Andrea Torres admits pressure in headlining GMA primetime series The Better Woman

by Rommel Gonzales
Jul 2, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Nape-pressure si Andrea Torres sa bagong Kapuso prime-time series na The Better Woman, kung saan kambal na magkaagaw ang papel niya.

“Kasi, gusto kong magbigay ng magandang performance. Doon nanggagaling yung pressure,” napangiting sambit ni Andrea sa mediacon nitong Hunyo 27, Huwebes, sa Prime Hotel, Quezon City.

Handa rin siya sa pressure ng ratings?

“Ah… oo. Inano ko na rin yung sarili ko, parang psinyche [psyche] ko na rin yung sarili ko.”

Leading man ni Andrea sa The Better Woman ang balik-Kapuso na si Derek Ramsay.

Dati ay laging ka-partner ni Andrea si Mikael Daez—sa My Beloved (2012), Sana Ay Ikaw Na Nga (2012), With a Smile (2013), Ang Lihim Ni Annasandra (2014), at My Faithful Husband (2015).

Ano ang kaibahan ng shows na pinagtambalan nila dati ni Mikael sa tambalan nila ngayon ni Derek?

“Ito yata yung pinakaseksing tema,” saad ni Andrea.

“Yung package naming dalawa, talagang ang dami naming nagawa na risque, na medyo out of my comfort zone, or first time kong nagawa.

Continue reading below ↓

“So, ang taas din ng level ng trust ko sa kanya [Derek].

"Kasi nga, marami akong firsts din na nagawa with him sa soap na ito.”

Hindi kaya “mapansin” sila ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa sexy scenes nila ni Derek?

“Nakalusot naman po!” at tumawa si Andrea. “Nakalusot naman.”

POLE DANCING

Nag-aral ng pole dancing si Andrea para sa papel bilang “evil twin” na si Juliet Santos de Villa aka Elaine Reyes sa The Better Woman.

“Mahirap pala talaga siya! Alam kong mahirap siya pero noong na-try ko, parang naging iba yung respeto ko sa mga nagpo-pole dance.

“Kasi, ang sakit pala talaga!” bulalas ni Andrea.

Ang pole dance instructor na nagngangalang Chino ang nagturo kay Andrea.

Masakit daw talaga sa hita at binti ang mag-pole dance.

“Sabi ko kasi, ‘Paano ko mame-make sure na hindi ako malalaglag pag bumitaw ako?’

Continue reading below ↓

“Pag masakit na raw, ibig sabihin, safe na. So, talagang magbu-bruise ka talaga.

"May pictures nga ako sa phone, super-dami kong pasa.

“As in batik-batik talaga!

“Nakakatuwa kasi siya, very fulfilling pag, ‘Ay, hindi ako nalaglag!’

"Or pag medyo naiangat mo iyung sarili mo.”

Three sessions na one hour each ang in-attend-an ni Andrea sa pole dancing.

Mahusay na ba siyang pole dancer?

“Hindi ko naman masasabing mahusay kasi nahihirapan pa rin ako, e.

“Pero happy po ako, kasi at least, yung mapapanood nila, ako talaga.

"Kumbaga, nag-training ako talaga."

ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL

Dating taga-ABS-CBN si Andrea. Ano ang reaksiyon niya sa usapin tungkol sa renewal ng franchise ng Kapamilya network?

“Actually, wala akong… parang natatakot akong magsalita sa isang bagay na hindi ko alam yung full details. Na hindi ako kasama talaga doon sa ano nila...” pag-iwas ni Andrea.

Continue reading below ↓

Sa sampung taong pamamalagi ni Andrea sa GMA-7, paano niya ilalarawan ang sarili ngayon?

“Compared before? Now, mas secure sa sarili. Ano pa ba?

“Ano pa rin ako e, siguro ano… mas secure ako sa sarili.

"Ang hindi naman kinaibahan is andoon pa rin iyung pagiging considerate mo sa ibang tao."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results