Barbie Imperial reveals why she refused to work anew with JM de Guzman

by Ruel J. Mendoza
May 18, 2019
Barbie Imperial reveals why she turned down the chance to work again with JM de Guzman.

May offer muli na magsama sa isang project sina Barbie Imperial at JM de Guzman pagkatapos nila magsama sa ABS-CBN teleserye na Araw Gabi.
Pero hindi tinanggap ni Barbie ang naturang project dahil nagkaroon ng sila ng personal na problema ni JM.
"Sinabi ko na parang hindi pa time.
"Sinabi ko rin na feeling ko maiistorbo namin yung mga makakatrabaho namin kung hindi pa kami okay sa isa't isa.
"So kung ako po, mas okay na wait lang muna, 'wag nating madaliin," diin pa ni Barbie.
Kung matatandaan ay nag-tweet si Barbie ng cryptic message na "Once a liar, always a liar" pagkatapos na magpa-interview ni JM sa Tonight With Boy Abunda noong nakaraang April.
Nasabi kasi ni JM na sinubukan niyang i-pursue si Barbie pagkatapos ng teleserye nilang Araw Gabi.
Pero para kay Barbie, pawang kasinungalingan ang mga pinagsasabi ni JM.
Na-hurt nga raw si Barbie nang sabihin ni JM na one month lang silang nag-date.
"Kasi parang para sa akin, lagpas na siya ng isang buwan pero sa kanya pala, mag-iisang buwan pa lang," pagbunyag ni Barbie nang siya naman ang sumalang sa Tonight With Boy Abunda nitong Mayo lamang.
Nabanggit pa ni Barbie na marami raw silang naging problema ni JM at hindi lang daw ito tungkol sa kanilang careers. May kinalaman pa rin daw ang mga nakaraan nilang relasyon na hindi pa naayos.
"Madami po kasi yun eh. Puwedeng pinursue ka niya na seryoso siya. Puwedeng pinursue ka din niya na may iba din pala, puwedeng pinursue ka niya na parang gusto ka niya ulit saktan... Basta, pinursue naman niya ako.
"So parang kaming dalawa po, dalawang tao na wasak, tina-try naming pareho na ayusin 'yung isa't isa, buoin 'yung isa't isa, pero 'di po pala puwede 'yun.
"Dapat parang at least may isang tao na buo, kasi ang hirap pong wasak ka na nga, tapos wasak din aayusin mo. Paano mo aayusin 'yung sarili mo?" diin pa niya.
Nasabi rin ni Barbie na hindi sila puwedeng maging magkaibigan na ni JM.
"Ako hindi ko po talaga kaya, e, pero hindi ko naman po tutuldukan doon kasi hindi ko naman po alam kung anong mangyayari sa mga susunod na araw.
"Pero sa ngayon po talaga, hindi po talaga," pag-diin ni Barbie.
Isa rin pala si Barbie sa sinabihan na mag-audition para sa role na Darna. Pero iba raw ang gustong role nito.
"Actually mas gusto ko po yung Valentina!
"Pero kung, ibibigay sige. Puro Darna na kasi, e, Valentina naman tayo," pagtapos pa ni Barbie Imperial.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial reveals why she turned down the chance to work again with JM de Guzman.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results