James Reid and Nadine Lustre sign two-year contract with ABS-CBN



Ganap nang mga Kapamilya ang magka-love team na sina James Reid at Nadine Lustre matapos pumirma ang bawat isa sa kanila ng two-year contract sa ABS-CBN noong Martes (Agosto 26).

Ayon sa mga bida ng hit movie na Diary ng Panget at Talk Back And You’re Dead, maraming proyekto ang nakapila ngayon para sa kanila sa Kapamilya Network, kabilang na ang teleserye at recording albums.

Itinuturing naman ng Big Winner ng Pinoy Big Brother: Teen Clash na si James ang pagpirma niya ng kontrata bilang pag-uwi sa kanyang tahanan matapos ang mahabang pamamahinga niya sa showbiz.

“Gusto ko talagang bumalik dito sa ABS-CBN. Dito ako nagsimula, sa PBB, at ang sarap sa pakiramdam na nakauwi na ako,” ani James.

Hindi naman makapaniwala si Nadine na opisyal na siyang Kapamilya. Nagsimula si Nadine sa showbiz bilang bahagi ng ilang programa sa ibang networks at dating miyembro ng all-female singing group na Pop Girls.

“Masaya ako na bahagi na ako ngayon ng isang panibagong pamilya. Medyo hindi pa ako makapaniwala sa mga nangyayari,” sabi niya.

Dumalo rin sa pirmahan ng kontrata ang presidente at CEO ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio, TV production head na si Laurenti Dyogi, at sina Vic del Rosario at Veronique del Rosario-Corpus ng Viva Entertainment.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN