Will Gabby Concepcion ask daughter KC to transfer to GMA-7?

by Rose Garcia
May 24, 2019
Gabby Concepcion reveals his feelings about being paired with much younger leading ladies, like Jennylyn Mercado and Shaira Diaz in Love You Two.
PHOTO/S: Rose Garcia

Natutuwang ipinakita ni Gabby Concepcion ang litrato ng anak na si KC Concepcion na kuha sa snap chat apps na uso ngayon, yung puwedeng palitan ang gender at nagiging bata.

Kamukha siya ni KC kung lalaki ito.

“Tawang-tawa siya, e, tingnan niyo na lang sa kanyang Instagram,” sabi ni Gabby nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping nitong Mayo 22, Miyerkules, sa Tivoli Royale, Quezon City.

Nami-miss na ni KC ang showbiz. Hindi ba niya inaaya ang anak na maging Kapuso rin?

“E, anytime naman, yayakapin naman siya industriya. E, ayaw naman niya dahil in love,” saad ni Gabby.

“Marami kasing nagagawa ang love. Kapag in love ka, ang daming nangyayari. Nagkakaroon ng magic.

“Alam niyo yung glitters na nakikita sa Instagram, ang makulay na daigdig ni KC.”

Siyempre, masaya siya para sa anak.

“Oo, kahit na anong gusto niyang gawin, basta masaya siya, nandoon lang ako. Nakatutok lang, nakamasid, nakaabang.”

Continue reading below ↓

Handa na ba siyang maging lolo?

“E, naku, gusto ko nga, marami na akong apo. E, itong mga ito, ayaw pa. Kasi, hindi ko pa nae-experience paano.

"Pero I’m sure, masaya yun, di ba?”

Nakilala na ni Gabby ang French boyfriend ni KC na si Pierre Emmanuel Plassart.

“Mabait. At okay ‘yan, as long as masaya siya.”

Continue reading below ↓

YOUNGER LEADING LADIES

Pinag-aagawan nina Jennylyn Mercado, Sheena Halili, Shaira Diaz, at Solenn Heussaff si Gabby sa Kapuso primetime series na Love You Two.

“Nasa script kasi, e, kaya wala na akong magagawa. Pero sana nga, mangyari yun sa tunay na buhay,” biro ng 54-anyos na aktor.

“Nakakaaliw nga, noong nabasa ko ang script, sabi ko, ‘Maganda ‘to, maraming pupuntahan ‘to.’ In fact, nakakabitin nga.

“May eksenang pumasok si Solenn Heussaff. Hindi dapat Love You Two... Love You Three. May four pa. Kasi, may mga twist.

“Basta, maraming magagandang kapupuntahan talaga. Kahit ako, nagulat ako noong makita ko ang script...

“Kaya ang sarap, e!”

Noon pa man ay nagkaroon si Gabby ng leading ladies na mas bata sa kanya.

Aniya, “Si Janice [de Belen], nakasama ko, ilang taon lang nun, 16 lang yata. Naging leading lady ko na.”

Ano ang pakiramdam na hanggang ngayon ay mas bata pa rin sa kanya ang nakakapareha niya?

Continue reading below ↓

“Well, natitiyempo lang talaga na yung story kasi nandodoon sa younger yung roles nila.

“At yung roles nga nila, parang nababagay sa palitan ng kanilang relationship,” nakangiting pakli ng beteranong aktor.

DREAM LEADING MAN

Dream come true para kay Jennylyn na makapareha si Gabby.

“Masarap kasama si Jen, tahimik lang, walang ere at very soft-spoken siya. Mapagbigay,” sabi ng aktor.

Nagbibigay si Jennylyn ng cookies na bine-bake nito.

“Umorder pa nga ako. Pagkatapos niya akong bigyan, umorder pa ako. Inilagay ko rin sa Instagram account ko.”

Nang bumalik si Jennylyn galing Dubai kamakailan ay pinasalubungan sila nito ng dates.

“Binigyan niya ako ng dates, pero iba ang ka-date niya roon,” biro ni Gabby, na ang tinutukoy ay ang boyfriend ng aktres na si Dennis Trillo.

THE BEST TIME OF HIS LIFE

Bakit parang ang saya ngayon ni Gabby?

“Mula noong bumalik ako rito noong 2008, siyempre malungkot ako dahil namatay ang father ko. “Pero sabi ko, this is the best time of my life dahil nabigyan ako ng second chance.

Continue reading below ↓

“So, tulad ng sabi ko nun, hindi ako dapat magreklamo sa buhay na ibinigay sa akin.

“Ang saya-saya ko kahit ano pa ang dinadaanan ko, kahit pangalawang buhay ko pa ‘to.”

Hirit pa niya, “'Tapos sa ganitong project pa na kasama mo sila, na panaginip lamang, hindi ka pa ba sasaya, ‘di ba?”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby Concepcion reveals his feelings about being paired with much younger leading ladies, like Jennylyn Mercado and Shaira Diaz in Love You Two.
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results