Awra admits, "Ang hirap talaga na mawala sa Ang Probinsyano"

by Ruel J. Mendoza
May 23, 2019

Hindi napigilang maiyak ni Awra nang balikan niya ang panahon na nawala siya sa ABS-CBN prime-time series na FPJ's Ang Probinsyano.

Si Awra ay nakilala bilang si MakMak sa teleserye na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sa May 22 episode ng morning show na Magandang Buhay, sinabi ni Awra na inilihim niya ang kanyang nararamdamang lungkot dahil pinatay na ang character niya sa FPJAP na si Makmak.

Nagkataon pa na ang last taping day niya ay tumapat sa kanyang birthday noong March 26.

"Nahihiya akong umiyak sa harap nila," pag-amin ng aktor na ang real name ay McNeal Briguela.

"Pero nung time na kinuhaan na binaril ako ay umiyak po ako noon.

"Kasi nasanay po ako na habang lumalaki sa industriya, tumatagal, sila po yung laging nag-a-advise sa akin palagi.

"Tapos kapag may nagiging problema ako, isa rin po sila sa tumutulong na i-solve ang problema ko.

"Kaya ang hirap talaga na mawala sa Ang Probinsyano," pahayag pa ni Awra.

Continue reading below ↓

Nagsimula sa Ang Probinsyano si Awra noong 2016 at araw din ng kanyang birthday ang first taping day niya.

"Siyempre po, sobra. Noong time kasi na pumasok ako sa Ang Probinsyano, first day ko po ay birthday ko po, March 26. Noong last day ko po roon ay birthday ko rin po, March 26.

"So parang sakto 3 years po. Nung time na kinuhaan ako sa loob ng kabaong, nung time na kinuhaan 'yon birthday ko po at inere rin po," patuloy na kuwento ng Kapamilya teen actor.

Ngayon daw kasi ay hinahanap-hanap pa rin ni Awra ang pag-taping niya sa FPJAP. Sa kanyang tatlong taon sa show, naging close na raw siya sa lahat ng tao sa set.

"Parang nakakalungkot po kasi parang nakasanayan ko na yung araw-araw kong kasama sa taping tapos hindi ko na sila masyadong makikita, parang sa ibang project na," diin pa ni Awra.

Naging extra close si Awra sa bida ng FPJAP na si Coco Martin.

Bukod kasi sa teleserye, nakasama pa niya si Coco sa mga pelikulang The Super Parental Guardians noong 2016 at Ang Panday noong 2017.

Continue reading below ↓

Unforgettable para kay Awra ang Ang Probinsyano dahil dito rin siya nanalo ng dalawang Best Child Performer awards mula sa Star Awards for Television (2016) at 3rd Aral Parangal Awards (2017).

Si Awra ang tinanghal na grand winner ng first season ng Your Face Sounds Familiar: Kids noong 2017.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results