Robin Padilla asked TV5 to clear things first with Ryan Agoncillo and Willie Revillame before accepting Talentadong Pinoy

Robin Padilla jokes about his pro-contestant stance as Talentadong Pinoy host: “Ang papel ni Mariel [Rodriguez] doon, umawat sa akin kapag inaaway ko na yung judge. Attorney, ang tawag sa akin, attorney. Ako ang attorney ng contestant.”


Ikinatuwa ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez-Padilla ang bagong bansag sa kanila ng press bilang “Talentadong Couple.”

Silang dalawa kasi ang napili ng TV5 para maging bagong hosts ng talent search show na Talentadong Pinoy 2014, na magbabalik na sa ere simula Agosto 16.

Reaksyon nga ni Robin, “Wow, okay ‘tol, a. Ang galing nu’n, a.”

Segunda naman ni Mariel, “Ang ganda!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sina Robin at Mariel pagkatapos ng photo shoot nila para sa Talentadong Pinoy, na ginanap noong August 2 sa TV5 headquarters sa Reliance Street, Mandaluyong City.

Nagpapasalamat nga sina Robin at Mariel sa TV5 sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataon para maging hosts ng Talentadong Pinoy 2014.

May pressure ba sa kanila dahil naging matagumpay ang show noong umeere pa ito?

Ayon kay Robin, “Wala naman. Pressure? Wala, wala, hindi ko iniisip yun.

“Sa akin kasi ang lahat ng bagay dito sa mundo kung ano ang ikaloob ng Panginoong Diyos, doon ako.

“Hindi ako mape-pressure o ano, basta ibibigay namin ang 100 percent namin ni Mariel, sasamahan namin ng dasal.

“Kung anuman ang mangyari, yun ang kaloob, e. At ako naman hindi ko naman masasabi na amin ni Mariel ang show. Sa ngayon kami ang tatayong hosts.

“Basta sa ngayon, kami ang pinagkatiwalaan ng TV5 na gawing bida yung mga talentadong Pinoy. We will do our best to do our duty.”

ISSUES ON RYAN & WILLIE. Alam naman ng lahat na ang original host talaga ng Talentadong Pinoy ay si Ryan Agoncillo bago pansamantalang namahinga ito sa ere. Sa muli nitong pagbabalik ay muling inalok kay Ryan ang paghu-host nito. Sa interview ng TV host-actor na lumabas dito sa PEP, inilahad niya ang mga dahilan kung bakit hindi niya magagawa sa ngayon ang show.

May lumabas pang balita na diumano’y si Willie Revillame na ang magiging host ng Talentadong Pinoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang sa maging final na ang desisyon ng TV5 na ibigay kina Robin at Mariel ang hosting job. Kaya ang tanong ng PEP sa kanila ay kung alam ba nila ang naturang kaganapan bago nila tinanggap ang offer?

Paliwanag ni Mariel, “Sinabi ni Robin ganito, bago niya tinanggap ang project, ang unang-una muna niyang tinanong ay kung ano ba talaga ang nangyari.

“So, inalam muna niya kung anong nangyari kay Ryan. Inalam muna niya kung nagkatapusan yung deal kay Willie. Inalam niya muna lahat, bago niya tinanggap.”

Pero kinausap ba ni Robin si Ryan o kaya si Willie?

“Ay, hindi na, manager at [TV5] management na iyon. Sila na ang bahala,” ani Robin.

CHALLENGES & CHANGES IN THE SHOW. Pinag-usapan na ba nila kung anong atake sa hosting ang gagawin nila?

Ani Mariel, “Gusto lang namin na sila talaga yung mag-shine, yung mga contestant. Kasi sabi ko nga, pag nakita na nila si Robin Padilla, Robin Padilla na 'yan.

“Ang atensiyon ng lahat ng tao pag nakita mo si Robin, si Robin na, e. So, paano mo ngayon papaangatin yung contestant, 'di ba?

“So, yun siguro ang challenge para sa kanya sa nakikita ko. Lagi niya kasing sinasabi na sila ang bida.

“Actually, gusto nga niya silang lahat makilala, gusto niyang puntahan, gusto niya pati pamilya makilala, lahat.

“Hindi lang makita kundi makilala. So, I think makikita mo na yung sincerity sa kanya as a host, ganun siyang klaseng host.”

Pagsang-ayon ni Robin, “Totoo, mas gusto ko iyon. Kasi ang mga nanonood nakikita e, nakikita sa mata mo kung tunay kang sinsero.”

Kasama rin ba si Robin sa pag-audition at pagpili ng contestants?

Lahad niya, “Ayaw nila, e. Ako talaga gusto ko kasama yun.

“Pero yun nga yung idea ko na nabaril. Gusto ko kasi pupuntahan ko sa bahay, makikilala ko yung pamilya, yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, mawawala yung ano… baka magkaroon ng bias. Kaya ang gusto nila sa show ko na lang sila maano [mami-meet].”

Bahagi din siya ng creative team ng show?

“Oo, pero ang nakalusot lang sa idea ko, yung gusto ko doon sa araw ng taping namin, makasabay ko silang kumain ng tanghalian.

“Kasi mahirap din yung hindi mo kilala yung tao, e. Ang hirap i-introduce ang taong hindi mo kilala, parang ang plastic, minsan binabasa mo lang,” dagdag pa ni Binoe.

Ang isa pang malaking pagbabagong magaganap sa show ay bukod sa pagiging host ni Robin, may kapangyarihan din siya para sumagip ng contestant na hindi magugustuhan ng mga judge.

Paliwanag ni Mariel, “Kasi sa Talentadong Pinoy, ang mga judge pag hindi nila nagustuhan ang performance ng isang contestant puwede nilang sarahan [ng kurtina], iba-buzz nila.

“Si Robin meron siyang power na puwede niyang i-unbuzz, pwede niyang i-save. One save per episode.”

So, tatayo rin palang “savior” si Robin sa magugustuhan niyang contestant?

“Oo, yun siya, siya ang savior talaga,” ani Mariel.

Si Mariel din ba ay may ganung kapangyarihan?

“Wala akong ganung power,” pag-amin naman niya.

Pabirong sabat ni Robin, “Ang papel ni Mariel doon, umawat sa akin kapag inaaway ko na yung judge. Attorney, ang tawag sa akin, attorney. Ako ang attorney ng contestant.”

So, may magaganap palang balitaktakan dito?

“Oo, meron,” ani Robin.

So, yun ang bagong makikita rito?

“Yes, it’s really a different attack,” sabi ni Mariel.

ROBIN & MARIEL’S TALENTS. Kung halimbawang kailangan nilang magpakitang-gilas sa Talentadong Pinoy, anong talento ang pwede nilang ipakita?

“Nagawa ko na lahat, e, stunts, martial arts. Magic na lang ang hindi ko nagagawa," sagot ni Robin.

“Pero natatakot ako, sabi n’yo nawawala, baka hindi na ako makabalik. Mahirap iyon ha?

“Siguro yun ang pwedeng pag-aralan, yung magic. Kasi wala na akong maisip, e. Magsinungaling na lang ang hindi [ko nagagawa],” biro ni Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

E, si Mariel, ano ang talent?

Sabat ni Robin, “Si Mariel ang talent niyan magluto.”

Ayon naman kay Mariel, “Bukod sa pagkanta, tignan ko muna yung iba na puwede kong gawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN