Eula Valdes plays Jose Rizal's mother in Ilustrado; she explains why she used to hate playing Amor Powers

Eula Valdes is cast as Jose Rizal's mother in the upcoming GMA News and Current Affairs mini-series, Ilustrado. This TV project chronicles the life and times of our national hero, particularly during his tenure in Europe.


Versatile award-winning actress Eula Valdes continues her quest for meaningful screen portrayals.

Matapos magtagumpay sa pinakahuli niyang indie film appearance para sa Dagitab kunsaan gumanap siya bilang isang UP College professor at nasungkit niya ang parangal bilang Best Actress para sa Cinemalaya Film Fest, muling masusubok ang kakayahan ni Eula sa pagbibigay-buhay sa isang naiibang katauhan, as she tackles a role far beyond her physical age.

Nabanggit ni Eula sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang partisipasyon niya sa upcoming mini-series ng GMA News and Current Affairs, ang Ilustrado, na tatalakay sa buhay at mga pakikipag-ugnayang personal ng dakilang bayaning si Jose Rizal.

Ang pangunahing papel ng ating national hero ay gagampanan ni Alden Richards.

“Tungkol sa buhay ni Rizal, mula noong bata pa siya, pero mas magpu-focus mainly doon sa life niya sa Europe,” panimulang banggit ni Eula.

“Yung mga naging girlfriends niya...”



The GMA mini-series, according to her, is scheduled for airing either on October or November this year. Si Eula ang gaganap bilang ang nanay ni Rizal, si Doña Teodora Alonzo.

Bilang family ni Rizal, aside from Eula, kabilang dito sina Ricardo Cepeda, Marco Alcaraz, Sue Prado, among others. May mahalagang roles rin sina Kylie Padilla at Ms. Jaclyn Jose.

Hindi kaya napakabata ng age at looks ni Eula to play Rizal's mother, Dona Teodora Alonzo y Realonda?

Ayon sa aktres, dadaanin sa tamang make-up, para palitawing mas mature ang character niya for her age.

Sa Facebook page na Eula Valdes, makikita naman na ang current look pa rin ng aktres ang ginagamit sa mga eksena, habang bata pa ang Rizal character. Ang isa sa mga eksena ay nagpapakitang nagtu-tutor si Eula as Dona Teodora Alonso at ang atensiyon ng bata ay sa gamu-gamong umaligid sa lampara hanggang madarang ito at masunog sa apoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In later years, doon kailangang patandain ang facial looks ni Eula upang bumagay sa character.

Aniya, "Minsan, ako na yung nagpapatanda sa sarili ko; nilulukot mo yung mukha mo, tapos, lalagyan mo ng linya...

"Lalagyan ko ng linya lahat ng lukot ng mukha ko, para ma-emphasize, tapos, bahala na.

"Minsan, sasabihin ko, 'Ano ba talaga ang peg natin? Zombie ba, o ano?'

"Di ba? Kasi, minsan, pag ito yung ilaw, lalo na pag dilaw na yung ilaw, hindi nagre-register masyado.

"Pero pag tiningnan mo sa normal, sa personal, parang agnas na ako, bumangon lang," sabay tawa si Eula.

HUNGER FOR QUALITY. Tulad sa pagkakamit niya ng pinakahuli niyang award-winning role, sa Dagitab, muling nagkaroon ng magandang pagkakataon si Eula na maging bahagi ng Ilustrado.

Isang bagay na muli raw niyang ipinagpapasalamat nang lubos.

"Dapat daw, hihingin mo, e," sabi ni Eula.

"Yun talaga, pagka nadi-depress ako sa work—hindi naman ako nawawalan—pero yung project na nakukuha ko, pag nadi-depress ako, dinadasal ko ‘yan, e.

"Parang sinasabi ko, 'Lord, binigyan mo akong talent, sana magamit ko yun nang maganda.’ Hindi yung, wala lang, parang business lang. Alam mo yun?"

Dahil, bilang isang artist, dagdag pa ni Eula, "Naghahanap ako ng good material. Correct!

Naghahanap ka ng magandang project parati. Hindi lang naman ‘yan source of income mo, e."

RELEVANCE OF ACTING AWARDS. Sa screening ng Dagitab sa UP Cine Adarna last September 5, bilang bahagi ng Cinemalaya Goes UP (ng Cineastes' Studio at UP Film Institute), dumalo si Eula minus her real-life partner Rocky Salumbides.

"Ayaw kasi niyang sumama 'pag may kissing scenes ako," matapat na wika ni Eula.

Ang Dagitab ang first major Cinemalaya appearance ni Eula, kung saan nga siya nanalong Best Actress.

Masayang-masaya si Eula sa pagwawagi niya, na katulad din daw ng mga nauna niyang pananalo ng acting awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasing importante din ito [Cinemalaya best actress] ng ibang awards ko...

"Meron na ako sa Asian TV Awards, para sa mga MMK [Maalaala Mo Kaya?], actually, yun ang una. Aliw Awards, meron na din ako. Yung Zsa Zsa Zaturnnah, first musical ko, nanalo doon, best actress in a musical.

"Nangongolekta nga daw ako, e, sabi ng anak ko...

"Ang wala lang talaga... wala pa akong award sa mainstream.

"I mean, yung parang mga pang-FAMAS, ayun, mga ganyan. Wala pa."

"Sa TV, meron na ako," banggit nga niya.

Bukod sa Asian TV awards, nanalo na rin si Eula bilang best drama actress sa PMPC Star Awards for Television para sa pagganap niya noon bilang si Amor Powers, sa teleseryeng Pangako Sa Yo ng ABS-CBN.

Ano ang opinion ni Eula tungkol sa mga acting awards?

"Nasa role yun, e," katwiran niya. "Nasa role yun."

Nanalo man siya this year sa Cinemalaya, hindi raw inaasahan ni Eula ang parangal.

"Hindi ako nag-e-expect na manalo, kahit marami ang nagsasabi na ako daw ang bet nila or ano...

"Hindi ako nag-expect, kasi mahirap ilagay [sa isip]...kaya hindi ako nakagawa ng speech.

"Marami akong dapat mapasalamatan..." sabi pa ni Eula. "Nag-decide lang ako the night before. Nakakatawa, wala nga akong gown, ano!"

Gayunman, aminado si Eula na alam niyang may laban ang Dagitab at ang nagustuhang pagganap niya bilang isang college professor at ang naging ugnayan nito sa kanyang writer (left-leaning) husband (Nonie Buencamino) at inaanak na mag-aaral ng panitikan (Martin del Rosario).

"Kahit nu'ng ginagawa ko pa lang [ang Dagitab], gandang-ganda na ako sa project, sa material.

"Hindi naman kailangan ng maraming twist o maraming moments; yun yung hinihintay kong magkaroon ako.

"Naipakita na ang teacher, tao lang din, inaantok, pumupupu," banggit pa ni Eula sa merits ng kanyang ginampanang papel.

Para din kay Eula, much credit should go the Dagitab's writer and director, Giancarlo Abrahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Galing na galing ako sa writer at director ko; I'm sure, maraming nagalingan sa kanya. Sobrang na-enjoy ko siyang ka-trabaho.

"I think, he should do more films," pagpuri pa ni Eula kay Direk Giancarlo, na siya ring sumulat ng screenplay ng 2013 Cinemalaya entry, Transit, na dinirek ni Hannah Espia.

ON POSSIBLE REMAKE OF PANGAKO SA 'YO. Lately, nababalita ang plano ng ABS-CBN na gawan ng remake ang matagumpay na teleseryeng Pangako Sa 'Yo.

Nagbida noon ang tambalang Jericho Rosales at Kristine Hermosa, at sinasabing ilalaan naman ngayon ang new version ng Pangako Sa 'Yo para sa successful tandem nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Bilang si Amor Powers, na siyang character ni Eula sa original series, sino ang naiisip ni Eula na bagay gumanap ngayon?

"Sinabi ko na ‘yan, bagay si Jodi Sta. Maria," wika ni Eula. "Siya lang ang nakikita kong puwede, kasi magaling mag-adjust yung bata na ‘yan.

"Antagonist-protagonist din si Jodi," saad pa ni Eula.

"Pero sinasabi ko rin, 'bakit pa ire-remake ang Pangako Sa 'Yo? E, di ipalabas n'yo na lang uli, kikita pa rin naman kayo, di ba?

"Sa akin kasi, pag ano [classic] na, huwag na sanang galawin," katwiran pa ng aktres.

Ang palagay ng ibang observers, wala nang makakapantay sa orihinal na bersiyon ng teleserye.

"Hindi rin naman natin masasabi, pero siyempre, pagkaginawa mo yun, na naging 'baby' mo, huwag mo nang galawin.

"Sabi ko nga, yung original, sana ipalabas na lang, magre-rate pa rin naman, e.

"Kumikita pa rin naman. Sa abroad, kumikita pa rin. Ilang beses nilang inuulit, pinapanood pa rin.

"I think, sa China, twice na inulit daw [ang Pangako Sa ’Yo]; tapos, may friend ako sa Malaysia, sinabi inulit din. Pinapanood pa rin nila."

Kapag ba ipinalabas uli ang tinampukang teleserye, nakakatanggap ng royalty ang mga artista at iba pang naging bahagi ng production?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala!" natawa si Eula.

"Umpisa pa lang, hindi pa nila ginagawa ang teleserye, pinapirma na nila kami. [Parang] na-foresee nila [na kikita]!" tawa uli ni Eula.

"Kahit ano'ng gawin nila du'n sa material, wala na kaming [kinalaman]."

AMOR POWERS REVISITED. Looking back, binalikan ni Eula ang naging pagganap niya sa papel ni Amor Powers.

Ito ang isa sa dalawang nagtutunggaling kontrabida sa Pangako Sa Yo, na ang isa ay si Madame Claudia, na buong husay ding ginampanan ni Jean Garcia.

"May time, naging hate ko siya, kasi nawalan ako ng identity," recalled Eula.

"Pero, natanggap ko na rin na gano'n talaga. And, pasalamat na lang ako, na nagkaroon ng puwang yung ginawa ko, hanggang ngayon..."

Pag-amin niya, "May panahon na nairita ka lang, 'Hindi na ako 'yan!'

"Alam mo yun? Sa TV, wala na ako, hindi na ako yun, e, di ba?

"Pero thankful ako na naging ganu'n din, kaysa sa hindi," makahulugang pagtatapos ni Eula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN