Janine Gutierrez enjoys campy fight scenes in Dragon Lady

by Rommel Gonzales
Jul 18, 2019
Janine Gutierrez on fight scenes in Dragon Lady: "Very campy yung show, kung saan-saan kami nagsasabunutan—sa freezer, sa supermarket. So, kahit na super-intense yung mga eksena, enjoy kami pag ginagawa namin."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi makakalimutan ni Janine Gutierrez ang mga away nila nina Vera (Maricar de Mesa) at Astrid (Joyce Ching) sa telefantasyang Dragon Lady na magtatapos sa Hulyo 20, Sabado, sa GMA-7.

Nagkasakitan ba sila nang totohanan?

“Actually, hindi!” paglilinaw ni Janine nang makausap namin sa taping ng Dragon Lady noong Hulyo 10, Miyerkules, sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

“Totoo pero alalay. Kaya hindi kami nagkakasakitan.

"Pareho talaga kaming maingat and masuwerte rin.

"Kasi, kahit si Ate Maricar ang sasampal sa akin or si Joyce, siyempre magagaling sila kaya marunong talaga silang umalalay."

Bilang aktres, ano ang natutunan ni Janine sa Dragon Lady?

“Siguro, expect the unexpected.

"E, kasi, hindi ko naman in-expect na magkakaganito akong klaseng show.

“Fantasy, tsaka ano, enjoy lang. Kasi, kahit mabigat yung storyline, yung mga linyahan namin, nakakatawa.

"Very campy yung show, kung saan-saan kami nagsasabunutan—sa freezer, sa supermarket.

“So, kahit na super-intense yung mga eksena, enjoy kami pag ginagawa namin.

Continue reading below ↓

“Kaya sa tingin ko, marami rin na nag-e-enjoy na panoorin yung mga sabunutan, yung mga one-liner, kasi ito na siguro yung pinakagusto kong script sa… one of my favorites.

"Kasi, ang galing nung mga linyahan, swabe, may halong comedy and… iyon.”

Pinoy na Pinoy kaya gusto ng masa.

“Yes, nakakagigil!”

WORKING WITH KAPAMILYA STARS

Ano ang planong gawin ni Janine sa pagtatapos ng Dragon Lady?

Bakasyon muna o may follow-up agad siyang teleserye sa GMA?

“Meron akong movies, so magmu-movies muna ako.

"Yung isa, indie, pam-festival. 'Tapos, yung isa, yung kami ni Paulo Avelino for T-Rex, yung If We Don’t Make It.”

Unang beses ito na magsasama sila ni Paulo sa pelikula.

Gamay na ni Janine makatrabaho ang Kapamilya stars tulad ni Enchong Dee at ngayon ay si Paulo.

“Natutuwa ako, kasi, excited akong makatrabaho yung mga hindi ko makatrabaho dito [sa GMA], kaya excited talaga ako kapag movie.

Continue reading below ↓

“Katulad nung kami ni Enchong, ngayon naman, iba naman ulit. So, happy talaga ako.”

Ano namang role na hindi pa niya nagagawa ang nais ni Janine maipagkaloob sa kanya?

“Gusto kong mag-romcom ulit. Like, yung parang Love You Two [nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion], yung ganun.

“Dati kasi, nagawa ko yun once with Direk Andoy Ranay dito, yung More Than Words, pero super-super tagal na yun, so iyon.

“Super-saya rin talaga gumawa ng ganung kuwento, ng ganung show, kaya gusto ko, romcom. Or siguro, action naman.”

Magbabakasyon si Janine sa 30th birthday niya sa Oktubre 2.

“Kasi, nagkataon din na na-invite ako sa isang event sa Paris.

“E yung event, September 28-29, so sabi ko, alis na lang ako nang maaga, 'tapos uwi ako nang medyo a few days later para dun na rin ako mag-birthday.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez on fight scenes in Dragon Lady: "Very campy yung show, kung saan-saan kami nagsasabunutan—sa freezer, sa supermarket. So, kahit na super-intense yung mga eksena, enjoy kami pag ginagawa namin."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results