Bea Binene will reunite with Jake Vargas for Strawberry Lane

Bea Binene (in photo), Jake Vargas, Kim Rodriguez, Joyce Ching and Kiko Estrada will be part of GMA-7's family drama Strawberry Lane.


Balik-tambalan na naman sina Bea Binene at Jake Vargas. Ito ay sa pinakabagong primetime series ng GMA-7 titled Strawberry Lane.

“No’ng sinabi sa akin ang tungkol dito, ang tanong ko agad… sa Baguio po ba ang taping? Hindi pala!” sabay tawang bungad ni Bea nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Sunday All Stars noong August 17.

“Sa story, parang nasa isang shelter kami. Tapos iyon ang favorite spot namin do’n sa shelter na ang pangalan ay Strawberry Lane.

“Pero working title pa lang ‘yon. May possibility na mapalitan pa ito.

“Hindi lang kami ni Jake. Marami po kaming kasama sa cast.

“Ako, si Jake, si Kim [Rodriguez], si Joyce [Ching], si Kiko [Estrada], at saka si Jeric [Gonzales].

“Actually heartwarming family drama ang tema niya. Gano’n ‘yong story na more on pamilya talaga.”

Matagal din silang hindi nagsama ni Jake sa isang soap. Ano ang puwedeng asahan ng kanilang fans na na-miss ang pagtatambal nila ulit?

“Unang-una, i-expect po nila na ‘yong mismong show bilang matagal nilang hinintay… isang taon nilang hinintay iyon so siguro mai-expect nila na mas gagalingan namin.

“Lagi naman na kapag may bagong show, padagdag nang padagdag ang expectation kaya mas lalo naming ginagalingan.

“At saka i-expect din nila ‘yong magandang story. Hindi naman sobrang kakaiba ‘yong istorya pero maganda.

“Heartwarming ‘yong story. Very, very feel good para sa mga manonood talaga. Drama. Pero hindi siya ‘yong heavy drama.

“Maraming mapupulot na aral. Maraming matututunan.

“At saka ito ‘yong drama na hindi mo alam na umiiyak ka na pala.

“And siguro ang challenge dito, ‘yong ma-execute nang maayos. Kasi bilang marami kami sa cast, so iba’t ibng istorya bawat characters.

“So ‘yong challenge na ma-execute nang maayos. Ma-execute na maintindihan ng mga tao kung ano ‘yong istorya ng lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nang hindi sila maguguluhan kasi nga maraming istorya, Maraming characters.”

Hindi malayong magkaroon ng sapawan. Lalo pagdating sa highlights ng kani-kanilang characters.

Paano kung maging mitsa ito ng mga issues o kaya ay professional jealousy o rivalry among sa cast members?

“So far, wala pa naman pong gano’n. Ewan ko… hini ko alam!” nangiting reaksiyon ni Bea.

“Siguro nasa writer din po ‘yon, e. Nasa creative team din naman ‘yon, e.

“Parang… kami, umaarte lang po kami. Hindi naman po kami ang nagsusulat ng istorya.

“So wala po sa amin ang karapatan. At hindi po kami ang makapagsasabi kung may sapawan ba na mangyayari.

“We’ll see. Pero sa story con naman, wala naman pong gano’n, e.

“Nasa GMA na ‘yon. Alam naman po nila kung ano ang dapat at hindi dapat.”



LIWANAG SA DILIM MOVIE. Ginagawa rin ni Bea ngayon ang pelikulang Liwanag Sa Dilim. Isa itong horror film produced by APT Entertainment and directed by Richard Somes.

“Kasama ko rito si Jake, si Ms. Sunshine Cruz, si Iggy Boy Flores, si Roco Blanco, Al Tantay, and Sarah Lahbati.

“First time ko pong gumawa ng horror movie. And okay naman po.

“Nakaka-challenge. Kasi tumatakbo kami sa mga talahiban.

“Nakakapagod kasi puro takbo. Sobrang challenging talaga.

“I play the role of a teenager na taga-probinsiya. Merong kababalaghan do’n sa lugar nila… may mga aswang.

“Maganda ‘yong story. At nakakatakot talaga!” pagtatapos ni Bea.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN