Guess who Pancho Magno got as his onscreen kissing coach?

IMAGE Nikko Tuazon

Kapuso hunk Pancho Magno (left) asks wife Max Collins (right) to coach him on the finer aspects of onscreen kissing


“Okay naman sa kanya, hindi naman niya nakikita e,” ang tumatawang sagot ni Pancho Magno kung ayos lang ba sa misis niyang si Max Collins ang mga intimate scenes niya sa Dahil Sa Pag-ibig na bagong serye ng GMA-7.

Banggit namin kay Pancho na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Dahil Sa Pag-ibig nitong nakaraang Miyerkules, May 15, sa 17th floor ng GMA Network, si Max rin ay daring na ang transition ng karakter sa Bihag na afternoon series ng Kapuso network.

Ayos lang din daw iyon kay Pancho.

Sa isang past interview with Max, sinabi nitong nadadala niya ang intense role niya (as a troubled mother and wife) sa Bihag pag-uwi niya sa bahay, at dahil dito ay napagsusungitan niya madalas si Pancho.

“Talaga? Buti alam niya,” at tumawa ang Kapuso hunk actor.

“Hindi… grabe yung role niya dun, e. Intense yun, sobra!

“Nagtu-throw lines kaya kami, tinutulungan ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi kahit papaano meron siyang konting twang, kaya nababago niya, pinapatigas ko.

“Kasi yung pagka Tagalog na Tagalog…”

Ikinasal sina Pancho at Max December last year. Wala pa ba silang planong magka-baby?

Estima niya, “Mga next year pa. Lilipat pa lang kami, e.”

Lilipat raw sila mula sa tinitirhan nila ngayon sa isang mas malaking bahay.

“Pag settled na kami, 'tapos okay na okay na,” sagot ni Pancho sa tanong kung kailan sila magkaka-anak ni Max.

INTENSE ROLE

Mabigat raw ang papel ni Pancho sa Dahil Sa Pag-ibig.

Lahad niya, “Sobra! Ano lang talaga... I mean, mas malalim lang compared sa mga…

“Sa Haplos, may crush ako sa kanya, type ko lang.

“Ito obsessed ako na… ang ganda lang kasi kung makikita niyo. Ang lalim lang e, sobra!”

Si Sanya Lopez ang tinutukoy ni Pancho na kasama niya dati sa Haplos ng GMA (noong 2017) at ngayon ay sa Dahil Sa Pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa bagong serye na ito ng GMA ay gaganap si Pancho bilang Gary at si Sanya bilang si Mariel.

Kuwento niya, “Isa pa, sobrang intimate ng mga scenes, kasi ganun kalalim na obsession, na yung affection niya.

“'Tapos sila kasal, OFW, pupunta ng ibang country, andun si Winwyn, ganun.”

Mga bida rin sa Dahil Sa Pag-ibig sina Benjamin Alves as Eldon at Winwyn Marquez as Portia.

May mga intimate scenes rin daw si Pancho kay Kelly Day na gaganap bilang si Alison na girlfriend ni Gary.

Pagpuri niya sa co-star, “Magaling si Kelly, grabe yung mga eksena namin!

“Hindi lang yung mga intimate scenes.

“Pati yung mga confrontation namin.

“Hindi siya nagta-Tagalog, pero pag galit na galit siya, nalalabas niya yung…”

NOT JEALOUS OF SPOUSE'S SEXY SCENES

Hindi ba selosa si Max lalo nga at may love scenes si Pancho sa ibang artistang babae?

“Hindi niya pinapanood,” ang rebelasyon ni Pancho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magseselos yun siyempre.”

Pinapanood ba ni Pancho ang mga intimate scenes ni Max sa mga projects niya?

“Ang dami ko nang napanood, e.

“Pero sa kanya kasi, kiss lang.

“Actually, hindi naman ito ganun ka-ano...

“Tasteful naman,” pagtukoy niya sa mga daring scenes niya sa Dahil Sa Pag-ibig.

“Medyo sexy lang kasi talaga, lagi lang akong...

“Di ba pag kunyari nakahubad ka 'tapos nakikipaghalikan ka, sobrang sexy lang tingnan?

“Iba nang tingnan, e.

“Kahit sabihin mong hindi naman dumidikit, e lagi ako naka-topless.

“Meron pa akong nagwe-welding ako—artist ako, e—so hubad, as in lagi akong hubad.

Natatawa niyang pahayag, “Grabe, grabe mga eksena.

“Sayang naman ang pagwu-workout ko everyday, di ba?

“Tsaka tingnan niyo naman ang kasama ko o,” pagtukoy ni Pancho kay Benjamin na isa ring certified hunk.

BRUSHING UP ON ONSCREEN KISSING SKILLS

Naglahad pa ng rebelasyon si Pancho.

Ayon sa Kapuso hunk actor, “Nagpapaturo ako kay Max ng mga technique e, kung paano ako hahalik na hindi ko naman talaga hahalikan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw kasi gaanong sanay si Pancho na makipag-love scene sa ibang babae.

“Ang gagawin ko kasi, it’s either hindi ko alam kung kailan ako parang... baka kulang or baka sumobra naman ako.

“Gusto ko dun lang ako lang sa… ang pinaka-importante dun, si Direk Ricky kasi.

“Na ninong ko siya, ha?”

Ninong pala ni Pancho sa binyag ang direktor ng Dahil Sa Pag-ibig na si Ricky Davao.

Kuwento niya, “Kaya sobrang kumportable ako, kaya pag may sinabi siya, ‘So maghahalikan kayo dito,’ parang, ‘O sige, ikaw naman yan, e!’

“Si Ninong Ricky naman, actor’s director, kaya sobrang naaano niya sa amin kung ano yung mga kaya namin, mga range namin sa acting.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN