Moira dela Torre accepts criticisms on her stint as Idol Philippines judge

IMAGE Moira dela Torre Instagram

Moira dela Torre: "Everyone is entitled to their own opinion. If that's what you think, I can't force you to like me, but I'm here."


Tanggap ni Moira dela Torre ang mga pambabatikos sa kanyang kakayahan bilang hurado sa Idol Philippines.

Kasama niyang hurado sa reality singing search ng ABS-CBN sina Regine Velasquez, James Reid, at Vice Ganda.

“Pini-filter naman namin. Yung constructive criticism, I take it to heart,” sabi ni Moira nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Mayo 5, Linggo, sa set ng ASAP Natin ‘To.

“Ang dami rin kasi nilang hindi alam na nangyayari behind the camera.

“Ang dami rin nilang hindi alam in terms of you as an artist, you as a person.

"But at the end of the day, I have nothing but respect.

"Everyone is entitled to their own opinion.

"If that's what you think, I can't force you to like me, but I'm here."

Idinipensa ni Moira ang kapwa hurado na si James Reid.

Saad niya, "James is amazing, ang galing niya.

"Kahit si James, nakita niya ang pinagdadaanan ko at that moment, and pinapagaan niya ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm so grateful even kay Ate Vice and Mama Reg.

“I'm not definitely in the level of Mama Reg and Ate Vice or James, but I never felt that. Not from them.

"Kasi sobrang welcoming, sobrang humble nila, sobrang talented. Ang dami ko talagang natututunan.

“I'm so honored kasi, you know, I grew up watching them.

"Si James kasi, matagal na rin siya, so matagal na rin akong sumusubaybay.

"To be part of something like this and sobrang saya nilang kasama, you really felt the chemistry between the four of us.

"Sobrang saya ko and sobrang dami kong natutunan."

MOIRA WAS IN PAIN

Noong auditions daw ay mayroong pinagdadaanan si Moira na pinagaan ng kapwa judges at mga kasama niya sa show.

Lahad ng Kapamilya singer, "Actually, noong taping ng auditions, mayroon akong pinagdadaanan noong time na yun.

"Sobrang naging challenging siya for me because I was going through something physically.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But then, lahat—from the prod, to Direk, to my co-judges, to the contestants—lahat sila pinadali yung buhay ko.

“Lahat sila, they are all understanding, and I'm very, very happy to be part of this family...

“I'm okay now, but I'm in so much pain during that time.

“God is so good, He healed me, I'm healing. Everyone is so kind, so nice to me."

FORMER THE VOICE PHILIPPINES CONTESTANT

Si Moira ay sumali noon sa The Voice Philippines, pero hanggang battle rounds lang ang inabot niya.

Magandang halimbawa siyang may pangalawang pagkakataon sa lahat ng nangangarap.

“I know, sobra. Noong sinabi nila sa akin ito noong una, sabi ko, ‘Shucks! May revenge ba ako dito kasi natanggal ako sa The Voice?’

“But siyempre it wasn't about that, it became us getting invested with other people's dreams.

“Sobrang nakakagaan ng loob na makita sila so passionate, and you confidently tell them I was once there and walang imposible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isa rin sa feeling ko pinaka-meaningful for me is pag may mga natatalo pero ang galing-galing nila.

“Siyempre, nakakapanghina ng loob, as a dreamer, alam mo yung nakapasok ka, ‘Uy, ito na yun!’ 'Tapos, di ka makapasok.

“Yung weight na yun, yung burden na yun, alam na alam ko.

"Parang ang daling sabihin sa kanila, ‘It’s not the end of the road, it's not the end of the journey, it doesn't stop here. I know this, nadaanan ko ito.’

“Sabi ko, if may taong naniniwala sa second chances, ako yun. Credible ako doon.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN