Ne-Yo gives perfect score to Pinoy dance crew VPeepz

by Ruel J. Mendoza
Apr 17, 2019
Jennifer Lopez, World of Dance judge, describes performance of Pinoy dance crew VPeepz as "clever and perfect."

Muling pinabilib ng Filipino dance crew na VPeepz ang mga judges ng U.S. dance competition show na World Of Dance sa performance nila noong April 14.

Nabigyan sila ng score na 100 mula sa judge na si Ne-Yo na first time magbigay ng ganung perfect score.

"That set the bar," sabi ng singer-songwriter tungkol sa performance ng Pinoy dance crew.

Dagdag pa ni Ne-Yo: “Without a flip, without a trick, without anything… Nobody risked their life, and you got all three of us out of our seats!”

Hindi napigilan ni Ne-Yo na bigyan ng standing ovation ang VPeepz, gayun din ang dalawa pang judges na sina Jennifer Lopez at Derek Hough.

Ang VPeepz ay binubuo ng mga members na ang edad ay 11 to 16 years old. Nagko-compete sila sa Junior Team division. Ang costume nila ay ang traditional Pinoy Barong in blue and red habang sumasayaw sa “&Burn” by Billie Eilish.

Tinawag pa ni J.Lo na parang isang army ang Pinoy dance crew at pinuri niya ang VPeepz dahil “everything was so clever and perfect.”

Noong nakaraang March 3 unang nagpakita ng husay sa kanilang dance moves sa World Of Dance ang VPeepz.

Noong March ay napaiyak ng VPeepz si Jennifer Lopez dahil sa goal ng kanilang grupo na ma-promote ang diversity, love, and unity.

Sunud-sunod naman ang papuri ni Hough sa VPeepz dahil sa “clarity and thoughtfulness” ng kanilang choreography. Ang kanila namang spacing and music “allowed us to appreciate those hard moments, the intricate moments with the footwork. You didn’t leave any beat, any moment unturned. It was so beautiful. You guys nailed it!”

Kung 100 ang score na binigay ni Ne-Yo, parehong 98 naman ang bigay nina Lopez at Hough.

VPeepz got a cumulative score of 98.7. Sila ang may highest score sa kanilang division sa episode na iyon.

Dahil dito, nakuha ng Pinoy hip-hop crew ang isa sa three slots sa Division Final.

May tatlo pang divisions sa World Of Dance na may final round: Junior, Upper, and Upper Team.

Ang mga nag-top sa apat na divisions ay maghaharap sa dance face off sa World Final kunsaan ang tatanghaling champion sa World Of Dance Season 2 ay mag-uuwi ng premyong $1 million dollars.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennifer Lopez, World of Dance judge, describes performance of Pinoy dance crew VPeepz as "clever and perfect."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results