Kris Bernal agrees to play kontrabida to Megan Young

by Rommel Gonzales
Jul 19, 2019
Kris Bernal: "Kasi siyempre, if kasama natin si Megan Young, siyempre Megan Young ang magiging bida, hindi ako."
PHOTO/S: Noel Orsal

Multong mistress ang papel ni Kris Bernal sa Kapuso horror series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, na pagbibidahan din nina Megan Young at Rayver Cruz.

“Noong una, of course, kinuwestiyon ko kung gaano kalalim, kalawak, at kabigat yung character,” pag-amin ni Kris sa presscon noong Hulyo 8, Lunes, sa Studio 4 ng GMA Network Center.

“Tinanong ko rin na, ‘Ako ba ay kontrabida na ngayon, support na lang ba ako ngayon?’

“Kasi siyempre, if kasama natin si Megan Young, siyempre Megan Young ang magiging bida, hindi ako.”

Ano ang sagot ng GMA management?

“In-explain nila sa akin yung character. Hindi ako yung bida, of course si Megan Young ang bida pero...

“Sa akin kasi nagsimula, e, parang ako yung backbone ng story, e.

"Kaya magkakaroon ng istorya, dahil dun sa istorya ko. So, yun.”

Support siya sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko?

Continue reading below ↓

“Hindi naman support pero siguro mas angat lang siguro yung character [ni Megan] or all throughout of course, yung kuwento na nila yung umiikot, na nananakot ako.”

Bida-kontrabida siya sa show?

“Siguro, parang ganun.”

KONTRABIDA ROLE

Naging bida-kontrabida na si Kris sa teledramang Impostora kung saan dual role siya—isang mabait at isang salbahe.

“Pero ngayon kasi, yung pagiging kontrabida ko kay Megan, as moomoo, hindi yung sampalan…”

Nang nalaman niyang si Megan ang kasama niya sa show, nakaramdam ba siya ng insecurities?

Sagot ni Kris, “Wala namang insecurities.

"Siyempre, malaking bagay na makakaeksena ko siya, di ba?

“Pero na-pressure din ako, kasi kailangang umangat din yung character ko.

“I mean, of course, Megan is Megan. And dahil si Megan, yung character niya talaga yung kakaawaan.

“Mahu-hook yung mga tao, kumbaga, ki-cling sila dun sa character ni Megan. Kasi, siya yung kawawa.

Continue reading below ↓

“So, kailangang iangat ko yung character ko, na maintindihan nila kung bakit.

“So ganun, medyo pressured din ako. Kasi kiyempre, kailangang pantayan ko yung ganung ano.”

Mapapanood ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko simula Hulyo 22, Lunes, sa GMA Afternoon Prime.

Kasama sa cast nito sina Kim Domingo, Boots Anson-Rodrigo, Sharmaine Arnaiz, Francine Prieto, at Beverly Salviejo, sa direksiyon ni Jorron Lee Monroy.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal: "Kasi siyempre, if kasama natin si Megan Young, siyempre Megan Young ang magiging bida, hindi ako."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results