Lauren Young shoots kissing scenes with Dennis Trillo for Hiram Na Alaala

Lauren Young is cast as the fiancée of Dennis Trillo's character in the upcoming GMA-7 teleserye Hiram Na Alaala.


Malaki ang pasasalamat ni Lauren Young na sunod-sunod ang mga malalaking proyekto niya sa GMA-7.

Pagkatapos kasi ng pelikulang Overtime kasama si Richard Gutierrez, ongoing na rin ang taping ng teleseryeng kinabibilangan niya—ang Hiram Na Alaala.

Makakasama ng 20-year-old Kapuso actress sa primetime show sina Rocco Nacino, Kris Bernal, at Dennis Trillo.

Gagampanan ni Lauren ang role ni Bethany Sandoval, ang fiancée ni Dennis.

Sa istorya, kailangan niyang maipaalalang muli kay Dennis na siya ang fiancée nito matapos itong makabalik mula sa giyera at nakaranas ng post traumatic stress disorder (PTSD).

Imbes na siya ang babalikan nito, ang karibal niyang si Kris Bernal na ang gusto nitong makasama.

Kaya naman gagawin lahat ni Bethany makuha lang muli ang pagmamahal ni Dennis.

DARING LAUREN. Sa pocket presscon ng Hiram Na Alaala last Thursday, September 4 sa 17th floor ng GMA Network Center, sinabi ng young actress na marami silang kissing scenes ni Dennis.

Aniya, “Yeah. First taping day pa lang may kissing scene na. And tapos last night may kissing scene din.”

Masasabi ba niyang nalilinya na siya sa mga daring roles sa ngayon? Tugon nito, “No naman na daring as in daring. It’s like more mature.”

Nasa third week na daw ng takbo ng show ang na-tape nila Lauren.

Mapapanuod na sa GMA Telebabad simula September 22 ang Hiram Na Alaala.

Samantala, balik-eskuwela din si Lauren ngayon sa College of Saint Benilde.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN