StarStruck host Dingdong Dantes does not mind being called "Tito"

by Rose Garcia
Jun 14, 2019
Dingdong Dantes has been hosting StarStruck since its first season in 2003. He says, "Isipin mo, kung may sanggol 16 years ago, Senior High School na ngayon."
PHOTO/S: Noel Orsal

Mula sa orihinal season ng StarStruck (2003) ay si Dingdong Dantes na ang host ng reality-based artista search ng GMA Network.

Sa 7th season nito na mag-uumpisa sa Hunyo 15, Sabado, ay host pa rin ng programa ang Kapuso Primetime King.

“Isipin mo, kung may sanggol 16 years ago, Senior High School na ngayon,” nakangiting sambit ng aktor sa mediacon nitong Hunyo 10, Lunes ng gabi, sa GMA Annex Bldg., Quezon City.

Ano ang pagkakaiba ng StarStruck ngayon?

“Siguro, isa sa major na pagkakaiba, walang social media dati.

"So, kumbaga, yung progress ng hopefuls, yung kanilang mga buhay ay hindi masyadong nasusundan after the show or beyond the show.

“Pero dito, mas nagiging involved ang mga humahanga sa kanila.

"Kahit na hindi napapanood on air, nasusundan sila online."

Hindi pa raw nakikita ni Dingdong ang 22 hopefuls ng StarStruck Season 7.

Pero sabi nga niya, may isang kaibahan siguro ngayon.

“Dati, Kuya ang tawag sa akin. Ngayon, Tito o baka nga Daddy na, kasi ilang taon na sila.”

Continue reading below ↓

Hindi ba niya gagayahin ang isa sa council na si Cherie Gil at maglitanya rin siya ng, “Don’t call me, Tito”?

“Hindi naman, Daddy nga, puwede. May mga 16-year-old dito.”

FROM STARSTRUCK WINNER TO STARSTRUCK HOST

Sa original batch ng StarStruck, ang co-host ni Dingdong na si Jennylyn Mercado ang Ultimate Female Survivor.

Si Dingdong din ang makakapagsabi ng kaibahan ni Jennylyn noon at ngayon.

“Kay Jen siyempre, since siya ang Ultimate Survivor noong una, ang daming opportunities na naibigay sa kanya.”

Dagdag niya,“Nandiyan ang pag-arte, ang pagkanta at lahat iyun, ibinigay ng GMA.

“Yung commitments niya noong nanalo siya, kitang-kita ko kasi ang pagiging consistent niya doon sa kanyang commitment sa pagganap niya sa mga role niya.

“Kaya yung progress at pagiging magaling niya, palaging nag-i-improve and siguro, magandang ehemplo ngayon yung kanyang current teleserye.”

Ang tinutukoy ni Dingdong ay ang rom-com series ni Jennylyn na Love You Two.

Continue reading below ↓

Wala si Jennylyn noong mediacon dahil natapat na may taping ito.

WILL MARIAN RIVERA SURVIVE?

Kung nagkataon na ang misis niyang si Marian Rivera ay nakasama sa StarStruck, makaka-survive kaya ito?

“Oo naman,” nakangiting sagot ni Dingdong.

“Siguro, kapareho ng experience ko when I first saw her.

"Kasi, hindi naman kami nagkatrabaho agad. Nakita ko siya sa backstage ng studio.

“Doon pa lang, nakita ko na very interesting na ang kanyang aura. Siguro, dahil sa kanyang appearance.

“Pero nang makita ko na siyang mag-perform, mas na-validate yung hinala ko na may something sa taong ito.

“Parang ganun din, kapag nakita mo ang isang hopeful, ang unang bubungad sa ‘yo ay ang kanyang pisikal na kaanyuan.

"Pero kapag sinupplement na niya ng kanyang totoong talent at kabuuan, mas nabubuo yung katotohanan na he or she can make it."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes has been hosting StarStruck since its first season in 2003. He says, "Isipin mo, kung may sanggol 16 years ago, Senior High School na ngayon."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results