Toni Gonzaga receives gifts from “Eat Bulaga!”; calls herself a “proud dabarkads”

by Bernie V. Franco
Jun 29, 2019
Toni Gonzaga, who served as a co-host in Eat Bulaga! for three years, receives gifts from the Kapuso show, and expressed that she will forever remain a "dabarkads."
PHOTO/S: Noel Orsal

Proud na proud ang ABS-CBN actress-host na si Toni Gonzaga na tawagin pa ring "dabarkads" ang sarili kahit ilang taon na ang lumipas noong iwan niya ang GMA-7 noontime show na Eat Bulaga!

Nagsilbing co-host sa Eat Bulaga! si Toni mula 2002 hanggang 2005.

Sa kanyang Instagram Story, ipinost ng Pinoy Big Brother host ang mga regalong natanggap niya mula sa kanyang Eat Bulaga! family.

Sa unang larawan, makikita ang basket of fruits and flowers na ipinadala ng Kapuso noontime show, habang tinitingnan ito ng kanyang anak na si Seve.

Ang simpleng caption ni Toni, "Thank you @eatbulaga1979 [heart emoji"

Ngayong taon ay ipinagdiriwang ng programa ang ika-40 taon nito.

Continue reading below ↓

Sa pangalawang larawan, ipinost ni Toni ang liham na natanggap niya mula sa Eat Bulaga! na may petsang June 28, 2019.

Ayon sa liham, "Dear Ms. Toni Gonzaga, Para sa apat na dekada…

"Para sa nakasama sa tuwa’t saya…

"Para sa forever Dabarkads…

"…saan man magpunta…

"Certified bahagi ka ng Eat Bulaga!"

Sa caption, ipinahiwatig naman ni Toni na itinuturing pa rin niyang “dabarkads” ang sarili, na siyang tawag sa mga taga-Eat Bulaga! at loyal viewers ng show.

Ani Toni: "Proud dabarkads here! [heart emoji]

"Forever grateful to you @eatbulaga1979 [heart emoji]"

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Toni Gonzaga, who served as a co-host in Eat Bulaga! for three years, receives gifts from the Kapuso show, and expressed that she will forever remain a "dabarkads."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results