Yen Santos picks most memorable scene with Yam Concepcion in Halik

IMAGE Noel Orsal

Yen Santos (left) on her role as Jacky in Halik: "Dati, pinangarap ko na magkaroon ako ng character na pag lumalabas ako ng bahay, yun ang itatawag sa akin. Ngayon, eto na..."


Wala pang ideya si Yen Santos kung paano magwawakas ang Kapamilya teleseryeng Halik na tinatampukan nila nina Jericho Rosales, Yam Concepcion, at Sam Milby.

“Maski kami po, hindi pa po namin alam kung ano ang mangyayari dahil iyong script namin, dumadating lang the day itself ng taping,” kuwento ni Yen sa shooting ng pelikulang Two Love You nitong Abril 9, Martes ng gabi, sa Sampaloc, Manila.

“Kahit po kami... nagdedebate po sila, wala pa, hindi pa alam kung ano ang mangyayari talaga.

"Andami pa nilang twists na maiisip. Eto nga lang, si Aliyah [Bianca King], patay na, ibinalik, binuhay. Di ba?

“Siguro, isa rin yun sa ikinagaganda ng story. Hindi predictable yung mangyayari kaya talagang kinapitan ng mga tao.

“Ngayong patapos na ang Halik, expect natin, mabigat ‘yan.”

Malaki ang nagawa ng Halik sa career ni Yen.

Napangiti nang matamis ang aktres, “Dati, pinangarap ko na magkaroon ako ng character na pag lumalabas ako ng bahay, yun ang itatawag sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, eto na... Sabi ko nga, meron akong bagong pangalan. Parang mas maaano ka na konti na lang yung tumatawag sa akin na Yen.

“Mas marami na yung tumatawag sa akin na Jacky.

“So, sobrang happy!

"Kasi, alam mong tinutukan talaga yung show para pag nakikita ka nila, yung character name na ang ipinangatawag sa ‘yo. Hindi na yung totoo mong pangalan.”

YEN SANTOS ON YAM CONCEPCION

Kumusta sila ni Yam Concepcion? Ang mga karaker nilang sina Jade at Jackie ang tila pinagsasabong nang bonggang-bongga.

“Hindi kami madalas na magkasama sa set,” pagbuntong-hininga ni Yen.

“Iyon ang totoo. Palagi akong naiiwan sa unit ko.

"So, kung makikita ninyo sa pictures, lagi akong missing in action.

“Sabi ko nga, pag nag-post sila sa Facebook, ‘Sige na, i-Photoshop niyo ang picture ko diyan, kunwari kasama niyo ako.’

“Kapag nagkikita naman kami ni Yam, chikahan, super-chikahan kami. Dahil parang deprived kaming magkuwentuhan.

“Dahil madalas, sa taping, eto... court scene, wala ako doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, parang lahat ng eksena sa korte, ayan, all-star cast sila. Ako yung maiiwan sa main unit.

“So, every time na magkikita-kita, alam mo yun? Super-chika!”

Sa mga eksena nila ni Yam, alin yung pinakatumatak sa kanya?

Natigilan sandali si Yen at nag-isip-isip bago nagsalita, “Siguro yung binuhusan ko siya ng tubig. Kasi yung lines namin doon, wala sa script.

“Impromptu namin. Nag-iisip kami ng tatatak sa tao.

“So, ang saya ng ganun! Kasi, in fairness sa writers... open sila sa inputs ng mga artista.

“Lalo na si Echo, sobrang hands on nun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CANADA TOUR

Matapos ang Halik, magtu-tour sa Canada sina Jericho, Yen at Sam.

Acoustic Heartthrobs ang title ng kanilang show na gaganapin sa Toronto (May 3, Friday, Toronto Pavilion), Edmonton (May 4, Saturday, South Pointe Community Center), at Winnipeg (May 5, Sunday, Burton Cummings Theater).

Hindi alam ni Yen kung bakit hindi nila kasama si Yam sa tour.

Posibleng dahil sa desisyon ng management ni Yam.

“Baka may bakasyon na rin si Bakla, di ba?” pakli ni Yen.

“Birthday niya rin yun, baka mayroon siyang out of the country.”

"Bakla" ang tawag niya kay Yam?

“Lahat kami! Ha! Ha! Ha! Ha! Papi, paps! Mga ganyan,” paglilinaw ni Yen.

“Sa taping naman kasi, talagang naging ano yung mga tao, e. Ang tagal naming nagsama-sama.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN