Ex-PBB All In housemate Jacob Benedicto considers Maris Racal as "the perfect image ng PBB”

Jacob Benedicto says he often takes part in sleepovers with fellow housemates of Pinoy Big Brother All In.


One month and one week ang inilagi ng housemate na si Jacob Benedicto sa Big Brother house bago siya na-evict. Pero kahit hindi siya masyadong nagtagal bilang bahagi ng Pinoy Big Brother All In, itinuturing ni Jacob na isang super-sayang experience ito para sa kanya.

“Masaya… super-saya. Ang saya kasi talagang nag-bond kami ng housemates. Naging super-close kami nina Fourth [Pagota]), Fifth [Pagotan], Alex [Gonzaga], Daniel [Matsunaga].

“Kahit sa labas, halos everyday ay magkakasama kami,” paliwanag ni Jacob nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa contract signing niya bilang endorser ng Skin Central na ginanap sa Mario’s Restaurant, Tomas Morato, Quezon City, last August 19.

Present sa naturang event ang manager ni Jacob na si Mayet Tiaoqui at ang owner ng Skin Central na si Mr. Kimm Ilarde.


Kina Fourth, Fifth, Alex, at Daniel ka ba pinaka-close talaga?

“Of course, pati sina Manolo [Pedrosa], si Aina [Solano[, super-close kami ni Aina. Actually lahat, e, parang everyday we were together…

“They’re all gonna sleep in my house tonight, ganoon kami ka-close, e. As in, if they don’t sleep over tonight, mag-i-sleep over sila bukas.

“Kung hindi sa bahay ko, sa bahay ni Aina. Kundi sa bahay ni Aina…”

Dagdag pa ni Jacob, “Si Nichole, super ka-close ko, lagi iyang nag-i-sleep over sa bahay. Okay lang kay Phoemela [Baranda], kasi, we became a family na parang…

“Hindi wild iyong sleep over… as in, kuwentuhan-kuwentuhan… nood ng live stream, kain-kain.

“Parang PBB lang, dahil hindi pa kami naka-get-over sa PBB, e.”

Pahabol pa ng tinaguriang Cutie Crooner ng Parañaque, “Sabi nga ng mga tao, kami ang pinaka-close na PBB season. Kasi noon, ang daming away, paglabas ay walang pansinan.”

Bago ka nag-PBB, ano ang ginagawa mo?

“School po, estudyante po ako sa Dela Salle University, Communication Arts student po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Aside from that, nagpe-perform po ako sa teatro, nag-The Voice Season 1 po ako. Before The Voice, nag-Kanta Pilipinas po ako for TV5.

“So, ever since ito talaga ang pangarap ko, ang maging performer po. Maging actor, singer,” nakangiting saad ng tisoy na ex-PBB housemate.

After PBB, ano ang plano mong gawin?

“Well, gusto kong maging singer, maging host. So, naghahanap ako ng platform na puwede kong gawin iyong dalawa…na maging singer, host, and actor.

“Ngayon, nag-guesting ako sa mga teleserye. Sa Pure Love, may three to four episodes ako diyan. Nag-Gandang Gabi Vice ako noong Sunday and may small role ako sa upcoming Star Cinema movie, na hindi ko pa alam ang title.

“Ang liit lang ng role ko rito, I don’t even think people will notice that I’m there. Pero it feels great na I get to be exposed sa mga ganitong bagay.”

Naikuwento rin ni Jacob na dati siyang intern sa Star Magic.

“Intern ako dati sa Star Magic for three to four months, under PR and Promo. Ako ang nag-o-organize ng prescon, ako ang nagsusulat ng press release. Sa birthday ni Kathryn [Bernardo], at iba pa.

“Dapat ay nag-graduate na ako, pero nag-LOA [leave of absence] ako para sa PBB. Inuna ko muna ang career ko, dahil 22 years old na ako at sayang iyong opportunity, e,” nakangiting kuwento niya.

Pakli pa niya, “Pumila talaga ako sa Araneta Coliseum.”

Hindi ba may issue diyan?

“Well, hindi kagaya ng iba na sinasabing parang may special-special audition or whatever. Ako, I lined-up talaga for sixteen hours sa Araneta Coliseum and when I got in, sabi ko, ‘Mommy, ito yung panagarap ko, eto yung dream ko. I lined-up, this is crazy. Pumasok ako sa first round, if I get in, puwede ba ako mag-leave sa school?’

“Sabi niya, ‘Wow!’ Kasi, nag-leave na ako for The Voice, nag-leave na ako for Kanta Pilipinas, so, third leave ko na ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nakabangga ka ba habang nasa loob ng Bahay ni Kuya?

“Of course, I think the first week ay si Chevin [Cecilio Hindi kami nag-get along na parang may friction. Pero dito sa outside world, super-close kami.

“Kasi sa loob ng bahay, parang super-intensified iyong mga problems.

“Si Jane [Oineza], nag-away kami ni Jane. Parang for a while… Pero we talked, and then nag-apologize siya, nag-apologize ako,” kuwento niya.

Dagdag pa ni Jacob, “Kahit na si Alex, e. Isang beses, may isang weekly task na may dalawang teams: Team Nichole and Team Loisa. Na parang who ever losses the most weight ay siya yung mananalo.

“Kaya sinabi ko kay Fourth na hatiin iyong vegetables, para equal sa dalawang team. Aba nagalit si Alex sa akin, ‘Bakit mo idini-divide, hinahati mo ang bahay. Ano ba, pamilya tayo. e?’

“Sabi ko, ‘E. task ito e.’ Marami talagang friction sa loob, pero sa labas ay wala na lahat.”

Ipinagtanggol rin niya si Joshua Garcia na binansagang tamad.

“Tinatawag nilang Boom Tamad! Pero alam n’yo, ang bait ni Joshua.

“Yes, na-interpret siya as medyo tamad or pa-pogi or whatever. Pero ganoon talaga ang mga bata, hindi ba? They’ll learn, they’re young, they can make mistakes. Bata pa kasi si Joshua and he made a mistake by being a little tamad,” pahayag niya.

“Ako rin, tamad din ako sa loob ng bahay, hindi lang halata,” pahalakhak na saad niya. “Pero si Joshua ang nakita nila talaga.

“Ako’y nagluluto doon at naghuhugas ng pinggan. Pero kapag daily chores like mga bintana or watering the plants, ayaw ko niyan.”

Kapag eviction night ba, sobra talaga ang pressure sa inyong housemates?

“Oo, super at kapag may mawawalang housemates ay naiiyak ka talaga.

“Kasi, parang your brother or sister just left. Parang feeling mo ay you’ll never gonna see them again. Exagge talaga sa loob ng bahay, e,” nakatawang saad pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puwede mo bang sabihin kung sino ang pinaka-epal na na-encounter mo sa Bahay ni Kuya?

Ano ang pinaka-hindi mo malilimutan sa stint mo sa PBB?

“Iyong friendship, iyong family… iyon.”

Iyong task na hindi mo makakalimutan talaga, ano iyon?

“Oo, iyong task, iyong lapis task, grabe iyon! Tatlong araw na walang tulog, nagbi-bleed na iyong kamay ko, e. Five thousand pencils kasi ang tinasahan namin doon e. Grabe talaga iyong task na iyon!

“At saka ako ang pinakamabigat, yung weight loss task. Nag-gain ako ng sixteen pounds e. So with the help of Skin Central, I wanna remove that sixteen pounds,” nakatawang banggit niya.


MARIS FOR THE WIN. Ngayong lima na lang sila sa Bahay ni Kuya, mayroon ka bang fearless forecast?

“Iyong Top four ko muna, sana sina Maris [Racal], Loisa [Andalio], Jane, at Daniel. Ang gusto ko sanang manalo naman ay si Maris.”

Ipinakilala na kagabi, August 23, ang Big Four ang

(Read: Maris Racal, Daniel Matsunaga, Jane Oineza and Vickie Rushton emerge as Big Four of PBB All In)
http://www.pep.ph/guide/tv/14349/maris-racal-daniel-matsunaga-jane-oineza-and-vickie-rushton-emerge-as-big-four-of-pbb-all-in

Sino iyong wala sa five?

“Si Vickie yung isa.”

Pero wala naman kayong gap ni Vickie?

“Ay hindi! Love ko si Vickie, pero feeling ko ay mas deserving talaga si Daniel. Kasi, kahit artista siya, or let’s just say, mas mayaman siya sa iba, may napanatuyan siya sa loob ng bahay.

“Super bait siya, may moral siya, he is a good person, he works so hard, he gave up so much to be in PBB,” aniya.

Inamin din ni Jacob na nagkaroon siya ng crush kay Jane habang nasa PBB.

“Naging crush ko si Jane noong first two weeks.

“Kahit maraming naiinis kay Jane, siya yung naging crush ko. Kasi, naging super-close kami, e, nag-bond kami. Nag-open-up kami to one another, very early on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And iyong pinagdaanan ni Jane, grabe rin.

“Si Jane, deserving din siya, pero feeling ko ay mas deserving si Maris. Kasi si Maris, mas naging totoo sa loob ng bahay,” nakangiting saad ni Jacob.

Bakit bina-bash si Jane at sinasabing plastic?

“Hindi siya plastic, mabait na tao si Jane. But, I feel that she’s not sharing everything lang. Iyon lang.

“But who who am I to judge that, ‘di ba? If you are in front of forty cameras every day, you have the right not to show everything. So, okay lang.”

Bakit si Maris ang gusto mong manalo sa PBB? Paano kung sabihin ng iba na siya ang pinaka-ordinaryo sa housemates?

“Oo, but then yung PBB, hindi ba… may transformation iyan.

“Si Maris kasi ang pinaka-talented sa PBB. Si Maris nagko-compose siya, naggigitara siya, kumakanta si Maris, she can act. She’s so nice and she’s deserving and she needs it.

“And I think she can share her… If she wins, malaki ang growth ni Maris. She can inspire so many young people.

“Iyon ang point ng PBB, e, find someone that represents the Filipino. She’s also the perfect image ng PBB.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN