Jordan Herrera hailed as first "Pinoy Mano-Mano" champion

by Balot Antazo
Dec 17, 2007
Jordan "The Jaguar" Herrera (inset, in blue) is hailed as the champion of Pinoy Mano-Mano: The Celebrity Boxing Challenge after defeating Rico Robles (in red). The final match of this reality boxing competition took place last Saturday, December 15.


Matapos ang ilang linggo ng matitinding bakbakan ay nagtapos na ang boxing reality show na inabangan ng buong bayan. Last Saturday, December 15, napanood ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nang live ang final showdown ng Pinoy Mano-Mano: The Celebrity Boxing Challenge sa The Arena, San Juan.


Sa loob ng walong linggo ay natunghayan ang totoong aksyon mula sa walo sa pinaka-magagaling na celebrity boxers ng bansa.


Lahat ay nagpakita ng kakaibang galing sa loob ng ring, pero dalawa lang ang nagharap sa huli: ang dating Powerboy na si Jordan "The Jaguar" Herrera at ang kilalang personalidad sa radyo na si Rico "The Truth Behind the Booth" Robles.


Naging kapana-panabik ang labanang Herrera-Robles dahil sa tindi ng mga ipinakitang gilas ng dalawang celebrity fighters sa mga nauna nilang laban. Kumalat din sa loob ng Arena noong gabi ng laban na muntik na ngang hindi umabot sa ring ang labanan ng dalawa dahil sa dugout pa lang daw ay nagkakapikunan na ang dalawa.


Bilang isang "natural boxer," lamang si Robles sa kanyang kalaban pagdating sa karanasan sa loob ng ring. Ilang taon nang nagsasanay sa sport, pangarap ni Robles na makalahok sa Southeast Asian Games at kumatawan sa Pilipinas sa larangan ng boxing. Samantala, mula nang matalo niya si TJ Trinidad sa eliminations hanggang mapatumba si Joem Bascon sa semi-finals, malaking improvement ang nakita kay Jordan, na halos isang taon pa lamang nagbo-boxing.


Bagama't nananatiling tahimik sa kanyang istilo sa boxing, siniguro niya na pinaghandaan niyang mabuti ang laban niya kay Robles.


Bukod sa final match, nagkakaroon din ng dalawang makapigil-hiningang pagtutuos sa undercard round.


Nakilala sila sa larangan ng pagkanta, pero pagdating sa boksing ay ipinakita rin nilang may ibubuga sila? Nakatutuwa ang paghaharap ng reggae rapper na si Blakdyak at Pinoy Dream Academy rocker na si Chad Peralta. Hanggang 2nd round lang umabot ang labanan ng dalawa dahil nagwagi na sa laban si Chad.


Samantala, pagkatapos ng tatlong undefeated fights, muling sinubukan ng Pinoy Mano-Mano ang galing ng tinaguriang hari ng undercard na si Jon "The British Bulldog" Hall laban sa isang amateur boxer/silver medalist ng SEA Games na si Rey Gadil. Naging kapanapanabik ang laban ng dalawa at dito ay tinanghal na panalo si Rey.


Sa main event ay naging exciting ang paghaharap nina Jordan at Rico at grabe ang hiyawan ng crowd habang nagbubugbugan ang dalawa. Kanya-kanya manok ang mga nanonood at sa huli ay tinanghal na kampeon si Jordan Herrera matapos niyang paduguin ang ilong ni Rico. Parehong mahusay ang dalawang celebrity boxers pero ipinakita ni Jordan na siya ang karapat-dapat na manalo sa labang iyon.

Continue reading below ↓

Si Mayor JV Ejercito ang nagsuot ng Championship belt kay Jordan. Naiyak pa ang former Powerboy sa kaligayahan nang itaas ng host na si Cesar Montano ang kanyang kamay bilang kampeon sa first season ng Pinoy Mano-Mano: the Celebrity Boxing Challenge. Nang makita raw niya ang ina niya na umiiyak habang nanonood ng laban, naging inspirasyon niya ito upang magpursige sa loob ng ring. Ayon pa sa kanya, sulit daw ang lahat ng kanyang paghihirap sa loob ng boxing ring dahil nakamit niya ang tagumpay na minimithi.

Nakita naming nanood at sumuporta ang ilan sa celebrities sa Pinoy Mano-Mano sina Eric Fructuoso, Janvier Daily, Michael Roy Jornales, Alvin Aragon, Rico Barrera, Chris Kayzer, at Joem Bascon.

Congratulations kay Jordan for being the first celebrity Pinoy Mano-Mano champion!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jordan "The Jaguar" Herrera (inset, in blue) is hailed as the champion of Pinoy Mano-Mano: The Celebrity Boxing Challenge after defeating Rico Robles (in red). The final match of this reality boxing competition took place last Saturday, December 15.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results