Kris Bernal yearns for acting award after doing more than 12 teleseryes

by Rose Garcia
Jul 9, 2019
Kris Bernal admits frustration over failure to be recognized for her acting: "Oo naman, kasi ibinigay ko naman ang todo ko. Ano kaya ang kulang pa?"
PHOTO/S: Noel Orsal

Kontrabida ang papel ni Kris Bernal sa bagong Kapuso afternoon series na Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko.

Sa istorya, mahal at pinakasalan ni Matteo (Rayver Cruz) si Yvie (Megan Young).

Gagawin ni Naomi (karakter ni Kris) ang lahat para mapasakanya ang ex na si Matteo—buhay man siya o multo.

“Kung hindi naman meaty ang role, parang pass muna ko,” saad ni Kris, na huling napanood sa pelikulang KontrAdiksyon katambal si Jake Cuenca.

“Nagiging mapili na rin ako, siguro dahil ang tagal ko na sa industry.

“Gusto ko na rin gumawa ng role na mapapansin ka, hindi yung parang nadaanan lang.

"Yung puwede ka na ring mabigyan ng recognition."

Sabi pa niya, “Kung pipiliin ko yung role ni Megan, in fairness naman talaga, maganda naman talaga yung role ni Megan.

“Pero dahil ilang beses ko nang nagawa na palaging ako yung takot, palaging ako yung kimi, mas gusto ko namang gawin itong isa.”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa media conference ng Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko nitong Hulyo 8, Lunes, sa Studio 4 ng GMA Network.

Mapapanood ang naturang teleserye simula sa Hulyo 22.

KRIS BERNAL YEARNS FOR AN ACTING AWARD

Ginagawa pa lang ni Kris ang Impostora (2017), vocal na siya sa pag-asam na manalo ng acting award.

Nandoon pa rin ba siya sa mindset na tipong pang-award o puwede siyang mapansin sa ginagawang proyekto?

“Oo, yun pa rin ang mindset ko,” pag-amin ng 30-year-old Kapuso actress.

“Palagi naman akong binibigyan ng GMA ng magagandang role, na kakaiba. Pero ewan kung bakit hindi ko siya nakukuha.

“Well, siyempre, hindi naman ako sobrang husay.

"Kailangan siguro na husayan at husayan ko pa para every time na nabibigyan ako ng bagong role at kakaiba.

“Siyempre, yun nga, inaano ko rin yung performance ko na kailangan ko pang husayan.”

Continue reading below ↓

May kaakibat na pressure kay Kris dahil sa goal niyang makasungkit ng acting award.

“Kaya ko rin tinatanggap ang mga role na kakaiba, kasi yun ang habol ko talaga,” pag-amin ni Kris.

“Like, for so long, every year may show ako, more than 12 na ang shows ko, hindi talaga ako nabibigyan ng award.”

Ang ilan sa mga pinagbidahang Kapuso teleserye ni Kris ay ang mga sumusunod: Dapat Ka Bang Mahalin (2009), All My Life (2009), The Last Prince (2010), Koreana (2010-2011), Time of My Life (2011), Hiram Na Puso (2012), Coffee Prince (2012), Prinsesa Ng Buhay Ko (2013-2014), Hiram Na Alaala (2014-2015), Little Nanay (2015), Impostora (2017-2018), at Asawa Ko, Karibal Ko (2018-2019).

Nakakaramdam ng frustration si Kris kapag natapos na at lahat, pero hindi siya napansin o nabigyan ng rekognisyon sa proyektong ginawa niya.

Natawang sabi niya, “Oo naman, kasi ibinigay ko naman ang todo ko. Ano kaya ang kulang pa?”

Continue reading below ↓

WHO IS KRIS'S FAVORITE LEADING MAN?

Ikalawang pagsasama nina Kris at Rayver Cruz ang Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko.

Pareho silang nanggaling sa teledramang Asawa Ko, Karibal Ko.

Sila na ba ang inila-love team ng network?

“Ay! Hindi!” mabilis na sagot ni Kris.

“Kasi, feel ko, ano... ako, ha, sarili kong assessment.

"Hindi naman kasi kami talaga nagkaroon ng sobrang laking following from Asawa Ko, Karibal Ko.

“Hindi naman kami nagkaroon ng malaking love team. So, feel ko naman hindi dahil doon.”

Pero bakit kaya sila pa rin ang pinagsama?

“Hindi ko rin alam!” natawang sagot niya.

Masaya raw si Kris nang nalamang si Rayver muli ang makakapareha niya.

“Happy ako siyempre, kasi si Rayver, dati pa naman, sinasabi ko na childhood crush ko talaga.

"Showbiz crush ko talaga ‘yan, bata pa lang ako.

“Sobrang happy ako, pero siyempre ngayon, brothers-brothers na kami.

"Parang kapatid na lang. Sobrang comfortable.”

Continue reading below ↓

Dugtong pa niya, “Alam niyo ba, so far, masasabi ko ngayong siya na yung favorite love team ko.”

Hindi na ang orihinal niyang ka-love team na si Aljur Abrenica?

“Hindi na,” mabilis niyang sagot.

Ano ang nakita ni Kris kay Rayver na nasabi niyang ito na ang kanyang paborito?

Paliwanag niya, “Si Rayver kasi, siya lang siguro yung sa lahat ng naging leading man ko na kapag off-camera, friends talaga kayo.

“Hindi lang kayo nagtatrabaho on-cam, pero off-cam talagang nagkakamustahan kayo, nag-uusap kayo.

“Kasi, yung iba talaga, parang work lang talaga. Wala kayong nabuong friendship, yung ganun.

“Yung hindi mo matatakbuhan kapag may problema ka.”

Natakbuhan na niya si Rayver sa naging problema niya?

“Oo,” ani Kris.

“Mga simpleng advice lang like pagdating sa guy. At least sa kanya, nao-open-up ko yun.

"Sabihin na natin, like before ko, sina Rafael [Rosell], medyo nahihiya pa ako.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal admits frustration over failure to be recognized for her acting: "Oo naman, kasi ibinigay ko naman ang todo ko. Ano kaya ang kulang pa?"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results