilapit mo siya sa iyo, dapat maging real para sa iyo. You as a person, how would you feel?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So it made me learn more about myself na, bakit ayaw ko munang magkaanak?

“Kasi natatakot ako, e.

“Hindi ko kayang mag-alaga ng bata.

“E, ang hirap pala, and just that feeling made it real para sa akin,” pag-amin niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Max sa mediacon ng Bihag nitong nakaraang Lunes, March 25, sa 17th floor ng GMA Network.

Nasa Bihag din sina Jason Abalos bilang si Brylle, Sophie Albert bilang Reign, Raphael Landicho bilang Ethan, Neil Ryan Sese bilang Amado at si Mark Herras bilang SPO1 Larry Pineda.

Ang Bihag ay sa direksyon ni Neal del Rosario.

Mapapanood na ito simula Lunes, April 1, pagkatapos ng Dragon Lady.

MOST CHALLENGING ROLE

Hindi ito ang unang beses na solo lead si Max sa isang teleserye.

“Sa Innamorata, kaya lang naka-prosthetics ako, fantaserye, so mas madali siya kasi it’s fantasy di ba, kaya mo siyang laruin.

“And sa emotion, it’s more of one emotion.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil nga nakatago ang mukha niya sa prosthetics ay hindi kita ang tunay na emosyon o acting ni Max sa Innamorata na ipinalabas sa GMA noong 2014.

Pag-amin niya, “Ito [Bihag] talaga yung pinakamahirap, 'tapos kita lahat.

“Hindi ko maitago yung mga pagkakamali ko as an actor, as a person, kasi kitang-kita lahat.”

May mga eksenang pisikal si Max sa Bihag tulad ng paghabol niya sa isang tumatakbong kotse.

Dagdag niya, “Actually, mas gusto ko pa nga yung physically challenging kaysa yung mga mabigat talaga na iyakan.

“Kasi mahirap siya, e.

“Mahirap, mahirap kung palaging nangyayari iyon, which is what happens to my character.

“Tuluy-tuloy yung pagdurusa sa buhay namin.

“It’s not like okay today is bad, tomorrow is okay.

“Hindi naman ganun, e.

“Tuluy-tuloy na dumarating ang mga pagsubok,” kuwento pa ni Max.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN