Shaira Diaz on kissing scene with Gabby Concepcion: "Nag-panic lang nang konti."

IMAGE Jerry Olea/GMA Network

Shaira Diaz (left) on kissing scene with Gabby Concepcion (right): “Sobrang... hindi naman nahirapan, more on talagang... ahh... nag-panic lang nang konti!"


Blessing in disguise daw para kay Shaira Diaz na hindi siya nakasali sa Kapuso teleseryeng Sahaya.

“Honestly, nag-audition po ako sa role na ito,” mabining sambit ni Shaira nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng telepelikulang Love You Two nitong nakaraang Huwebes ng gabi, Abril 11, sa Studio 7 ng GMA Network.

“Dalawa po ang pinag-audition-an ko na show: isa sa Sahaya, isa dito.

“So, feeling ko, God’s will siya. Inilagay Niya ako rito.

“Ewan ko. Nagpapasalamat nga ako sa GMA, pinagkakatiwalaan nila ako. Lalo na dito.

“Kasi, kahit ako, hindi pa nagsi-sink in sa akin.

“Actually, kanina, hindi pa kami lumalabas, sobrang kinakabahan ako.

“Kasi, iba yung feeling. Ang laki ng role, e.

“Ang laki ng role para ipagkatiwala sa akin, na andaming ibang puwede diyan.

“Pero sa akin nag-land. So, siguro dahil nakita nilang hard working din ako.

“And pinapahalagahan ko talaga yung trabaho ko, sobra.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AUDITIONS

Noong nag-audition daw si Shaira para sa Sahaya, wala siyang specific role na tinarget.

Sa Love You Two, nag-audition siya para sa role ng young girl na makaka-partner ni Gabby Concepcion.

Masayang kuwento ni Shaira, “Pero hindi ko alam na kapatid ako ni Jennylyn [Mercado] dito.

“Basta, ang pairing ko lang is with Kuya Gabby.”

“Di ba, mahirap para sa isang tulad niya na maka-relate sa karakter ng babaeng nainlab sa lalaking mas may-edad?

“Wala siyang hilig sa daddy-daddy, di ba?

“Actually, doon po ako pinakana-challenge.

“Kaya sobrang mahal ko itong character na ‘to.

“Kasi, natututo ako kay Sam [karakter niya sa Love You Two].

“Ang dami kong nadi-discover kay Sam, na puwede palang ganito, ganyan.

“Well, sinabi ko sa kanila na medyo may ilang. Kinakabahan ako nang konti.

“Pero sa tulong ni Kuya Gabby, gina-guide niya ako, e.

“Sinasabi niya, ‘O, ano, gusto mo, praktis tayo para ganito ang gagawin, para hindi ka mailang.’ Parang loosen up, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, di naman ako masyadong nahirapan.

“Kasi nga, gina-guide ako ng mga tao sa set, ni direk. So, ayun.”

WORKING WITH GABBY

Ano ang naramdaman niya nang makumpirmang makaka-partner niya si Gabby?

“Kinilig ako,” natatawang pahayag ni Shaira.

“Ipinamalita ko agad sa pamilya ko, sa mga tita ko.

“Sabi nila, ‘Andaya mo! Bakit ganyan?’

“'Tapos, nalaman pa nilang may kiss. ‘Dapat ako ‘yon!’

“So, inggit na inggit sila! Hahahaha! Inggit na inggit sila!”

KISSING SCENE

Nakadalawang take ang kinaiinggitang halikan nila ni Kuya Gabby.

Nahirapan ba siya?

“Isa pa ‘yon!” matamis na pagngiti ni Shaira.

“Sobrang... hindi naman nahirapan, more on talagang... ahh...

“Nag-panic lang nang konti!

“Noong magawa na naman, OK na, nakahinga na ako!”

Super-toothbrush with matching Listerine daw si Shaira bago makipag-kissing scene kay Kuya Gabby, na kissable lips up to now.

“Kissable lips naman po talaga!” kilig-kiligang pag-ayon ni Shaira.

Wala naman kayang magselos sa kissing scene niyang ‘yon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman!” mabilis na tugon ni Shaira.

“Hahahahahaha!”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN