Smokey Manaloto flattered to play Kim Chiu's dad in Ikaw Lamang: “Laking guwapo points niyon!”

Smokey Manaloto on working with Kim Chiu in Ikaw Lamang: “Wala pa kaming eksena, bukas pa lang kukunan ang mga eksena namin. Pero very excited ako dahil sabi nila magaan daw siya katrabaho, masayahing tao, magaling na artista… Kaya I’m really looking forward na maging ama niya rito sa Ikaw Lamang,


Mahalaga ang loyalty para sa veteran actor na si Smokey Manaloto, kaya naman hindi raw siya umaabot sa puntong naisip niyang lumipat ng ibang TV network.

Ayon kay Smokey, simula nang magtrabaho siya sa Kapamilya Network noong 1992 via Home Along Da Riles na pinagbidahan ng yumaong Comedy King na si Dolphy, hindi na raw siya lumipat pa sa ibang TV station.

“Siyempre nagpapasalamat ako dahil hanggang ngayon, simula pa noong Home Along..., patuloy na hindi ako nakalilimutan ng ABS-CBN.

“Natutuwa ako at hindi nila ako kinakalimutan at patuloy pa rin nila akong binibigyan ng projects,” panimulang saad ni Smokey nang makapanayam ng PEP.ph ((Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Ikaw Lamang sa 9501 Restaurant sa ELJCC Bldg. last August 12.

Noong nawala iyong Home Along…, hindi raw siya lumipat sa ibang TV network.

“Hindi, dire-diretso pa rin ako dito sa ABS-CBN,” pagpapasalamat niya.

Ganoon siya ka-loyal talaga?

“Oo naman, kasi it helps at saka it pays to be loyal to a company,” saad pa ng komedyante.

RESISTING OFFERS. Ayon pa sa aktor, may mga offer din naman siya sa ibang TV station, ngunit mas pinili niyang manatili sa Kapamilya Network.

“Mayroon namang offer din sa iba. May mga umaabot sa akin, pero iba talaga, e.

“Minsan kasi kapag dumadating yung offer nila, mayroon namang mas magandang offer itong Channel 2. Kaya sabi ko, eto na lang, kaysa lumipat ako sa iba,” seryosong pahayag ni Smokey.

Ang pagiging loyal daw niya sa Dos ay natutunan niya sa kanyang manager na si Cornelia Lee na kilala rin bilang Angge sa mundo ng showbiz.

Saad pa niya, “Sa manager ko, kasi old school si Tita Angge. ‘Tsaka sinasabi niya na ang pagiging loyal ay may rewards din iyan.

“Bukod pa sa gumaganda ang working relationship mo with the people you are loyal to, mas magaan katrabaho pa rin ang mga dati mo nang kakilala. Kumbaga, sanay ka na dito, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIKE SECOND FAMILY. Paano niya ide-describe ang pagmamahal niya sa ABS?

“Mahal ko, kasi hindi naman ako napapabayaan dito, hindi naman ako nababakante. Binibigyan nila ako palagi ng trabaho

“Kung hindi man sa TV, sa pelikula naman. So kumbaga masayang-masaya ako rito,” nakangiting sabi niya.

Pahayag pa niya, “Oo naman, puwede ko nang sabihin na parang panagalawang pamilya na sa akin itong ABS-CBN.”

SHOWS. Sa ngayon ay kasama si Smokey sa mga TV programs na Ikaw Lamang at Luv U ng ABS CBN.

Kuwento niya, “Oo, may second batch na rin yung story ng Luv U at kasama pa rin ako roon, bukod pa rito sa Ikaw Lamang.

So, sa tingin ba niya ay hanggang sa tumanda at magretiro na siya sa showbiz ay nasa ABS-CBN pa rin kaya?

“Sana… bakit hindi. Oo, walang iwanan talaga, e,” nakangiting saad pa niya.

Hinggil naman sa bagong kabanata ng Ikaw Lamang, nanatili rito sina Kim Chiu at Coco Martin mula sa original cast, ngunit bilang mga anak na ng kanilang dating characters ang gagampanan nila.

Si Kim ay gaganap bilang Andrea, samantalang si Coco ay gaganap bilang Gabriel. Si KC naman si Natalia, isa sa mga anak nina Isabelle (Kim Chiu) at Franco (Jake Cuenca).

PLAYING KIM'S DAD. Sina Smokey at Arlene Muhlach naman ang gaganap na mga magulang ni Kim sa naturang teleserye na hatid ng Dreamscape Entertainment Television.

Comic relief ba sila rito ni Arlene?

“Kami ang magpu-provide ng lighter side, kasi iba yung pinanggalingan ni Kim doon sa naunang kabanata, na masyadong mabigat, e.

“Hindi naman sa lagi na lang kaming comic side rito.

“Pero kumbaga, para makita yung transition naman ng character ni Kim na from masayahing tao, tapos, biglang papasok yung problema na malalaman niya kung sino yung totoong tatay niya… ganyan-ganyan.

“So, nandoon pa rin iikot yung istorya ng kay Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalabas pa rin ang pagiging magaling niyang artista kahit pa sabihin na…. sinasabi na sa umpisa lang talaga na light lang, pero bibigat at bibigat rin yung role niya,” detalye niyang kuwento.

Hindi pa raw sila nagkaka-eksena ni Kim, pero excited and looking forward siya rito.

“Wala pa kaming eksena, bukas pa lang kukunan ang mga eksena namin.

“Pero very excited ako dahil sabi nila magaan daw siya katrabaho, masayahing tao, magaling na artista… Kaya I’m really looking forward na maging ama niya rito sa Ikaw Lamang,” pahayag niya.

Mas nakakaguwapo ba yun, na tatay ka ni Kim dito?

“Ay, oo naman! Isipin mo naman tatay ako ni Kim Chiu, laking guwapo points niyon!” nakatawang saad ni Smokey.

TALENT, NOT LOOKS. Speaking of guwapo, dahil hindi naman siya yung tipong mala-Aga Muhlach sa kaguwapuhan, masasabi ba ni Smokey na talent ang panguhing puhunan niya sa showbiz?

“Kailangan e, kailangan… kasi agrabyado na nga tayo sa looks, e. So, siyempre lakasan na lang natin sa talent at saka sa fighting spirit,” sagot pa niya habang humahalakhak.

Parang Roderick Paulate ba ang peg niya, na kahit medyo kinulang sa looks ay super-talented naman?

“Puwede, puwede! Papasok ako sa ganyan!” natatawang saad pa ni Smokey.

Hindi naman ba siya magagalit, kapag ganoon?

“Hindi naman ako magagalit, masaya pa nga ako na ganyan, e,” bulalas pa niya habang tumatawa pa rin.

PRESSURE. Lastly, may extra pressure ba para sa kanilang bagong grupo ng stars na gawin successful rin ang Book 2 ng Ikaw Lamang?

“Siyempre, kasi kailangan naming punuin ang… hindi naman punuin, pero kailangan naming ipagpatuloy yung magandang nasimulan ng first group of actors na gumanap ng unang kabanata ng Ikaw Lamang.

“Kaya nakaka-pressure talaga. Sinasabi nga nila kanina, powerhouse cast yung una. So parang , kami… kasi noong una ay walang masyadong comic relief e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sa amin ay malaking responsibilidad yun sa amin, na pagaangin yung sitwasyon ng teleserye na ‘to.

“Pero, tiwala kami sa mga direktor namin, pati na rin ang creative staff, kaya sigurado ako na maitatawid namin ito,” paniniguro ni Smokey.

Ang iba pang kasama sa cast ng Ikaw Lamang ay sina Christopher de Leon, Amy Austria, Joel Torre, Rio Locsin, Nonie Buencamino, Mylene Dizon, at iba pa. Ito'y mula sa pamamahala nina Direk Malu Sevilla, Manny Palo, at Avel Sunpongco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN