KC Concepcion returns to primetime via Ikaw Lamang Book 2

KC Concepcion wore a Randy Ortiz gown when she served as host of the Cinema One 20th anniversary concert held last August 3.


Matapos ang ilang buwang bakasyon sa Amerika ay balik trabaho na si KC Concepcion.

Looking radiant in her form-fitting Randy Ortiz gown, si KC ang nagsilbing host ng Cinema One 20th anniversary concert na ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura Premier, Taguig City noong Linggo, August 3.

Nagsimula nang mag-taping ang Kapamilya host-actress para sa Ikaw Lamang, kung saan isa siya sa mga bagong tauhan na ipakikilala. Sa kanyang Instagram account, nagpost si KC ng larawan ng isang family tree at may caption na, "Ang pag-ibig na hinadlangan sa nakaraan, mabibigyang katuparan na ba sa kasalukuyan?” May hashtag rin ito na #ikawlamang.




"Yes nagte-taping na po kami nina Direk Malu [Sevilla], nina Tito Christopher De Leon at ni Ate Mylene [Dizon]," sabi ni KC nang interviewhin siya ng press matapos ang Cinema One Anniversary Concert.

Kagabi, August 5, ay ipinalabas na rin ang teaser trailer para sa Book 2 ng teleserye. Nanatili si Kim Chiu at Coco Martin mula sa original cast, ngunit mga anak na ng kanilang dating characters ang kanilang gagampanan. Si Kim ay gaganap bilang Andrea samantalang si Coco ay gaganap bilang Gabriel.

Si KC naman ay gaganap bilang Natalia, isa sa mga anak nina Isabelle (Kim Chiu) at Franco (Jake Cuenca).

"Napakalaking karangalan din ang maging kasama dito sa Ikaw Lamang dahil alam ko po na siya ang number one primetime show ngayon sa Philippine primetime."

Hindi ba siya kinakabahan o nape-pressure dahil sa success at mataas na ratings ng show?

"Ako po masyado po akong nagpapasalamat, but more than that, excited din po dahil ibang-iba naman po ang maio-offer ng aking role dito sa Ikaw Lamang. Mas magiging exciting siya, mas magkakaro'n ng konting twist, konting drama.

"Siyempre kinakabahan ako because this has been months and months na pinapalabas at mag-iiba ang kwento. May mga pagbabagong magaganap and sana matanggap and magustuhan ng mga viewers 'yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang pagpunta sa States, umattend din si KC ng ilang acting workshops. Nakatulong ba ito sa kanyang pagbabalik-trabaho?

"Siguro po 'yong masasabi ko, 'yong training po ng mga taga-dito sa Pilipinas 'yong talagang nakatulong sa akin. Because sa lahat ng experience na binibigay ng ABS-CBN sa akin, hinding-hindi ko rin makakalimutan 'yon.

Dagdag ni KC, may karagdagang kaalaman naman siyang naiuwi mula sa mga acting classes abroad.

"Siyempre, may mga napag-aralan din po ako na technique rin galing sa ibang bansa na para mas maging natural pa 'yong acting."

May ilang realizations din ang 2014 FAMAS Best Actress pagdating sa pag-portray ng kanyang mga roles.

"Bilang artista kailangan lang maging sincere ka sa character mo, na mahalin mo yung character mo, at kahit na anong mangyari iintindihin mo 'yong character mo kung bakit siya naging gano'n."

Habang wala si KC sa Pilipinas ay nasubaybayan pa rin siya ng kanyang mga fans at followers dahil sa kanyang mga Twitter at Instagram posts. At pagbalik niya ng Pilipinas ay patuloy siyang nagpost sa kanyang social media accounts.

Isa sa mga posts na napag-usapan kamakailan ay ang kanyang larawan kasama ang nakababatang kapatid na si Miel. May caption kasi ito na... "I absolutely love kids & am sooo thankful for all my sisters! I wish every girl could experience having a sister! Blood & BFFs for life 💕 #throwbacktuesday with #miel (my baby sis who was formerly rumored to be my own kid? Hahaha! Ang creative lang)”

Ang tinutukoy ni KC ay ang mga bali-balita noon na diumano ay siya ay nagdadalang-tao. May lumabas din kasing mga balita na kaya siya nagbkasyon sa States ay dahil buntis siya. Mariin naman niya itong itinanggi sa pamamagitan ng pagpo-post ng isang exercise photo sa Instagram Bahagi ng caption nito ay: “Once & for all: What is this rumor that I am ‘pregnant’??? I AM NOT PREGNANT. I have never been pregnant in my whole entire life. Someone tried to spread this rumor since I left for Paris at 18 & wow now it's back? Please.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mukhang mas matatag na si KC sa pagharap sa mga intriga

"Sabi ko nga po kanina sa stage, kung sa tingin nila maraming drama, action, horror, comedy, romance na nangyayari sa pelikula, mas marami pa nga behind the scenes, e.

"Kaya talagang sabi ko, sa showbiz siguro may mga nangyayari or lumalabas din kahit wala maman talagang pinanggalingan. Parang kumbaga, may mga nagagawa ring gossip, katulad no'ng mga lumabas tungkol sa akin, na totally, as in totally wala po talagang katotohanan."

Natatawa na lang daw si KC sa ganitong mga haka-haka.

"Oo, actually sabi ko, 'Ah nakikita naman ako ng mga tao every three weeks, nakikita ako ng pamilya ko.' At least 'yon lang ang importante."

Tingin niya ay hindi na rin daw naaapektuhan ang kanyang ina, ang Megastar na si Sharon Cuneta sa ganitong mga intriga.

"Hindi na po siguro, e. Hindi na rin po siguro kasi nakikita naman po niya ako lagi, e. Kaya pag gano'n, siya na mismo 'yong mag-iisip na, 'Kasama ko naman siya...'"

At ngayong naka-focus si KC sa kanyang trabaho, pinili na rin ng dalaga na maging tahimik pagdating sa kanyang buhay pag-ibig.

Nang tanungin tungkol sa recent Baguio trip nila ng Sana Bukas pa ang Kahapon star na si Paulo Avelino, tumanggi ng magbigay ng pahayag si KC.

"Pagdating po kasi kay Paulo, I'd rather po na lang, keep it private...because first of all we're good friends, but more than that I'd like to keep my love life and my friendships private."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN