Manilyn Reynes says she is not a nagger like her character in My BFF

My BFF stars (from upper left, clockwise) Janno Gibbs, Manilyn Reynes, Mona Louise Rey and Jillian Ward.


Nagbigay si Manilyn Reynes ng updates tungkol sa GMA-7 niya with Janno Gibbs titled My BFF.

“Ayan, away ng away si Christian at si Lyn.”

Si Manilyn ay gumaganap bilang si Lyn sa My BFF at si Janno Gibbs naman ay gumaganap bilang si Christian.

“Hindi pala totoong buntis si Lavender [Valerie Concepcion na gumaganap bilang third party sa kanilang relasyon]. Akala naman niya matutuwa ako.”

Hindi pa rin daw mahuhulog ang loob ni Lyn kay Patrick na ginagampanan naman ni Leandro Baldemor.

“Kasi si Lyn ayaw niya talaga, di ba, dahil yung anak nga.

“So ang isinumbat niya kay Christian, ‘Kung papalitan kita dapat noon pa pero ang inisip ko yung mararamdaman ng anak ko.’”

Si Mona Louise Rey naman ang gumaganap na anak nilang si Rachel.

In real life raw ay never silang nagkaroon ng ganoong eksena ng mister niyang si Aljon Jimenez.

“Wala,” at tumawa si Manilyn. “Wala, wala!”

Paano kung maging unfaithful si Aljon?

“Ay huwag huwag, hindi mangyayari yun! Hindi mangyayari ‘yan,” at muling tumawa si Manilyn. “Hindi mangyayari ‘yan.”

Sa palagay niya ay ano ang pinaka katangian niya bilang isang asawa?

“Hindi kasi ako nagna-nag, e. Hindi ako nagna-nag.”

Hindi siya tulad ng character niya sa My BFF na laging nagna-nag.

“Oo di ba, ‘concert ng concert’ [o isang nagger] si Mommy Lyn, di ba?

“Pero kasi siguro dahil nga yung character kasi ni Mommy Lyn pinaglalaban niya lang, e. Kung ano talaga, e. Dapat ito, ‘Maging matuwid ka.’

“Ginaganun niya si Christian kasi.

“In real life hindi ako talaga nagna-nag, ang ginagawa namin kunyari may issues or may kailangang i-discuss, discuss, usap talaga.

“Huwag tayong yung ratratan lang ng ratratan kasi wala rin namang malulutas pag ganun, e.

“Kami hindi kami talaga natutulog hangga’t hindi namin tapos yung kailangang pag-usapan. Kahit sobrang late na, dis-oras na basta’t matapos ninyo. Ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iyon ang malaking pagkakaiba nila ni Mommy Lyn.

“Oo, kasi si Mommy Lyn naman, nile-let go niya kasi kailangan niyang matulog dahil may trabaho siya pero bothered naman siya kasi hindi niya tinutuldukan. Pag ganun dapat tuldukan mo kung ano ba dapat ang gawin.”

Ano naman ang pagkakaiba nina Christian (Janno) at Aljon?

“E, si Christian ayun nga, si Christian si Janno,” at muling natawa si Manilyn.

“Hindi, di ba, wala naman kaming ganun [third party], and I’m thankful naman ako, grateful ako na walang ganun. Walang ganun.

“At dapat walang ganun.”

Twenty-one years na ang relasyon nina Manilyn at Aljon.

Samantala, natuloy ang kissing scene nina Manilyn at Janno sa My BFF pero dahil may prinsipyo si Manilyn na hindi ito pumapayag sa kissing scenes sa kahit na sino artistang lalaki mula ng pumasok ito sa showbiz ay dinaya na lamang ito.

“Pero siyempre kailangan mo kasing mag-create kasi ng eksena na kunyari, katulad ng eksenang ninakawan kasi ako ng kiss, e, kaya nagalit na naman si Lyn sa kanya.

“Parang taking advantage, na sabi ni Mommy Lyn, ‘You took advantage of me.’

“Ganun. Kahit wife niya, ‘Dapat hindi mo ginagawa yan.’

“Kasi nga war sila.”

Tinanong naman namin si Manilyn, kung siya ang papipiliin, sa ending ba ng My BFF ay dapat na mabuhay muli ang multong si Chelsea na ginagampanan naman ni Jillian Ward?

“Sa akin ha, hindi naman siguro realistic kung mabubuhay, di ba?

“Ibig sabihin… wala namang ganun. Kung ako dapat talaga positibo ang ending. Kasi siyempre family-oriented yung show mo, e.”

May input raw silang mga artista sa My BFF.

“Of course, may say kami, ibig sabihin we can always ask the creative team kung kunyari tulad nung may gusto kaming sabihin, nagpunta naman yung creative people dito tapos sabi nila, ‘Sige tingnan natin kung papaaano natin maipapasok, kung paano pagtatahi-tahiin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun kasi maganda din yung nagiging involved ka. Hindi naman panghihimasok yun, e, kundi sa kung ano lang ang ikagaganda ng show.

“I think that’s very healthy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN