Cherie Gil says it's more difficult to judge than to act in front of camera

by Rommel Gonzales
Jun 13, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Bilang isa sa tatlong Council members ng StarStruck Season 7, sinabi ni Cherie Gil na mahirap ang trabaho nila nina Heart Evangelista at Jose Manalo sa pagpili ng hopefuls na magiging StarStruck Ultimate Survivors.

Alin ba ang mas mahirap: ang maging hurado o ang mag-artista sa harap ng kamera?

“Mag-judge! Oo naman, because it’s hard to judge, I’m not a judgmental person!” at tumawa si Cherie nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon noong Hunyo 10, Lunes, sa Studio 7, GMA Annex Bldg., Quezon City.

“No, really. Yeah, lalo na magbigay ng feedback na you want to make sure that it’s constructive, di ba? Na hindi offensive.

“E, ako kasi, minsan diretsahan ako, e. So, sometimes I have to hold my reins, kaya buti na lang si Jose, taga-disimula.

“It’s hard to judge.”

Continue reading below ↓

CLASH AMONG STARSTRUCK COUNCIL

Sa pagdidiskusyon about the StarStruck hopefuls, may pagkakataon bang nag-clash sila ni Heart sa desisyon o opinyon?

“Yeah,” pag-amin ni Cherie.

Pikunan levels?

“Hindi pa, hindi pa kasi mainit ang labanan, e, paumpisa pa lang.

“Siguro makakarating iyan pag malapit na yung solid five or seven, may kanya-kanya nang pambato.“

So, may chance na magkapikunan sila ni Heart?

“Ha! Ha! Ha! Okay lang. She’s so sweet, she’s really a good, good person.

“She’s an adviser of the show, so ang haba-haba ng advice niya.

"Minsan parang, ‘Miss Oprah na tayo, Oprah ba ito o competition?’

“Ganoon lang naman ako, e, pero lambing ko lang yun.”

Continue reading below ↓

StarStruck Council members Jose Manalo, Cherie Gil, and Heart Evangelista

Kung si Heart ay adviser to the hopefuls, si Cherie ay ano?

“Diretso lang, I’ll tell you as it is.

"Si Jose naman is the funny breaker of the tension."

Hindi raw siya maninigaw sa hopefuls.

“Na-realize ko lang ngayon na may mga magulang at kamag-anak ang mga ito.

"At saka mga bata ito, you cannot do that to them. It’s gonna be discouraging."

Mapapanood ang StarStruck Season 7 simula June 15, every Saturday after Daddy’s Gurl, and every Sunday after Daig Kayo Ng Lola Ko, on GMA-7.

NO TO DARNA?

Dahil isyu ngayon ang pagpe-pelikula muli ng Darna at noong 1994 ay gumanap siya bilang Valentina (Dr. Valentine) sa Darna ni Anjanette Abayari, hiningan namin ng opinyon si Cherie kung nararapat pang magkaroon ng Darna movie sa bagong panahon.

“Hindi, dapat maggawa na kami ng isang bagong movie na Maleficent! Na ang bida ay yung kontrabida!” at tumawa si Cherie.

Continue reading below ↓

“Kung magda-Darna, di dapat digital na din siya, di ba? Kailangan, mag-e-evolve siya.”

Pero if ever ay puwede ring si Valentina naman ang magbibida?

“Oo, gawa na sila ng bagong folklore.

"Yung bato, dapat kumikislap-kislap na, lumilipad na siyang mag-isa, di ba?

“Touch button, matrix!” at muling tumawa ang mahusay na aktres.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results