Barbie Forteza, Mika dela Cruz proud of four-month run of Kara Mia

by Rose Garcia
Jun 28, 2019
Barbie Forteza (left) and Mika dela Cruz bid goodbye to Kara Mia after more than four months on the air.
PHOTO/S: Noel Orsal

Ipinagmamalaki nina Barbie Forteza at Mika de la Cruz ang Kapuso primetime series nilang Kara Mia, na tumagal nang mahigit apat na buwan sa ere katapat ang FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Pahayag ni Barbie, “I've always been proud of the concept then the cinematography.

"It wasn't easy shooting heavy scenes in different angles, walking backwards, talking to someone who's literally behind you.

“But despite all that, I am most proud that we've kept a light and happy set.”

Para kay Mika naman, “I’m super proud na naging part ako nitong teleseryeng ito dahil first time na may nag-come up na ganito ang story/concept.

“Happy ako kasi na-e-execute nang maganda.

"Kami yung show na hindi pa nagsisimula ay nagte-trend na at kahit ganoon ka-weird isipin sa una, tinanggap ng tao at binigyan ng chance ang kuwento namin.”

Continue reading below ↓

Maraming cat fights sina Barbie at Mika.

May mga nagalit at nam-bash kay Mika dahil sa pang-aapi at pagmamaldita niya sa karakter ni Barbie.

Kung silang dalawa ang tatanungin, anong ending ang gusto nila sana?

“Personally, I'd like to be an engkanto slayer in the end since that's what I've been doing the whole show!” natawang sagot ni Barbie.

“Of course, I want Kara and Mia to live happily ever after because that's what they deserve after all the fight scenes at sigawan.

“I want us to be physically separated for good and get to live our own lives.”

Lahad naman ni Mika, “Of course, gusto kong maging happy ending naman kami ni Kara and lumabas ang pagmamahal namin sa isa’t isa.

“Kasi, kahit bali-baligtarin man ang mundo, ang core pa rin talaga ni Mia ay si Kara.

Continue reading below ↓

“Nice touch din sana if, kunwari, nabigyan ng konting engkanto powers si Mia.”

WHO WILL THEY MISS MOST?

Sa Kara Mia nabigyan muli ng pagkakataon ang real-life sweethearts na sina Barbie at Jak Roberto na maging magka-love team.

Kahit halos araw-araw na magkasama nang gawin nila ang Kara Mia, hindi si Jak ang mami-miss ni Barbie sa pagtatapos ng fantaserye.

Sabi ni Barbie, “I will definitely miss the jokes of Kuya John [Estrada] and Direk Dominic [Zapata].

"The forever poised Ms. Carmina [Villarroel], but she's one of the nicest actresses I've ever worked with.

“The iconic ‘Artuuurr’ line of Ms. Glydel [Mercado] and, of course, Karenina Haniel [as Lerma] our never ending chikahan.

“I won't miss Mika, Paul [Salas], and Jak dahil may promise kaming magkikita pa rin kahit wala na ang show.”

Ngayong Hunyo 28, Biyernes ng gabi, malalaman kung ano ang kahihinatnan ng kuwento ng Kara Mia, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Continue reading below ↓

Sa Lunes, Hulyo 1, ang papalit sa maiiwang timeslot ng Kara Mia ay ang Sahaya ni Bianca Umali.

Susundan ito ng bagong primetime series ng network na The Better Woman, na bida sina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza (left) and Mika dela Cruz bid goodbye to Kara Mia after more than four months on the air.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results