PBB Otso Batch 3 Big Four reveal the stars they want to work with

by Julie E. Bonifacio
Jun 23, 2019

Tatanghaling Ultimate Big Winner ang mananalo sa pagsasama ng Big Four mula sa apat na batches ng Pinoy Big Brother (PBB) Otso sa ABS-CBN.

Ito ang ni-reveal ng mga PBB executives sa pagharap ng ikatlong batch ng Big Four na kinabibilangan nina Ashley del Mundo, Tan Roncal, Yen Quirante, at Batit Espiritu sa media kamakailan.

Kahit nakalabas na ang Batch 3 Teen Big 4 sa "outside world" ay hindi sila puwedeng maghiwa-hiwalay.

“Yes, we have this thing dahil they are still in competition, hindi sila pwedeng mahi-hiwalay just what like happened to the first two batches. So, whatever guestings, whatever engagements that they will have, puwede naman po yun, e. Pero they should be seen as a team, as a group. It’s okay for them to have guestings and mall shows pero magkakasama muna sila,” pahayag ni Cynthia Jordan, PBB Business Unit Head.

Ano ang mangyayari kapag nakuha na yung 16 winners?

Continue reading below ↓

“Basta there will be a merge,” sagot niya.

Dagdag naman ng isa pang PBB Business Unit Head na si Marcus, “Yeah, we explained naman na start pa lang ng season na all four batches will merge sa dulo. So, at kung ano ang mechanics doon, yun yung aabangan pa. Definitely, yes, papasok ulit silang lahat sa bahay, magsasama-sama sila.”

Among the 16 housemates na magasama-samang muli sa Bahay ni Kuya, may isang mananalo at tatanghaling Ultimate Big Winner.

“Yes, but every batch will have a batch winner. We will announce before they enter kung sino yung batch winners nila and then, secret na yung mangyayari after that,” paglilinaw ni Marcus.

Mapipili ang magiging Ultimate Big Winner via text votes tulad din sa pagpili ng Big Four per batch.

“Ah, yeah,” klaro pa ni Marcus.

“Actually, yung batch winner was determined na siya nung last botohan nila. So, di ba may tinago kami sa golden vault?

Continue reading below ↓

“Actually, yun na yung result noon. So, kada batch, may batch winner na. Kilala na kung sino yung batch winner. Pero we will reveal it before the show.”

“Pag pasok nila, back to zero ang scores nila, yes.”

Ano ang reaction ng Batch 3 Teen Big 4 sa pagbabalik nila sa Bahay ni Kuya?

Tan: Iniisip ko ngayon parang mas nagiging excited na naman po akong ano, parang fill-upan po yung ano, big winner po. Kasi, ayun nga po, sabi po ni Sir Marcus, papasok naman kayo ulit sa Bahay ni Kuya para ilalaban po yung Big One. Yes po and, sobrang masaya rin po ako kasi nandito po ako tsaka mailalaban ko po ulit.

Batit: Siyempre po sobrang sarap sa pakiramdam kasi po ah, papasok na kami ulit at mapapakita po naming ulit yung kakayahan namin na, yung mai-prove po namin na yung posisyon po namin sa Big Four ay karapat-dapat po talaga kami. Kumbaga, isang opportunity po again yung pagpasok namin sa Bahay ni Kuya para nga po ipakita talaga yung kung ano yung kaya naming gawin na Big Four. At yun po, mag-set na rin po kami ng another goal para maging Ultimate Big Winner po. Yun po ang para sa akin.

Continue reading below ↓

Ashley: Uh, siyempre naman super happy that I can go back into Kuya’s house because I already miss Kuya’s house. And also uh, it’s another opportunity like what Kuya Bat [Batit] said that since we’re Big Four, we have to prove as well as Big Four and what we can do as Big Four, and how we can prove to them that we can become also ultimate winners as well. So, I’m always up for the challenge.

Yen: Ako po, kumbaga, iniisip ko po ngayon, siyempre nag-overthink po ako kung ano po yung mga mangyayari sa akin. Pero at the same time po, ini-enjoy ko po na nasa outside world pa po kami. Tapos siyempre, hindi pa rin doon mawawala yun nga po, kung ano po yung mangyayari kung saka-
sakaling bumalik ulit kami sa Bahay ni Kuya.

So, ang naisip ko lang na gagawin ko kung ano po ako pumasok talaga from the... yun po sa third batch na yung personality ko, e, ganoon. Ganoon din po ako, kumbaga, papasok sa Bahay ulit ni Kuya. Kumbaga, kung may mga task man ako na medyo na nagawan ko ng medyo hindi maganda, kumbaga, yun ang parang gusto kong baguhin. At yun yung goal na sana, kung saka-sakali man na bumalik ako sa Bahay ni Kuya, ah, mas marami na yung ma-inspire ko na mga fans or mga tao na naniniwala at sumusuporta po sa akin.

Continue reading below ↓


Ano sa tingin mo ang katangian mo para tangahling Ultimate Big Winner?

Tan: Para sa akin po ang katangian ko po na dapat, yan nga po, katulad ng sinabi ko dati na sa bawat laban na darating sa akin hinding-hindi po talaga ako susuko. Ayun, kapag nakapasok na po ako sa Bahay ni Kuya, ipaglalaban ko po yun hanggang dulo.


Batit: Ako naman po, siguro po kasi sa loob ng bahay, ipinakita ko po kung ano yung mga kakayahan ko at kung sino po yung totoong ako, na thank God po na nagustuhan ng mga kasama kong housemate sapagkat, yun din po, blessed din po ako doon kasi never po ako na-nominate. Para sa akin isang advantage po yun para sa akin sapagkat parang positive po sa akin na review para sa akin yun. At saka, yun din po, pagharap ko sa mga hamon. At saka yung hirap po na dinanas ko sa Big Jump at sa iba pang mga individual tasks siguro po. Kaya yun po, that’s why deserved po ako sa puwesto ko siguro po para sa akin.

Continue reading below ↓


What do you think is your quality to be the Ultimate Big Winner?

Ashley: I feel like I’m deserving because through my journey in PBB, I’ve shown selflessness through my sacrifices in the house. I’ve shown maturity through the actions and decisions that I made in the house and my strength in my faith in God. So, I always rely on Him on whatever happens to me. I’m super grateful and I’m so proud of myself.

Either way, win or lose, I’m still... I’ve grown as a person. And I feel like I deserve to be Big Winner because I feel I have the biggest character development in myself. Because I’ve grown so much from what I was then to now po

Yen: Actually po, sa akin lang po, hindi lang po sa sinasabi ko na deserving ako kundi lahat naman po talaga na napiling Big Four, lahat po deserving. Kaya nga po nandoon sila sa posisyon na yun. Pero yung programa po talaga ay may mapipili po talaga na isa kung saan siya po talaga yung tatanghaling Big Winner.

Continue reading below ↓

Para po sa akin, gagawin ko po talaga yung lahat para, kumbaga, makuha yung panalo na yun, yung puwesto na yun na kung saan, yun po yung purpose po na kung saan kaya nga po ako nag-audition kasi po doon po talaga sa ganoon po, na maging Big Winner. Pero hindi ko pa rin po ipagkakaila na lahat po kami, kumbaga, lahat po nandito para lumaban at nag-aagawan kami na, yung puwesto na yun.

So, sa akin po, kung anuman po ang maging resulta, nandoon pa rin po yung acceptance ko at saka yung, siyempre, thankful din po ako kasi nakaktuntong po ako sa ganung paraan po, like nakapasok po ako ng PBB.

Kung bibigyan ng project, sinong actor or actress ang gusto nilang makasama?


Yen: Ako, siguro po kung magkakaroon man po ako ng chance na umarte sa industrya, siguro po si Ate Maja [Salvador] po. Kasi, bukod po sa nakikita ko sa kanya yung parang fighting spirit na rin po sa buhay niya. Tapos ano rin po siya, nakikita ko rin po yung personalidad niya, e. Kumbaga, simpleng babae na kung saan may ganda na matalino, ganoon. Parang hinahangaan ko rin po siya kaya eto, gusto ko po siya. Someday, gusto ko po siyang makatrabaho.

Continue reading below ↓

Sa lalaki po, puwede po ba yung housemate?

Siguro po si Sho [Shoichi Oka]. Kasi po si Sho po, gusto ko po siya someday makatrabaho po kasi bukod sa napakisamahan ko na po siya inside of the house. Kumbaga, alam ko na po kung paano, gamay ko na rin po kung paano ko po siya ulit pakisamahan sa ganoong trabaho po.

Ashley: For me, if given the opportunity to act with them, I would pick Francine po from Kadenang Ginto. Because I really admire her because of her simplicity and how good she is. And the way she performs, the way she brings her acting skills po is really simple and it’s really, it’s not too much or it’s not too less. It’s just sakto lang po.

Meron ba silang crush sa showbiz?


Ashley: Ah, James Reid po.

Batit: Ako po siguro sa aktres, ay sa aktor po, si Mr. Piolo Pascual po. Kasi po talagang sa mga movies niya po lalo na sa show nya sa MMK po. Yun po talagang tumatak sa akin po yung nagka-stroke po siya na teacher. Ang galing-galing po niyang umarte pagdating sa mga ganung bagay po ba? Sa mga drama. Kaya gusto ko po siyang makatrabaho kung mabibigyan po ng oportunidad, yun po si Mr. Piolo Pascual.

Continue reading below ↓

Sa aktres naman po, ah, siguro po si, kahit housemate?

Ah, sa housemate po siguro si Sheila po. Kasi po ano, naka-partner ko siya project at doon po sa mga tinuro po sa amin, yung schooling-schooling po ba?

Yung sa question and answer po. Parang kaming dalawa po is gamay na gamay namin yung, talagang binigay namin at yung puso naming kapag binigyan po kami ng isang task. Yun nga po, isa rin doon yung pagko-choreo. Yun po, yun po, si Sheila.

Tan: Para sa akin naman po kapag mabibigyan ng chance po na mamili na makasama sa pelikula, si James Reid at si Enrique Gil po. Kasi ayun nga po, parang mahilig po kasi ako manood ng mga loveteam nila.

Sino gusto niyang makapareha?

Tan: Sa aktres naman po sina Ate Liza [Soberano] at si Ate Nadine [Lustre] po.

Ah, sa bahay ni Kuya po, ayun po si Ashley po. Kasi ayun po, mas nakikilala na namin ang isa’t isa. Saka mas nagkakasundo na kami sa mga bagay-bagay..

Continue reading below ↓

May mga ex-housemates na si Batit ang pinili na sana maging batch big winner. Ano ang reaction niya dito?

Batit: Siyempre po sa side ko po, siyempre po masarap sa pakiramdam at natutuwa po ako sa kanila sapagkat yun ang nakikita nila sa akin sa tagal-tagal naming samahan na para sa kanila ako yung Batch Big Winner.

Yun po, pabor po sa akin yun kasi sila yung mga nakasama ko sa bahay at natatawa po ako dahil yun ang naging reviews po nila sa akin, na karapat-dapat ako na maging Big Four. Siguro po dahil din sa pinakita ko sa loob na nakita rin nila na katangian ko kaya nila nasabi yun. Kaya sobrang sarap po sa pakiramdam.

Masasabi ba niya na isang kalamangan niya sa mga kasama niya sa Big Four ang hindi niya pagkaka-nominate kahit minsan habang nasa loob ng Bahay ni Kuya?

Batit: Ah, siguro po pagdating sa loob ng bahay para sa akin advantage po yun dahil sa pagligtas sa nominado hindi po ako naipit kasi po ligtas. Pero siguro po pagdating po sa mga suporta masusubukan po ako.

Continue reading below ↓

Parang yun po yung nagiging sitwasyon ko po. Ano rin po yun sa akin, dahil hindi pa po ako na-nominate parang pagdating sa mga supporter hindi ko nasubukan, parang ganoon po.

Mabuti na rin po na hindi ako na-nominate.

Ano yung qualities ni Ashley ang gustung-gusto ni Tan?

Tan: Yung ano, malambing po siya, sweet saka ayun, parang, minsan po caring din po si Ashley.

How about Ashley, ano ang nagustuhan niya kay Tan?

Ashley: The qualities I’ve seen in Tan, he’s family oriented po. He’ll do everything for his family. And he’s like, so super positive. He spreads positivity all over the house even if it’s a loss for all the housemates he’s stlll, ‘Okay na lang.’ Like, ‘Laban! Laban!” "It’s okay. Bawi next time,’ like that.

And he’s also very masipag po. Caring and masipag po.

Continue reading below ↓

Marami ang nakakapansin na parang selfless niya na tao may pagkamahinhin pa siya minsan. Pero meron ding nagsasabi na ang dating niya ay mahina masyado.

Ano ang reaction niya doon?

Yen: Actually po, ganoon po kasi talaga akong tao, e. Pumasok po ako ng Bahay na ganoon. Pero hindi po sa lahat ng oras mahina po ako. Siguro, sinabi ko naman po yan noon na mahina po ako through words. Sinasabi ko na susuko na ako pero kahit kailan hindi po ako nagpakita sa lahat ng task ni Kuya na itinigil ko na.

Na, ‘No, ayaw ko nang lumaban..’ Hindi ko po ikakaila na sinabi ko po talaga na ayoko na kasi napapagod na ako. Sinabi ko po yan pero hindi ko po siya ginawa sa aksyon ko po.

Siguro yun nga po, dumating sa puntong gusto ko nang mag-voluntary exit kasi dumating din sa point na, kumbaga, inisip ko rin po yung Mama ko. Inisiip ko yung kalagyan niya. Pero andoon lang po yun. Kumbaga, andun lang po siya sa isip ko.

Continue reading below ↓

Nasasabi ko lang po talaga. Kaya hindi ko inisip na para sa kanila yung words na sinasabi ko po pala, e, medyo parang nakakapanghina na rin ng loob. Pero hindi ko rin po sila masisisi kais kaya nga po kami nasa loob ng isang bahay kasi iba’t iba kami ng personalidad.

Meron bang dapat asahan sa kanila ni Shoichi ang mga fans na gusto silang makitang magkasama palagi?

Yen: Siguro po meron pero as of now, siguo hanggang, aaminin ko po talaga may nararamdaman ako kay Sho pero hanggang hindi ko siya hinahayaang tumaas. Kumbaga, out of 100%, nasa 25% lang siya, ganoon.

Kasi po nagsisimula pa lang po yung journey ko kaya hindi ko muma yun inisiip. Kung ano lang po yung friendship po namin. Pero okay lang naman po kung mag-work kami as a loveteam.

Ano ang pakiramdam ni Tan sa sinasabi na crush siya ng bayan ngayon dahil sa pinakita niya na pagiging gentleman at mabait kay Ashley?

Continue reading below ↓

Tan: Para sa akin po kung ganoon po sobrang masya po para sa akin. Kasi, ayun po napakita ko yung pagiging gentleman ko sa babae. Nakaka-overwhlem po kasi yun ang tingin ng mga tao sa akin.

Ano sa tingin ni Tan ang edge niya sa iba pang inili-link na kapareha kay Ashley gaya nina Mich Wunder at Lance Carr?

Tan: Siguro po para sa akin, ang edge ko lang po siguro, uhm, smiling po ako. Yun naman po ang gusto ni Ashley at yun din po mas, para sa akin mas close kami ni Ashley, di ba?

Ashley: Yes, I guess it’s between me and Tan. We know what it’s like how close we are. We know that we treated each other well. So, yes.

From a scale of 1 to 10, how will she rate her Tagalog-speaking skills? In order kasi to make a successful career in the industry, you need to be able to speak Tagalog well. And what do you think you need to improve in order to really be the star that a lot of peole know she can be?

Continue reading below ↓

Ashley: I would say around 5 or 6 po. I think my advantage would be that I understand Tagalog. So, I know a lot of Tagalog words. So, I’m able to form sentences but I can’t really say the words properly because I got tongue-tied po.

So, in order, I guess, I just have to push myself. I really have to study the language. I really had to. Sanay myself in speaking Tagalog so I can get better and more fluent in Tagalog po.

Ano yung feeling sa loob ng Bahay ni Kuyay na hindi alam ng mga hindi nagiging housemate? Kumusta si Kuya as big brother?

Yen: Yung feeling po sa loob ng bahay, alam ko na hindi actually pinapalabas kung saan meron pong pinipili. Pero yun po, sa loob ng bahay ni Kuya kumbaga, once in a lifetime mo na nga lang po siyang ma-experience sa buhay mo, ah, masasabi ko po talaga na hinding-hindi mo siya malilimutan dahil sa bukod sa mga weekly task, tapos yung mga hindi mo inaasahan.

Continue reading below ↓

Dahil sa outside world wala kang...kahit isa hindi mo yun mae-experience like wake-up call. Hindi ko po yun na-experience sa buong buhay ko. Tapos po yung mag-shower na five minutes lang po.

Si Kuya naman po, uh, strikto rin po siya minsan. Kapag alam niya na hindi tama yung ginagawa ko, pagsasabihan ka po niya kasi gusto lang po niya itama kung ano po yung medyo nagawa mong mali.

Sobrang galing po ni Kuya. Magaling din po siyang mag-advise. Napapaiyak po talaga ako sa mga sinasabi niya po. Yung matalino, basta po yung matalino.

Ashley: All I can say about Kuya’s house, it’s such an amazing experience, a really extraordinary once in a lifetime experience. It really brings out the side of you that you’ve not really seen before like you discover that is part of yourself because of like, you didn’t know, ‘Oh, I could take up this challenge.’
Or, ‘I didn’t know I was good at this.’ Hidden talents po come out while you’re in the house. And you also discover, yes, a lot of about yourself.

Continue reading below ↓

And with Kuya, I would say all Kuya wants for us or for anyone is to, like, to improve and also discover yourself.

Batit: Para sa akin naman po para sa mga inspiring housemate sana gusto pong ma-exprerience po sa loob ng Bahay ni Kuya, ah, siguro po yung epxerience po namin doon ay talagang, magugulat ka na lang na magagawa mo ang isang bagay na hindi ko kayang gawin.

At saka, ayun din, parang masusubukan din ang kakayahan mo doon sa loob ng bahay. At talagang, ang key mo talaga doon sa loob ng bahay ay magpaka-totoo, makisama at siyempre yung tiyaga mo dapat andoon.

Kung hindi ka marunong mag-tiyaga or wala kang patience siguro ano ka, susuko ka sa loob ng bahay. Kasi marami pong times na ang daming hinaharap na talagang nakakainip.

At siyempre, iba po yung sa loob ng bahay sa outside world kaya maiinip ka po talaga. Kaya kailangan po talaga ng pasensya sa loob ng bahay.

Continue reading below ↓

At kay Kuya naman po, ah, wala po siyang ibibigay sa amin na hindi makakabuti sa amin. Kasi may bibigay po siya na susubukan po yung kakayahan ng bawat isa na, yun nga po ‘yung susubukan kami.

Siguro po ang masasabi ko sa mga insprign housemantes na, kung anuman ang ibigay ni Kuya sumunod kayo at, kasi alam ko na para sa ikabubuti ninyo yun. At yun lang, sundin ninyo lang si Kuya sapagkat si Kuya po ang magbibigay ng aral sa buhay.

Based on my experience po talagang nagpapasalamat po ako kay Kuya dahil talagang ang dami kong natutunan sa kanya. Yun po.

Tan: Para sa mga aspiring housemates na gustong pumasok sa Bahay ni Kuya, siguro mae-experience ninyo rin yung parang, sa sarili ninyo kasi para sa akin nung nasa labas pa po ako ng bahay talagang mahiyain po ako.

Tapos ayun, pagka-pasok sa loob ng bahay ni Kuya parang nawala po yung hiya ko po. parang mas nag-gain po ako ng confidence. At saka doon din po ako natuto na huwag pong susuko talaga. Doon po talaga parang sa akin po doon ko po natutunan sa loob ng Bahay ni Kuya yung word po na yun.

Continue reading below ↓

Saka si Kuya naman, para sa kin sobra po siyang mabait. Saka, masarap din pong kausap ni Kuya kasi parang, ayun nga, on how he spoke the words po parang nakaka-inspire kasi matalino po si Kuya.

Parang maa-adopt ko po yung mga sinasabi niya.


Marami ang nagsasabi na may pagkakapareho si Yen sa kilos at galaw ni Maymay Entrata. Hindi ba siya natakot i-bash ng mga fans ni Maymay at ng Mayward?

Yen: Hindi ko po alam. Kasi po pumasok po ako ng bahay ni Kuya wala po sa isip ko na mag-audition noon, ganoon na po talaga yung personalidad ko. Halos lahat po sa amin, taga-probinsya namin, yun po ang pagkakakilala nila sa akin, makwelang bata. Hanggang sa dala-dala ko po yun.

Pinipilit ko po talaga, kumbaga, maging kakaiba. Pero yun po talaga yung lumalabas sa akin. Hindi ko po alam kung bakti nagiging ganoon. Pero hindi naman po ako natatakot kasi alam ko naman po sa sarili ko kung saka-sakali naman po magkaroon ako ng basher na ganoon, ah, alam ko sa sarili ko na hindi ko ginagaya si Ate Maymay.

Continue reading below ↓

Ganoon po talaga ang personalidad ko at alam ko na maraming tao na may kapareho pong personalidad. At siguro po, isa na rin po ako doon na may pagka-same kami ni Ate Maymay.

Read Next
Read More Stories About
PBB Otso, Pinoy Big Brother
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results