Viral video of Jackie Rice shouting at fan is a "social experiment" of TV show

Jackie Rice (right) takes part in the "social experiment" of Wish Ko Lang wherein she shouts at an old woman. PEPsters, what can you say about this "social experiment"? Share your thoughts in the comments section below.



Naging viral kamakailan ang video ni Jackie Rice kunsaan pinapagalitan niya ang isang lola sa pampublikong lugar.

Mapapanood sa naturang Facebook video na galit si Jackie at tinataasan ng boses ang lola na sinasabing fan siya ng GMA-7 actress.

Umiiyak ang lola habang nagpapaliwanag, "Hindi ko naman sinasadya. Huwag mo naman ako pagalitan sa dami ng tao."

Pagpapatuloy ni Jackie, "Kanina mo pa ako kinukulit. Nandun ako, pa-picture ka ng pa-picture. Nakakabastos, e!"

Ani ng lola, "Paborito kasi ikaw namin..."

Sagot naman ni Jackie, "Paborito mo ako, naintindihan ko yun pero kukulitin mo ako, oras ng trabaho ko mali naman yata yun.

Humingi uli ng paumanhin ang lola at sinabing, "Hindi ko talaga sinasadya."

Inis na sabi ni Jackie: "Sorry? Sorry lang 'to?

"Made-delay kami, may taping pa ako mamaya.

"Pambihira kang matanda, 'no? Wala ka bang kasama? Wala bang nag-aalaga sa 'yo?"

Sa puntong ito, lumapit si Jackie sa kumukuha ng video at pinagsinabihan ito. "Ano 'yan? Hindi mo ba pwede itigil 'yan?"

Dito na natapos ang video na may haba na 50 seconds. Ang video na ito ay nakaupload sa Facebook page ng Wish Ko Lang.

At press time, nagkaroon na ito ng mahigit 8,600 shares on Facebook.

Nagkaroon ng mixed reactions ang Netizens sa naturang video.

Isa sa mga top commenters ang nag-criticize sa producers ng Wish Ko Lang.

Aniya (published as is), "Honestly Wish Ko Lang. this is not nice, kung scripted ito tapos i-popost nyo sa page ninyo nakakalikha kayo ng misunderstanding sa publiko. kung i-popost nyo buo dapat. hindi yung basta ganito nalang mambabastos ng matanda. hindi magandang example ito sa mga makakapanood lalo na sa kabataan. kung ratings ang habol nyo? aba mag isip naman kayo!"

Ang naturang comment ay nagkaroon ng mahigit 1,900 likes.

Taliwas naman dito ang opinion ng isa pang commenter na nagpakita ng suporta para sa Kapuso TV show.

Aniya (published as is), "Ang galing ng wish ko lang for posting this.. at least ngyon lumalabas ang ugali nting mga tao.. very judgmental.. nagsasalita agad ng di maganda sa taong hindi nmn tlga nila kilala.. JOB well done wish ko lang hindi lang Good Samaritan ang nahanap nio, kundi mga TUNAY NA UGALING MADALING MAGHUSGA NG MGA TAO."

Ito ay nagkaroon ng mahigit 230 likes.

Kahapon, September 3, ang naturang video sa Facebook page ng Wish Ko Lang ay ganito ang laman sa caption: "Hindi raw sinasadya ng tagahanga ni Jackie Rice na maubo sa harap ng kaniyang idolo. Pero ang artista, lalung na-bad trip?"

Ngunit ngayon, September 4, napalitan na ang caption ng video at ito na ang nakalagay: "Abangan ang aming social experiment kasama si Jackie Rice! Hindi raw sinasadya ng tagahanga ni Jackie Rice na maubo sa harap ng kaniyang idolo. Pero ang artista, lalung na-bad trip? Ang eksenang ito, parte lang ng paghahanap namin ng isang Good Samaritan sa Wish Ko Lang! Nakahanap kaya sila ng taong may ginintuang puso? Abangan ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7!"



SOCIAL EXPERIMENT. Ngayong araw na ito, September 4, nakatanggap naman ang PEP ng press release mula sa GMA-7 tungkol sa naturang insidente.

Pinaliwanag dito na isang "social experiment" ang ginawa ng Wish Ko Lang.

Narito ang statement mula sa GMA-7:

"Mabilis na pinag-usapan sa social media ang video ng Kapuso actress na si Jackie Rice na mistulang nagtaas ng boses sa isang nakatatandang tagahanga.

"Nasa pictorial sa isang pampublikong lugar noon si Jackie nang makita siya ng nasabing fan na gustong-gusto syang malapitan at makilala.

"Sa sobrang kasabikan at tuwa, hindi na naisip ng fan na baka abala ang artista. Paano pa kaya kung masundan pa ito ng iba’t-ibang aberya na uubos sa pasensiya ni Jackie? Sa kanyang inis, mistulang papatulan na niya ang tagahanga, na siya namang makakatawag pansin sa nakararami.

"Pero bago mag-react, ang tagpong ito ay isa lamang social experiment na nilatag ng Wish Ko Lang!

"Ano kaya ang gagawin ng mga makakasaksi nito, kuhanan sa cellphone ang galit na artista at i-upload sa social media? O pumagitna at ayusin ang problema?"







ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN