Sahaya viewer reports show's valedictorian subplot to DepEd

by Ruel J. Mendoza
Apr 7, 2019

Apektado ang netizen na nagngangalang Kevin Beethoven sa GMA-7 primetime teleserye na Sahaya kunsaan bida ang Kapuso actress na si Bianca Umali.

Dahil sa anomalya pagdating sa pagpili ng valedictorian sa Kapuso show, ni-report ni Kevin ang mga pangyayari sa Department of Education (DepEd).

Sa pinalabas na episode ng Sahaya nitong nakaraang week, nais pigilan ni Principal De Guzman ang pagiging valedictorian ni Sahaya.

Nais pang kasabwatin ng principal si Teacher Toni (played by Glaiza de Castro) sa hiling ng koneskyon ng mga magulang ni Farida, ang mean girl na classmate ni Sahaya na gustong maging valedictorian.

Pero hindi sumasang-ayon si Teacher Toni sa gusto ng principal dahil unfair daw iyon kay Sahaya na nagsumikap para makatapos with honors. Tinakot ng principal si Teacher Toni na kung hindi ito susunod ay mawawalan siya ng trabaho.

Pero sa mga sumunod na eksena, nagawa pa ring i-announce ni Teacher Toni na ang valedictorian sa nalalapit na graduation ng klase nila ay si Sahaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Teacher Toni, si Sahaya ang nag-top sa lahat ng exams at karapat-dapat ito sa title na valedictorian. Kinabukasan ay binawi ng principal ang naging unang announcement ni Teacher Toni ang pagiging valedictorian ni Sahaya at binigay ito kay Farida.

Sa isang pakikipag-usap ni Farida sa isang classmate nila, ginamit nila ang kanilang koneksyon para siya ang maging valedictorian.

Kinuwestiyon ni Sahaya ang kanilang principal sa pagbawi ng pagiging valedictorian niya. Maraming binigay na dahilan ang principal at sinabing nagkamali lang daw si Teacher Toni sa pagsabi na ito ang valedictorian. Hindi pa rin maniwala si Sahaya at ipinagtanong niya kunsaan nakatira si Teacher Toni para maliwanagan siya sa mga nangyari. Noong matunton ni Sahaya ang bahay ni Teacher Toni, sinabi ni Sahaya na binawi raw ang pagiging valedictorian niya ng kanilang principal.

Sinabi ni Teacher Toni na napolitika si Sahaya. Pinaglaban niya si Sahaya pero wala siyang magawa dahil tinakot siya ng kanilang principal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hinamon ni Sahaya si Farida na magtuos sila sa isang one-on-one exam para mapatunayan kung sino ang karapat-dapat na maging valedictorian. Pero takot si Farida at inaway niya si Sahaya na kinakampihan ng principal.

Walang ibang choice si Sahaya kundi ang isumbong ang ginawang pandaraya sa eskuwelahan kay Mayor Dante.

Hinabol ni Sahaya ang sasakyan ni Mayor Dante hanggang sa tumigil ito. Kinuwento ni Sahaya ang nangyaring pangdaraya sa kanya sa school at naawa sa kanya ito.

Muling nagtuos sina Sahaya at Farida sa harapan ng principal at ni Mayor sa pamamagitan ng isang quiz bee. Pero halatang nandaya si Farida dahil binigay na sa kanya ng principal ang mga sagot.

Si Mayor Dante ang nagbiday ng tie-breaker question at mas na-impress siya sa naging sagot ni Sahaya at ito ang karapat-dapat na maging valedictorian.

Pero panay pa rin ang pagtanggi ng principal at dapat ang committee raw ang magdesisyon sa bagay na yan. Dito na nagsalita at naglakas loob si Teacher Toni na magsalita laban sa kasinungalingan ng principal nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binuking ni Teacher Toni na ginamit ng magulang ni Farida ang koneksyon nila kay Vice Mayor para kasabwatin ang principal. Dahil sa rebelasyon na ito, sinabihan ni Mayor ang principal na mag-resign na ito sa school kung hindi ay papakasuhan niya ito sa DepEd.

Sa ending ay si Sahaya ang na-declare na official na valedictorian at sa naganap na graduation ay nasaksihan ito ng ina ni Sahaya na si Manisan (played by Mylene Dizon) na pinayagang makalabas pansamantala ng kulangan para maka-attend at isabit ang medalya ng anak.

Dahil sa madramang tagpo na ito ng Sahaya, pinili ng netizen na si Kevin Beethoven na iparating sa Department of Education ang ginawang pandaraya nina Frida at ng principal.

Sa pamamagitan ng Facebook Messenger ay nakiusap ang netizen na makialam na ito sa panggigipit nila Frida at ng principal kay Sahaya.

Heto ang pinost niya noong nakaraang April 3: "HINDI KO NA KAYA NAG SUMBONG NA AKO SA DEPED!!! GO SAHAYA!!! "Si Sahaya po talaga ang valedictorian!!! Dinadaya lang po siya ng principal at 'yung principal po tinutulungan si Freeda sa mga sagot!!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-viral ang pinost na message na ito ni Kevin at nakakuha ito ng higit sa 18,000 shares and almost 1.9K comments.

Hindi lang si Kevin ang naapektuhan sa kuwento ng pakikipaglaban ni Sahaya kundi ang iba pang netizens na nakaranas din ng pang-aapi dahil sa iba ang tingin sa kanila ng ibang tao.

Nang gawin ang istorya ng Sahaya, ang nais ng GMA ay ipakita ang kultura ng Pilipinas na matagal nang hindi nabibigyan ng pansin at ang maging patas ang lahat para sa lahat ng Pilipino, mapa-Badjaw man ito o galing sa ibang katutubo.

Overwhelmed naman ang bida ng Sahaya na si Bianca Umali dahil sa maraming reactions at comments ng viewers sa kanilang teleserye.

"The show’s goal is to represent yung mga Badjaw, yung kultura nila. We are also sending a strong message for feminism din," pahayag ni Bianca.

Ang tweet naman ng headwriter ng Sahaya na si Suzette Doctolero: "Kids, i hope nainspire kayo ni Sahaya na kahit mahirap, kahit walang wala, pero nagsisikap pa ring mag aral at maging number one. Hindi kailangan ang pera o yaman para maging number one. Pagsisikap lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tweet ng Sunday Pinasaya comedian na si Joey Paras: "SAHAYA: Ganitong URI ng palabas ang KAILANGAN natin sa Telebisyon."

Tweet naman ng netizen na si Joey Chavez Avelino Cruez: "Hanggang ngayon...uso parin yan..my Favoritsm sa School kung sino Valedictorian..minsan nababayaran..hustisya kay #Sahaya Mukha mo Principal iwan…"











Read Next
Read More Stories About
Sahaya, Bianca Umali
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results