Alex Gonzaga on rumored suitor Arjo Atayde: “Siyempre flattered pero ayoko namang isipin yun."


Aminado si Arjo Atayde na may espesyal siyang nararamdaman para kay Alex Gonzaga, ang kapareha niya sa ABS-CBN teleserye na Pure Love.

Agad naming tinanong ang aktres kung may pag-asa ba si Arjo sa balak nitong panliligaw sa kanya.

“Di ko talaga iniisip 'yan sa ngayon, promise. Ayokong mag-welcome ng any thoughts about it. As of now, di ko talaga masasagot saka di naman talaga siya totally talagang nanliligaw so ayokong mag-assume, ayokong ma-disappoint at ma-frustrate so di ko iniisip yun.

“Mabait si Arjo, super bait. Lagi niya kaming pinapakain sa set, lahat kami ha, catering yata siya, hindi actor. Natutuwa kami, pag wala siya sa set, nasa-sad kami.

“Siyempre flattered pero ayoko namang isipin yun, mag-feeling. Kasi ako I admire so many actors and actresses, ayaw mo namang isipin yun, 'Ay ito may gusto sa akin.'


"Baka mamaya magka-ilangan kayo, enjoyin ninyo lang yung company with each other. Kaya sobrang proud sa akin ang Ate [Toni Gonzaga] ko kasi di ko naiisip ang lovelife, e, yun ang gusto niya since day 1.”

Sa interview din kay Sylvia Sanchez, ina ni Arjo, ay nabanggit nito na boto siya kay Alex para sa anak. Bagay na ikinakatuwa naman ni Alex dahil mabait daw sa kanya ang beteranang aktres kahit noon pa.

“Natutuwa ako kasi ang bait-bait sa akin ni Tita Sylvia, even nung before pa Arjo issue, sobrang bait na ni Tita Sylvia sa Ate ko, sa family ko.”

Sa magandang tinatakbo ng career sa ngayon ni Alex, palaging sinasabi ni Toni na masaya siya sa magagandang nangyayari sa showbiz career ng nakakabatang kapatid. Labis-labis din naman ang pasasalamat ni Alex sa suportang binibigay sa kanya ng kanyang Ate Toni.

“Kasi kami naman ni Ate, ako kahit ikumpara pa rin ako sa kanya forever, I’ll be forever grateful to her kasi kaya nga ako nakapasok dito sa showbiz is because of her also.


"Sobrang dami niyang naitutulong sa akin, she always shares the spotlight with me. Kung anuman ang success na natatanggap niya, sobrang proud ako sa kanya kasi alam ko na success niya ay success ko rin. Ganun din siya sa akin, natutuwa din siya sa akin, sobrang proud niya sa akin, minsan nga pinagsasabihan ko na siya, OA ang Instagram mo puro ako na, binabayaran ba kita? Saka kasi talaga this time sinusunod ko lahat ng mga payo niya kaya natutuwa talaga siya sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Consistent ang Pure Love sa pagiging fourth most-watched primetime show nationwide base sa Kantar Media-TNS.


Hanggang sa ngayon ay di pa rin nagsi-sink in sa isip ni Alex ang mataas na ratings at mainit na pagtanggap ng publiko ng naturang remake ng Koreanovela.

“Sa totoo lang di pa talaga nagsi-sink in pero natutuwa kami kasi maganda talaga yung kuwento ng Pure Love, yung original talaga maganda and natutuwa kami kasi so far maganda rin yung adaptation namin, natutuwa rin sila so at least maganda ang take nila kahit na yung mga fans ng original. Natutuwa sila kung paano namin ginagawa.

Sa kabila ng mataas na ratings nila ay aminado naman ang actress/TV host na di nawawala ang kanyang pressure bilang pinakabida ng nasabing serye.

“Pressured ka siyempre para ma-maintain mo pero para you know naman na maganda ang ginagawa namin. Grabe nababasa namin yung scripts, ang ganda ng istorya kasi di ko napanood yung original, nagugulat ako, 'Ay talaga ganito ang mangyayari?' So pressured ka para magustuhan talaga ng tao pero natutuwa ka dahil yun nga ang nangyayari so confident ka pa rin na maganda ang ginagawa ninyo.”

Puring-puri rin ni Alex ang mga kasama sa Pure Love na ayon nga sa kanya ay mas matured pa raw sa kanya mag-isip sa kabila na siya ang pinaka may edad sa kanilang grupo.

“Ay mabait silang lahat, friendly silang lahat. Masaya sa set kasi puro kami bata although ako yung pinaka may-edad na, at the prime of my age pero parang mas matured pa rin sila sa akin so nakakatuwa kasi ang sarap sa set, para ka lang nasa school kasi magkaka-age kayo.

Siniguro din ni Alex na marami pang dapat abangan na mga mangyayari sa Pure Love na tiyak na ikagugulat daw ng mga manonood.

“Marami, marami kasing twists ang bawat kuwento na bawat characters. Kasi si Diane [her character in Pure Love] marami siyang malalamang sikreto kung ano ang kinalaman niya kay Ysabel [played by Yen Santos]. Siguro akala ninyo ang dami ng nangyayari pero sa ika-fourth week, fifth week sobrang dami pa rin kasi nga ang daming unfolding ng mga kuwento. Siyempre kailangan nilang abangan kung kailan yung unang patak ng luha for Diane. We need three, magkakaroon na kami ng first tear, malapit-lapit na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN