Andrea Torres says Derek Ramsay takes care of her during their intimate scenes

by Rommel Gonzales
Jul 9, 2019
Andrea Torres on being romantically linked to leading man Derek Ramsay: "Siguro hindi maiiwasan, kasi magkatrabaho kami."
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagulat si Andrea Torres na kahit lap dance ang unang eksenang kinunan sa kanila ni Derek Ramsay sa The Better Woman ay hindi sila naging awkward.

“Iyon nga yung pinag-uusapan namin, e,” sambit ni Andrea mediacon ng bago niyang teleserye sa GMA-7 noong Hunyo 27 sa Prime Hotel, Quezon City.

“Parang hindi kami nag-effort para maging close, or magkakoneksiyon or magka-chemistry.

“Parang… siguro pareho kami ng values, yung humor kaya nag-jive na lang talaga.”

May bali-balitang hindi lang sila basta close as co-stars, “more than close” daw sila?

Natawa si Andrea, “Siguro hindi maiiwasan, kasi magkatrabaho kami.

"'Tapos, yung mga lumalabas na pang-trailer, yung mga eksena, ganyan.

"Kasi, in love na in love yung dalawa sa kanya.”

Ang “dalawa” na tinutukoy ni Andrea ay sina Jasmine at Juliet/Elaine (na parehong ginagampanan ni Andrea) na nagmamahal kay Andrew, ang karakter ni Derek sa The Better Woman.

Continue reading below ↓

THE ATTRACTION BETWEEN ANDREA AND DEREK

Marami ang nagsasabing may atraksiyon sa pagitan nina Derek at Andrea.

Reaksiyon dito ng aktres, “Actually, yung una namin pong scene together nung gumawa kami ng plug for GMA na summer plug, iyon nga po yung sinabi nila, parang may chemistry.

“Natuwa po kami doon. Kasi, at least, magandang start iyon sa aming dalawa, kasi magkakatrabaho kami.

“Never ko naman siya na-meet before, never din niya akong na-meet before.

"So, for us, positive yun, na may ganoon silang nakikita sa amin.”

Kumusta ang intimate scenes nila ni Derek?

“Ang maganda po kasi sa set, kay Direk [Mark Sicat dela Cruz] 'tsaka kay Derek, maalaga sila sa akin.

“Dini-discuss nila kung ano ang gagawin, 'tapos si Direk Mark, as much as possible, wala masyadong tao [sa set], 'tapos pinapapanood din niya sa akin yung shots.”

Paano ang halik ni Elaine kumpara kay Juliet?

“Mas aggressive, mas may li... ayokong sabihin yung word!” at tumawa muli si Andrea.

Continue reading below ↓

“Hindi, basta… mas aggressive. Yung isa, siyempe mas love, mas careful.”

Awkward ba kapag hahalikan niya si Derek nang agresibo?

“Ako, ano lang, hinga lang talaga nang malalim bago ang bawat eksena.”

Kumustang kahalikan si Derek?

“Okay naman po. Ha! Ha! Ha! Okay naman po. Very maalaga po talaga siya.”

Walang limitasyon si Adrea pagdating sa trabaho.

“Wala naman, wala akong naiisip sa ngayon.

"So far, sa soap na ito, lahat talaga, sa ikagaganda ng show."

ANDREA TORRES'S BIGGEST BREAK

Ang The Better Woman ang biggest break ni Andrea sa GMA-7, kung saan kambal ang papel niya.

May pinag-aralan ba siyang mga totoong kambal?

“Actually, nagawa ko na siya before.

"Yung unang-unang binigay po sa akin ng GMA na soap, yung Sana Ay Ikaw Na Nga, dalawa rin siya.

“Pero ang kinaibahan niya kasi, mas malalim yung backstory ng bawat character dito sa The Better Woman kaya challenging talaga.

Continue reading below ↓

“Hindi ko masasabi na parang sisiw na lang kahit pangalawa ko na.”

Nalilito si Andrea kapag taping dahil dalawa ang papel na niya.

“Minsan po, napapagbaligtad ko pag umaga [madaling-araw] na!” at tumawa si Andrea.

“Yung tawagan kasi nila, kunwari yung isa, Sis, yung isa, Ate... minsan nababaligtad ko.

“Pero nakabantay naman, nakabantay naman," pagtukoy ni Andrea sa direktor na si Mark Sicat dela Cruz].”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres on being romantically linked to leading man Derek Ramsay: "Siguro hindi maiiwasan, kasi magkatrabaho kami."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results