Descendants of the Sun star Dingdong Dantes reacts to Song-Song divorce

by Rose Garcia
Jul 12, 2019
Dingdong Dantes on Descendants of the Sun remake: "We have big shoes to fill so, I think, kinakailangan talaga na hindi namin ma-disappoint ang manonood dahil ako mismo ay fan ng programang yun..."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi pa rin ipinakilala ang leading lady ni Dingdong Dantes sa storycon ng Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun.

Pero ayon sa Kapuso Primetime King “Hindi matatapos ang buwan, malalaman na natin.”

Mag-uumpisa na raw sila ng taping ngayong July.

Inusisa namin si Dingdong sa reaksiyon niya kaugnay ng pagdidiborsyo ng Korean stars Song Joong Ki at Song Hye Kyo, mga orihinal na gumanap na bida ng Descendants of the Sun, pagkatapos ng halos dalawang taong pagsasama bilang mag-asawa.

“Siyempre ako, fan din ako ng teleseryeng yun,” aniya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Although ako, hindi ko naman nasundan yung istorya nung actors, pero na-hook na ako sa kanilang apat, actually sa buong show.

“I think, ganoon ang magic ng ginagawa ng trabaho namin.

"Na minsan, kahit na natapos na, yung epekto niya sa amin, lalo na sa akin, hindi siya mawawala, e.

“Whether sa totoong buhay man or nasa kuwento lang ang pagsasama nila.

Continue reading below ↓

“Basta ako, kahit anong nangyari sa kanila sa totoong buhay, nai-inspire ako as a viewer sa ipinakita nilang kuwento ng pagmamahalan nila sa Descendants of the Sun.”

Nang lumabas ang divorce scandal ng SongSong couple, mas marami ang nagkainteres na panoorin ang Descendants of the Sun.

Nakikita ba niya na ang interes na yun ay tatawid hanggang sa mga Pinoy na manonood ng kanilang adaptation?

“Hindi ko alam, e, hindi ko masasabi,” saad ni Dingdong.

“Hindi naman natin mapi-predict yun.

"Hindi naman yun ang gusto natin, I mean, we don’t want to anchor on that.

"But it’s a very beautiful material and we have a great opportunity to retell a beautiful story.

“We have big shoes to fill so, I think, kinakailangan talaga na hindi namin ma-disappoint ang manonood dahil ako mismo ay fan ng programang yun...

“Gagawin namin ang lahat para mabigyan ng proper interpretation ang serye,” sabi pa ni Dingdong, ang bagong endorser ng Caltex gasoline station.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes on Descendants of the Sun remake: "We have big shoes to fill so, I think, kinakailangan talaga na hindi namin ma-disappoint ang manonood dahil ako mismo ay fan ng programang yun..."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results