Ryza Cenon still hounded by bashers, haters over kontrabida role

IMAGE Instagram

Ryza Cenon on bashers and haters: "Yung iba na galit sa akin before, galit pa rin sila sa akin ngayon."


Bilang kontrabida sa prime-time series na The General’s Daughter, hindi nauubusan si Ryza Cenon ng bashers at haters.

“Parang bumabalik,” pagngiti niya.

Ang tinutukoy ni Ryza ay ang haters niya noong ginawa niya ang Ika-6 Na Utos sa GMA-7.

“Before, yung last show ko, ang daming nagagalit sa akin.

"Well, yung iba na galit sa akin before, galit pa rin sila sa akin ngayon.

“May followers yung character ko sa last show ko, ngayon, nandito na naman sila, nagagalit pa rin sila sa akin.”

Binabanggit pa rin kasi ng mga nagagalit sa kanyang manonood ang dati niyang karakter na si Georgia.

“Sinasabi nila, iba lang yung name mo, pero nambubwisit ka na naman!” natawang kuwento ni Ryza.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryza kamakailan sa isang restaurant sa Shangri-La Plaza.

MAKING PATOL TO BASHERS

Patola minsan si Ryza sa namba-bash sa kanya sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Ryza, “Actually, ang sagot ko naman sa iba, katuwaan lang.

"Para naman may thrill ang pamba-bash nila sa akin, sagutin ko na lang."

Yung iba, sinasabing sana ay patayin na lang siya sa serye.

“Oo, sinasagot ko na lang na kapag pinatay ninyo ako, wala na akong work.”

Sa kabila ng mga nagagalit at namba-bash sa kanya, natutuwa si Ryza sa mga natatanggap na komento at reaksiyon.

“Natutuwa po ako dahil ibig sabihin, tama lang ang ginagawa ko. Tumatatak sa tao ang ginagawa kong character.”

Ano ang realization sa kanya nang mag-switch siya sa pagiging kontrabida na mas napansin siya?

Well, feeling ko, dahil gusto ko rin yung gawin.

"Na mas nag-e-enjoy ako sa pagiging kontrabida kaya nagre-reflect po yung trabaho ko sa kung ano yung gusto ko pa.”

Nag-e-enjoy siya sa pagiging kontrabida?

“Opo, nalalaro ko po kasi, e,” saad niya.

Walang problema sa kanya kung pagkatapos ng The General’s Daughter, kontrabida pa rin ang kasunod na proyekto niya sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay lang, trabaho yun, e. Grab lang nang grab.”

ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL

May isang taon na nang mangibang-bakod si Ryza.

Kumusta ang isang taon niya na pagiging Kapamilya?

“Busy,” mabilis niyang sagot.

“Busy ako nang one year na Kapamilya. As in, sobrang saya.

"Ang dami ko agad natutunan. Hindi lang sa paligid ko kung hindi sa mga nakatrabaho ko.

“Kasi, grabe yung mga nakatrabaho ko. One year pa lang yun, ha, ang bibigat ng mga nakatrabaho ko."

Binanggit ni Ryza ang co-stars niya sa FPJ's Ang Probinsyano na sina Coco Martin, Rowell Santiago, at Michael de Mesa.

Pati ang co-stars niya sa The General's Daughter na sina Tirso Cruz III, Albert Martinez, Eula Valdes, Janice de Belen, Maricel Soriano, at Angel Locsin.

Saad pa niya, “As in, wow, one year pa lang yun.

"Paano kung tumagal pa ako? Mas marami pa kong makakatrabaho na mabibigat na artista.”

Masasabi niyang tama ang desisyon niyang maging Kapamilya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, yes,” sagot ng dating Kapuso star.

Ano ang reaksiyon niya sa kinakaharap pa ring isyu ng ABS-CBN sa renewal of franchise?

Saad ni Ryza, “Kaya nga po ako may manager, I think, hindi naman po ako pababayaan ng Viva regarding that.

"Sa kanila na lang po ako sasandal if ever mangyari man o hindi.

“Pero hindi naman ako naalarma, hindi naman ako nag-worry.

"Kasi, feeling ko, gagawa at gagawa ang ABS-CBN ng paraan para hindi mawalan ng trabaho lahat ng mga tao umaasa sa kanila.

“Hindi ako nawawalan ng hope about it.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close