The Voice Kids winner Lyca Gairanod to make acting debut on MMK

Aug 12, 2014
The Voice Kids champion Lyca Gairanod will portray her own life story on Maalaala Mo Kaya.

Itatampok sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ang nakaaantig na life story ng kauna-unahang grand champion ng The Voice Kids Philippines na si Lyca Gairanod. Sa episode na eere ngayong Sabado (Agosto 16) ay gagampanan ng siyam na taong gulang na singing champ ang kanyang sarili.

Bilang paghahanda para sa kanyang unang pagganap sa TV, sumailalim si Lyca sa isang acting workshop na pinangunahan ng MMK director na si Nuel Naval at beteranang aktres na si Malou de Guzman.

“Mapapanood po nila dito sa MMK yung mga ginagawa ko po bago sumali sa The Voice Kids,” pahayag ni Lyca na tinaguriang ng mga manonood bilang "Little Superstar."

“Hindi po ako masyado nahirapan sa pag-iyak kasi tinulungan po ako nila direk,” pagbabahagi ni Lyca kaugnay ng paggabay sa kanya nina Naval at De Guzman, lalo na sa mga dramatic scene.

Sumikat si Lyca sa mga manonood bilang isang munting batang may malaking pangarap na bumiyahe mula sa Tanza, Cavite, patungong Maynila upang magbakasali sa The Voice Kids. Si Lyca ay laki sa hirap bilang anak ng amang mangingisda, at minsan ay tinutulungan niya ang kanyang ina na mangalakal ng basura.

Continue reading below ↓

Kasama ni Lyca sa kanyang unang MMK sina Malou de Guzman, Ronnie Lazaro, EJ Jallorina, Kokoy de Santos, Amy Nobleza, Jahren Estorque, Ian Galliguez, Marney Lapuz, Pepe Herrera, at Che Ramos. Ang episode ay sa ilalim ng panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang Maalaala Mo Kaya na nagpapakita ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Mapapanood ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Voice Kids champion Lyca Gairanod will portray her own life story on Maalaala Mo Kaya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results