Kris Bernal on being paired with Dennis Trillo: "Parang ang feeling ko… importante akong artista."


Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Kris Bernal kaugnay ng pagsasama nila nina Rocco Nacino at Dennis Trillo sa upcoming primetime series ng GMA-7 na Hiram Na Alaala.

“I play the role of Andrea Dizon. I grew up in Baguio so I have to learn Ilocano,” ani Kris nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, Huwebes, August 28.

“Medyo nahirapan ako sa mga dialogues ko na Ilocano,” kuwento pa niya.

“Four days din kaming nag-taping sa Baguio. At ang saya kasi hindi kami pinapawisan.

“Nursing student ako. Pupunta ako ng Maynila dahil hinahanap ko ang nanay ko.

“At dahil boyfriend ko si Rocco na sumali sa PMA, do’n na magkakaroon ng complication. Nando’n na ‘yong heart no’ng kuwento no’ng pumasok na siya roon.

“Siyempre dahil naging sundalo siya, pumasok siya sa mga giyera. Meron siyang pinapasok na mga misyon.

“Hanggang magkakaroon ng love triangle sa characters naming tatlo nina Rocco at Dennis.

“But this one is different from the love triangle na nakikita natin sa soap na may agawan, ganyan. Ito walang agawan.

“Parang ang nangyari, may memories na napunta sa iba. Parang gano’n.

“’Yong memories ni Rocco, dahil sa trauma… mapupunta sa iba. That’s how interesting it is.

“Pero… hindi ko puwedeng ibigay ang detalye ng kuwento. Mas magandang masubaybayan na lang kapag nagsimula na itong umere.

“Itong Hiram Na Alaala talaga ang masasabi ko na… kasi ang tagal kong hindi gumawa ng heavy drama.

“Tapos dalawang magaling na aktor ang leading man ko. So pressured na pressured ako!” sabay tawa ng Kapuso actress.

Bukod sa teleserye na ito, isa rin si Kris sa celebrity contestants na nag-taping para sa bagong game show ng GMA-7 na Don’t Lose The Money kung saan host si Tom Rodriguez.

Natutuwa raw si Kris na dalawang magagaling na aktor ang kanyang leading man. Dream come true para sa kanya ang pagkakataon na makatrabaho si Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman, very vocal ako dati pa na dream leading man ko si Dennis. Nag-uumpisa pa lang ako, I would always say na gusto ko siyang makapareha if ever na puwede akong pumili or mapagbigyan ako.”

Bakit si Dennis ang dream leading man niya?

“Well lahat naman siguro ng artistang babae, gustong makapareha si Dennis kasi napakahusay niya.

“Proven and tested nang sa lahat ng project na ginawa niya, napakagaling niya.

“At siyempre hindi lang siya mahusay, napakaguwapo niya rin, di ba?

“So… ‘yon. Kahanga-hanga lang dahil napakahusay niya talagang aktor.”

Aminado si Kris na nakakakilig sa paningin niya ang kaguwapuhan ni Dennis.

“Kinikilig ako pero… trabaho, e. Kapag nandiyan na ‘yong trabaho, nawawala na ‘yong kilig dahil pareho kaming in character na.”




Si Rocco, ina a relationship na with Lovi Poe. Pero sila ni Dennis, parehong single sa ngayon.

“Yes!” napabungisngis na sabi ni Kris.

Open ba siya sa possibility na baka magkagustuhan sila? Hindi malayo dahil matagal-tagal din silang magkakasama sa taping ng Hiram Na Alaala.

“Puwede naman. Posible.

“Hindi mo naman mapipigil kung maramdaman mo na nai-in love ka na. Why not, di ba?

“Pero sa ngayon kasi, ini-enjoy muna naming ang pagiging magkatrabaho namin. And ‘yon nga… nagsisimula pa lang kami.

“So hindi pa masyado kaming nakakapag-usap. Hindi pa rin kami masyadong nakakapag-bonding.

“Posible siya. Pero parang… manghihina siguro ako!” sabay tawa niya.

“Baka hindi ko kayanin si Dennis. Kasi… wala lang.

“Ewan ko!” tawa ulit niya.

O baka medyo takot siya kasi ‘yong tipo ni Dennis, parang habulin nga ng mga babae?

“Puwede din! Hahaha!

“Pero hindi naman ako ‘yong klase ng babae na maghahabol ako. Kahit pa sabihing crush ko o ano.

“Kilig-kilig lang. Pero hindi ako ‘yong tipong lalapit… ganyan. Hindi ako gano’n.

“So… trabaho pa rin.

“Pero siyempre kung possible naman, kikilalanin mo dapat ‘yong tao. Gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit sabihin mong crush mo.

“E… hindi pa rin do’n naka-base kung magiging kayo, o ano, di ba?

“Basta happy ako na nagkaroon ng chance na makatrabaho ko si Dennis. No’ng una nga na sinabi sa akin na may soap akong gagawin with him, parang ang feeling ko… importante akong artista.

“Kasi para ipartner ako ng GMA kay Dennis? Para bang… ang laki ko namang artista!

“So… nakakatuwa na na-challenge din ako. Kasi alam kong napahusay nga ni Dennis, mapapasabak ako sa talagang aktingan nito, e!” tawa na naman niya.


ON ALJUR'S COMPLAINTS AGAINST GMA. Dating ka-loveteam ni Kris si Aljur Abrenica, Ano ang feeling niya na until now ay hindi pa rin naaayos ang usapin at problema sa pagitan nito at ng management ng GMA?

“Parang wala rin ako masabi tungkol sa kanya. Kasi ayoko siyang i-judge.

“Dahil hindi ko naman alam kung ano ang nararamdaman niya. Hindi ko naman alam kung ano ‘yong mga totoong nangyayari.”

Never pa silang nagkausap ni Aljur sapul nang pumutok ang isyu hinggil sa hinaing o sentiyento nito sa GMA?

“Hindi pa. Hindi pa naming napag-usapan.

“Ayoko rin siyang masydaong istorbohin ngayon. Dahil alam kong napaka-critical no’ng situation niya.

“So ipinagpi-pray ko na lang. At kung anuman ‘yong maging desisyon niya… isipin niya lagi kung san siya masaya at kung saan maluwag ‘yong loob niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN