Dingdong Dantes on renewing contract with GMA: "A rebirth of my commitment, dedication..."

by Rose Garcia
Apr 23, 2019
Dingdong Dantes says GMA Network has been part of some of the most important moments in his life.
PHOTO/S: Noel Orsal

Pumirma muli ng kontrata bilang Kapuso si Dingdong Dantes nitong Abril 22, Lunes ng umaga, sa GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

Masayang lahad ng Kapuso Primetime King, “Kanina, bago ako umalis ng bahay, well, hindi lang kanina, days before, hinanda ko talaga yung paborito kong suit.

“Sabi ko, gagamitin ko sa isang napakahalagang okasyon at pangyayari sa buhay ko, which is today.”

Ipinost ni Dingdong sa Instagram nitong Lunes na: “I put on my favorite suit this morning and had my girls (yes including ate Z) approve it because today is a very very important day for me.”

Continue reading below ↓

Hiningan pa niya ng approval ang mag-ina niyang sina Marian Rivera at Maria Letizia Dantes.

“Siyempre, hindi ako aalis na walang approval ng mag-ina ko, yung dalawang babae.

"Sabi ko, 'OK ba ‘to?' 'Yes, Daddy, that’s good!'

“Bago lahat, kulang na lang pati underwear, bago.

"Pati nga yung gel na matagal ko nang hindi nagagamit, ganun talaga kaespesyal ang araw na ito sa akin.”

Biniro ng host na si Joyce Pring si Dingdong na naka-pomada raw ito.

TWENTY-ONE YEARS AS A KAPUSO

Dalawampu’t isang taon na si Dingdong bilang loyal Kapuso.

“How does it feel?” saad niya. “Alam ninyo, bukod sa ginawa namin kanina, kasi nag-contract signing po ulit kami. Pero technically, it’s just a renewal in papers.

“Pero yung pakiramdam ay parang Easter Sunday. Di ba, nag-resurrect ang ating Panginoon? Ito yung parang rebirth of everyone.

“For me, it is also a rebirth of my commitment, a rebirth of my dedication.

Continue reading below ↓

"At higit sa lahat, ito yung reassurance, ito yung relationship talaga namin ng GMA magmula noong umpisa.

“At lalo pa nating palalakasin, not on a professional level, but more on personal level.

"Because, 21 years na po ako sa GMA at dito ko nakilala ang aking napangasawa.

“Dito sa GMA ako nagkaroon ng panganay. Dito sa GMA ako nagkaroon ng pangalawang anak.

“So, ibig sabihin, bahagi talaga ang GMA ng aking buhay.

"Yun ang kahulugan ng araw na ito para sa akin.”

Emosyunal din si Dingdong at tila pigil ang luha habang pinapanood ang special AVP na inihanda ng GMA Network sa kanya.

Ipinakita rito ang mga naging programa niya sa GMA-7.

Nagbigay rin ng special messages ang mga artistang nakasama niya katulad nina Dennis Trillo, Gabby Eigenmann, at Alden Richards, gayundin ang ilan sa GMA executives kabilang na si Atty. Felipe L. Gozon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes says GMA Network has been part of some of the most important moments in his life.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results