Sanya Lopez wants to work with Alden Richards

IMAGE Rose Garcia

Sanya Lopez on being known as a sexy dramatic actress: "Hindi ko po masabi kung nakikilala ba ako sa pagiging dramatic-sexy, pero nakakatuwa kung ganoon nga po ang tingin nila sa akin."


Okay lang kay Sanya Lopez na pinalitan ni Benjamin Alves si Rocco Nacino sa upcoming Kapuso afternoon drama series na Nang Dahil sa Pag-ibig.

“Noong time na sinabi sa akin na si Rocco, parang Haplos lang.

"Si Pancho [Magno], si Winwyn [Marquez] lang ang naiba,” pahayag ni Sanya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial ng kanilang teleserye noong Abril 8, Lunes, sa Studio 4 ng GMA Network, Quezon City.

“Okay lang naman po, noong time na yun. At least, medyo kampante na rin ako kay Rocco.

“Ang dami na rin naming napagsamahan, wala ring mababago, parang ganoon.

“Yung time nga lang na nawala si Rocco, nagtanong lang ako kung bakit. 'Ha? Bakit? Baka naman dahil sa akin?'” natawang pag-amin ng dalaga.

Napaisip siyang baka siya ang dahilan kaya hindi natuloy si Rocco sa teleserye?

“Hindi, kasi parang maiisip mo, 'Dahil ba ako ang gaganap na Mariel?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi naman, maganda naman po kasi, and OK naman kami ni Rocco, e.

“Kumbaga, parang napaisip ako, pero hindi naman.”

Nanghinayang siyang hindi na natuloy si Rocco, pero masaya rin siya na si Benjamin ang bago niyang leading man.

“I think, sa part ko, OK na rin po.

"At least, iba-iba ang nagiging leading man ko at napag-aaralan ko rin kung sino ang babagay, ganoon po.”

Nagkasama na sina Sanya at Benjamin sa isang episode ng Dear Uge.

“Cute lang yung ano namin doon, pero this time po, drama.”

DREAM LEADING MAN

Karamihan ng prime leading men ng Kapuso network ay nakapareha na ni Sanya, gaya nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo sa teleseryeng Cain at Abel.

Tila nahihiya si Sanya nang tanungin ng PEP.ph kung sino pa ang gusto niyang makapareha sa mga Kapuso stars.

“Ano... sa tingin ko, siyempre nag-Kuya Dong na ako, nag-Kuya Dennis na ako—mga big stars talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, gusto ko, katulad din nila."

Sino?

“Ang hirap magsalita,” nag-aalangang sagot ni Sanya.

“Kasi, ang hirap din magsalita. Ito naman, partner lang at trabaho. Trabaho lang po ito...

"I think si Alden."

Sabi pa niya tungkol kay Alden Richards, “Nagkaroon kasi kami ng parang magkasama sa Encantadia at parang merong nagsabi na, ‘OK sila.’

"So, bakit hindi natin subukin? Yung ganun po."

Takot ba siyang banggitin ang pangalan ni Alden?

“Hindi naman po ako takot,” paglilinaw ni Sanya.

“Matakot ako kung may ginagawa akong masama at saka wala akong intensiyon.”

ANOTHER LEAD ROLE

Masaya siyempre si Sanya na bida siyang muli sa bagong afternoon drama ng GMA-7 na Nang Dahil sa Pag-ibig.

Saad niya, “Nakakatuwa po, hindi pa rin ako makapaniwala na ganun na ang tiwalang ibinibigay sa akin ng network, ng GMA-7.

“Siyempre, kakatapos lang ng isa kong show, 'tapos may panibago ulit. Blessing po talaga sa akin lahat-lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pagka-sexy, daring, at intense ang Nang Dahil sa Pag-ibig.

“Sexy raw po ito compared sa lahat ng nagawa kong teleserye.

"So, abangan po natin. Intense daw po.

“Ako naman po kasi, basta may bago akong show, ibinigay po sa akin ng network, I trust them naman po.

"Hindi na po ako nagtatanong, sila na po ang bahala sa akin.

“Sila naman po ang nag-alaga sa akin.”

Advantage ba ni Sanya na nakikilala siya bilang sexy dramatic star?

“Hindi ko po masabi kung nakikilala ba ako sa pagiging dramatic-sexy, pero nakakatuwa kung ganoon nga po ang tingin nila sa akin.

“Ayokong sa akin manggaling kung ano ba ako, pero kung puwede lang pong maging versatile.

"Lahat ng character na binibigay sa akin, talagang pinag-aaralan ko po."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN