Diana Zubiri reveals thoughts about playing mother to Janine Gutierrez despite 5-year age gap

IMAGE Noel Orsal

Diana Zubiri, 34, on playing mother to Janine Gutierrez, 29: "Sa umpisa, siyempre parang gulat lang yung mga tao na, ‘Ano? Bakit?’ Kaya naman. Kaya naman sa acting daw. Chos!"


Sexy at batang tingnan si Diana Zubiri.

Mabuti at napapayag siyang gumanap na ina ni Janine Gutierrez sa Kapuso telefantasyang Dragon Lady?

Thirty-four years old lang si Diana, habang si Janine ay 29.

“Oo, kasi nung ibinigay sa akin itong story, parang sabi… maganda kasi talaga yung character ko, parang sa akin nagsimula yung Dragon Lady,” kuwento ni Diana nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Hulyo 10, Miyerkules, sa New Manila, Quezon City.

“And then, sabi naman nila, magsisimula na baby lang si Janine.

"'Tapos, may batang ako; 'tapos, seven years old pataas. 'Tapos, pababatain siya.

“Pero hindi naman daw ako patatandain.

"Sabi ko, sige, okay lang naman. Maganda naman yung pasok ng character, kaya ko tinanggap.”

At naitawid nila ni Janine ang pagiging mag-ina.

“Oo! Sa umpisa, siyempre parang gulat lang yung mga tao na, ‘Ano? Bakit?’

“Kaya naman. Kaya naman sa acting daw. Chos!” at tumawa si Diana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tunay na buhay, mayroong mag-ina na mukha lamang magkapatid.

“Kasi si Janine, mukha siyang bata sa screen.”

Kaya ni Janine na magmukhang high-school student.

“Oo,” ang pagsang-ayon ni Diana.

“Kaya nga sabi ko, ‘Ay, okay naman pala, puwede!’

“Kaya rin yung mga tao, parang nasanay rin sila.

“Kasi yung mga first two weeks namin, iyon yung mga comments na, ‘Ay, bakit magnanay,’ ganyan. Pero habang tumatagal, wala na.

“Hanggang ngayon, parang hindi siya pinapansin.”

DRAGON LADY FINALE

Magtatapos na ang Dragon Lady sa Hulyo 20, Sabado. Sino ang pinakamami-miss niya sa kanilang telefantasya?

“Siyempre, si Janine, ang aking anak-anakan dito. Pero lahat naman kasi, close kami rito, e. Lagi kaming kumakain.

“Palagi kaming sabay-sabay na umoorder kung anuman yung maisipang kainin!” natawang sambit ni Diana.

Ikinagagagalak ni Diana na ilang beses na-extend ang Dragon Lady dahil sa magandang ratings nito.

“Oo, marami kaming extension. Tsaka walang negative dito.

"Lahat kami, positive, mababait daw kasi ang mga nandito!" at muling tumawa si Diana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi makakalimutan ni Diana ang ilang eksenang ipinagawa ng director nilang si Paul Sta. Ana.

“Siguro, yung isang beses, parang 1 A.M. na yun, tapos parang the whole day, hindi naman sobrang heavy yung mga eksena ko...

“'Tapos, yung last ko, parang ang saya-saya ko, last ko na yun, last eksena ko... sabi niya, ‘O, breakdown ka dito, ha?’

“E, ano lang yun, dream sequence lang. So, parang, ‘Ha?’

“Parang hindi ko siya... hindi ako ready, hindi ko napaghandaan. Pero okay naman, pinaghanda naman nila ako.

“Pinahintay ko lang sila nang konti, kasi siyempre kung breakdown scene, kailangan mo kasing paghandaan.

“Iyon, isa yun.

“At saka yung pinatay ako rito. Kasi, madali lang namin... parang minamadali naming kunan pero wala na kaming time.

“'Tapos, ang haba nung eksena, paulit-ulit. 'Tapos, ang daming lamok dun sa lugar.

“Ang hirap, e, yung may mga lumilipad sa iyo, 'tapos hindi ka dapat gumagalaw, kasi kunyari, patay ka na, o kaya kunyari nasaksak ka na, 'tapos yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Physically, iyon yung parang hindi ko malilimutan na experience ko rito.”

SIX YEARS OF MARRIAGE

Anim na taon na ang relasyon ni Diana at ng mister niyang si Andy Smith.

Dalawa ang mga anak nila—si King na 10 years old, at si Aaliyah na magti-three years old ngayong Agosto.

Ano ang sikreto ng matibay nilang pagsasama?

“Communication.”

Trust?

“Kasama naman yun, e. Trust, love, loyalty, respect.

“Especially sa mga trabaho namin, di ba? Kailangan, mas naiintindihan niya yung nature ng trabaho ko.

“Isa yun sa mga importanteng aspect, kasi kung hindi, magseselos siya or mag-aaway kami, puwedeng ganun, di ba?

“Siyempre, nagsimula ako sa paseksi. Iba yung dating ko sa screen, iba yung...

"Alam mo na, may mga kissing scene, hindi maiwasan, hindi naman ako puwedeng mag-no, di ba?”

Wala raw ipinagbabawal si Andy sa kanya pagdating sa trabaho.

“Tsaka if ever pagbawalan niya ako, ayoko ng ganun. Kasi siyempre, trabaho lang naman yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag TV naman yung ginagawa, medyo limited naman yung kailangan mong gawin for that,” napangiting pakli ni Diana.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close