Tintin Bersola-Babao wants Claudine Barretto to be their guest on Face the People

Tintin Bersola-Babao on Face the People co-host Edu Manzano: “Si Edu, sasabihin ko sa inyo, siya talaga iyong unang laging naglalabas mula sa bulsa. Remember, tumakbo 'yan noon, 'di ba? Iyong pagiging public servant niya, ngayon ko napatunayan, it’s not for show at all.”


Nagpahayag ng kagalakan si Christine Bersola-Babao sa kanilang daily show na Face the People sa TV5.

Bukod kasi sa maganda ang chemistry nila ng mga kasamang host dito na sina Edu Manzano at Gelli de Belen, sinabi ni Tintin na masaya siya sa pagkakaroon ng segment dito na tinawag na "Happy Change."

“Sobrang happy, 'eto na yung Season 3. Kasi may segment siya na gustong-gusto ko talaga. Happy Change yung tawag. Kasi noong Season 1 and 2, ina-address namin yung problems, ‘di ba yung mga case studies namin, mga problema nila sa buhay?

“Pero 'eto nag-level-up na, dahil hindi na ito basta upukan sa set, sabunutan or murahan sa set,” nakangiting saad ng TV host nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Studio 4 ng TV5 Reliance, Mandaluyong City last August 27.

Dagdag pa niya, “Hindi naman actually nakikita sa TV 'to dahil siyempre naka-cut na iyon, e. Pero ibig sabihin, para 'yon ilabas muna nila yung galit nila sa isa’t isa.

“Pero sa Happy Change, pinapakita namin na hindi lang may solusyon sa problema dahil hindi lang sila pinapayuhan sa aming Konsensiya ng Bayan. Pero tinutupad namin yung mga munti nilang pangarap sa buhay.

“Example na hindi ko makakalimutan, si Michael na may hypogonadism, 20 years old na siya pero para pa rin siyang... yung itsura niya maliit. Alam niyo na, yung face niya mukha ring bata. Mukhang 12 years old, pero actually 20 plus na siya.

“So noon minamaltrato siya, ang pangarap niya ay may marating sa buhay. Gusto niyang maging businessman siya. So, ang ginawa ng Face the People through Shop Talk—personality development school, nagbigay ng free seminar sa kanya and nandoon ako.

“Nakita ko na siya, si Michael, ay mayroon siyang mararating. Kasi doon pa lang, sa instant session na pagtuturo sa public speaking, kung paano yung proper shake ng hands, nakuha niya agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So alam mo na may mararating siya. Alam mo yung positive side of all these hirap ng buhay, eto ngayon yung pinapakita sa Season 3 ng Face the People. So, ‘pag natapos niya yun, magkakaroon siya ng kompiyansa sa sarili.”

HISTORY BEHIND NEW SEGMENT. Ipinaliwanag pa ni Tintin kung bakit sila nagkaroon ng segment na Happy Change.

“Kasi 'di ba, minsan nakakasawa na paulit-ulit na lang yung mga problema ng mga mahihirap? Alam natin yon, so ano ang puwedeng gawin ng show para ma-address yung problem?

“Siyempre parang hindi complete na hanggang payo na lang, e. Kailangan talagang may gawin ka,” kuwento pa niya.

“May isa rin kaming Hinappy Change, yung unang-una namin, si Millet. Dahil feeling niya ay walang saysay yung buhay niya, kaya lagi siyang nagtatangkang magpakamatay, naglalaslas lagi, ganyan…

“So ang kailangan lang niya ay makapag-aral para magkaroon siya ng ano sa sarili niya, na hindi ganoon lang na kikitilin mo lang ang buhay mo. So thru the show again, kinuha namin siya ng Distance Learning na may certificate siya, para makatapos siya ng pag-aaral.

“Tapos nagka-reunion, kasi ang wish niya lang, kaya ganoon siya na maraming hang-up, hindi niya nakikita ang tatay niya na nakakulong.

“Kaya ang ginawa namin, dinala namin sila pati yung mga kapatid niya sa preso at nagkaroon ng reunion sa ama nila na hindi nila nakikita.

“At saka may mga lumalapit talaga dito sa show na gusto nilang dito magtapat. Iyong pagre-reveal ng mga sikreto nila. Kasi, kapag sa bahay daw nila ginawa iyon, baka magpatayan ang mga anak.

“Tulad ng… mayroon kaming istorya na yung nanay ay may dalawa siyang anak na lalaki, tapos ay nag-switch ng kani-kanilang partner. Hindi pa asawa, kinakasama pa lang, e.

“So sabi ng nanay, ‘Imagine, kung sa bahay ko ginawa iyan na nagtapat sila, baka nagpatayan iyong magkapatid.’ Pero dahil dito ginawa, mas guarded sila, mas careful, kasi may mga tao na nanood, na nasa TV sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So naayos namin iyong problema na walang nagpatayan,” mahabang paliwanag ng Kapatid TV host.

SCRIPTED? Mga galante at handang mag-abono raw ang mga host ng Face the People?

“Para mas mabilis, kasi minsan ay hindi mo rin matiis, e,” nakangiting wika ni Tintin.

Ano ang comment niya kung sasabihin ng iba na baka scripted iyan?

Mabilis niyang sagot, “Ay, hindi. Kasi, hindi naman sila artista e, hindi ba? Kung ano ang gusto mong sabihin, sabihin mo. Bahala na lang kami sa editing kung mayroon kang mura or ano, ibi-bleep na lang namin.

“Lahat ay puwede mong sabihin dito, kasi taped, e. Kumabaga, pagkatapos ay i-edit na lang.

“Dapat ay huwag kang magpipigil, kung may nasabi kang hindi tama or hindi pang-TV, ang importante ay masabi mo roon sa case study na iyon.

“Na sa harap-harapan ay nasabi mo na mali ang ginagawa mo o anong klase kang anak.

“Ang nangyayari, parang puntahan na ito, parang sumbungan na ito ng mga problems, e.”

ON EDU MANZANO. Kamusta si Edu Manzano sa pagkakasali sa tandem ninyo ni Gelli de Belen?

“Pangbalanse si Edu e, so mayroong male point of view.

“So siya iyong nagpapayo sa mga pare ko. Halimbawa ay nambabae, ‘Parekoy, bilang isang lalaki, makinig ka sa akin.’

“Siya lang ang puwedeng magsabi niyon. Hindi naman namin puwedeng gawin ni Gelli iyon. So, siya yung male, kami iyong female point of view,” pahayag niya.

Pagpapatuloy pa ni Tintin, “At saka alam mo na, Edu is Edu. Kapag sobrang seryoso na iyong atmosphere dito, bigla iyang magpapatawa. Na kailangan para mawala iyong stress ng mga tao. Nabi-break niya, doon magaling si Edu.

“At saka si Edu, sasabihin ko sa inyo, siya talaga iyong unang laging naglalabas mula sa bulsa. Remember, tumakbo 'yan noon, 'di ba? Iyong pagiging public servant niya, ngayon ko napatunayan, it’s not for show at all.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m not saying this para i-print ninyo. Puwedeng hindi ninyo i-print, puwede ninyong i-print. Pero, nakita ko for myself kung paanong…

“Si Edu kasi, member pala siya ng board ng La Salle na nagbibigay siya ng X-amount a year para mayroon siyang mga scholars.

“So everytime na mayroon kami ditong case study na batang-bata pa, nag-asawa at nagka-anak na and yun ang reason kaya hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, pero gustong mag-aral, paaaralin ni Edu 'yan. Marami nang ganyan, ang dami na, mga night classes, ang dami na.”

Sanay ka na ba na mga magkakamag-anak, pero nag-aaway?

“Medyo nasasanay na ako, pero at the same time, naaano ko na, ‘Bakit may mga ganoong tao na kaya niyang murahin nang harap-harapan ang kanilang ina, ama… ‘PI mo,’ nagduduruan…

“Doon pa rin ako parang, ‘Bakita may ganoon?’ Pero iyon ang reyalidad, na-accept ko na, na iyon ang reyalidad dahil iyon ang nakagisnan nila, e, 'di ba?” seryosong pahayag pa niya.

HEARTWARMING STORY. Dagdag pa ng misis ni Julius Babao, “Ang madalas na problema dito, yung hindi nakapag-aral. Kaya tambay, walang ginagawa, walang trabaho, tambay, inuman…

“Kapag nag-inuman ay may mangyayari, kapag may nangyari, magkaka-anak na kahit ‘di pa nag-aasawa.

“Human relationships, because of poverty. Lagi iyon, mahirap…

“Kahapon iyong Happy Change namin ay maganda, eighteen iyong anak niya, naniniwala kasi siya na sugo siya ng Panginoon. Iyong pito ay namatay nang sunud-sunod dahil premature, iyong isa dahil mahina ang baga, iyong isa naman ay nagka-tigdas.

“So feeling niya ay sugo siya ng Diyos at iyong mga anak niya, gusto niya ay magka-anak din ng kasing dami ng anak niya, eighteen din.

“Magsasaka siya na ang kanilang inaani lang ay kamote at saka saluyot, sa bundok sila nakatira. So isang kilong bigas ay hinahati-hati ng twenty na tao. Isang beses lang sila kumakain sa isang araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan gigising sila sa umaga, walang makain o kaya ay kamote.

“Ang ginawa ni Edu kagabi, after ng show para makakain sila, nagpabili ng bigas, ng de-lata, para maramdaman nila…

“'Eto pa, yung isa roon, dahil nga doon sila lumaki sa bundok dahil wala silang pamasahe para bumaba kahit sa bayan. Kumbaga, bumaba lang sila sa bayan para magparehistro o kaya noong bininyagan.

“First time niyang kumain ng fried chicken, na tayo ay tine-take for granted lang natin. Kasi ang kinakain nga nila, bigas na walang ulam, kamote… ganyan. Tapos ay walang kuryente sa kanila, kaya kami nagulat.

“So ang ginawa ni Edu, pinahanap niya agad ng hotel. Para maka-stay muna sa hotel, maka-experience na may dumadaloy na tubig sa gripo, may aircon, makahiga sa malambot na kama, kumain sa labas…

“At 'eto pa, hindi pa sila nakakakita ng mall. Pagpunta sa Maynila, ‘Ano iyon?’ Talagang sa bundok talaga sila nakatira. Kaya ang ginawa ni Edu, pinasyal sa mall, sa sinehan… Iyon Happy Change iyon, ipi-feature namin iyon sa Happy Change.”

WANTS CLAUDINE AS GUEST. Si Claudine Barretto raw ang celebrity na gusto niyang maging guest sa Face the People.

“Si Claudine and sabi naman niya [Claudine], umu-oo naman siya pati sa staff, e. Kapag ready na raw siya.

“Kasi hindi pa talaga siya umuupo, kahit sa The Buzz… pero for her to sit here finally to talk about Raymart [Santiago], ganyan-ganyan… 'Yan dream ko 'yan, si Claudine na umupo diyan,” nakangiting esplika ni Tintin.

Kapag si Claudine ba ang naging guest ninyo, no-holds barred pa rin?

“Lagi namang no-holds barred, e.”

Paano kung i-impose ni Claudine na may bawal na itanong sa kanya, papayag ba kayo?

“Hindi! Itatanong pa rin namin, tapos i-edit na lang. At least, naitanong na namin!” nakangiting wika pa niya.

SENATOR GRACE POE-LLAMANZARES. How about yung tunay na nanay ni Senator Grace Poe-Llamanzares, puwede ba siyang mag-guest sa inyo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Open naman si Ma'am Susan [Roces] na adopted, ‘di ba?” sagot-tanong ni Tintin.

“E, paano natin mapapaupo iyong tunay na nanay ni Senator Poe kung hindi natin alam kung sino?

“O kaya, invite natin si Senator Grace Poe, pauupuin natin siya mismo. Tapos, kayo ang magtanong sa kanya,” nakatawang saad pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN