Alden Richards says he feels privileged as co-host of Regine Velasquez in Bet ng Bayan, "Pero nakaka-pressure din."

Alden Richards recalls the hardship of auditioning for a reality show as he did when he tried out for StarStruck: “’Yong pagpila, number one... 'yong paghihintay, ‘yong kaba... ’yong mga what ifs, ang dami niyan! Sobrang stress ‘yong auditions. 'Yong gutom… Ikaw na pala ‘yong next, e, bigla kang nawala."


Ibang klaseng experience para kay Alden Richards ang maging co-host ni Regine Velasquez para sa upcoming reality search ng GMA-7 na Bet Ng Bayan.

Sobrang hectic ang schedule niya rito at nakakapagod daw ang mag-travel kung saan-saan. Pero sulit at enjoy naman daw siya.

“Marami na akong napuntahang lugar sa Pilipinas,” aniya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars noong Linggo, September 14.

“Galing na ako sa Cebu, Iligan, Cagayan de Oro, Legaspi, Gen San, Pampanga, Batangas… marami pa kaming pupuntahan.”

“Masaya rin na magkaroon ka ng chance na makapunta sa iba’t ibang part ng Pilipinas for free.

“At nakakakita ka, nakakadiskubre ka ng mga iba’t ibang talents ng mga kababayan natin.

“Ang bina-value ko higit sa lahat, ‘yong istorya ng buhay ng mga sumasali.

“Kung bakiit sila sumasali at kung ano ‘yong nag-push sa kanila para sumali sa mga contest.

“’Yong kung ano ang value at kung ano ang importance sa kanila na makapag-audition sa Bet ng Bayan.

“Iyon ang nakaka-move sa akin, e, ‘yon ang nakaka-touch kasi do’n ko nari-realize na masuwerte pa rin ako.

“Masuwerte ako na nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw. Masuwerte ako na may sasakyan. Masuwerte ako na may bahay.

“’Yong iba na mga na-interview ko, walang father, may watak-watak ang pamilya.

“Meron malaki ang problema financially, merong may mga sakit.

“So hindi lang pagiging co-host ‘yong trabaho ko dito sa Bet Ng Bayan.

“Parang isa rin ako sa mga instrumento para mapaligaya o mabigyan ng pag-asa ‘yong mga kababayan natin na nawawalan na ng hope.”

ON WORKING WITH REGINE. Bilang co-host ni Regine sa Bet Ng Bayan, how is it working with Asia's Songbird?

“Hindi pa po kami nakapagsimulang magtrabaho together pero nag-pictorial na po kami.

“Si Ate Regs naman, nakakakuwentuhan ko po siya minsan sa SAS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkasama na rin po kami na pumunta sa States.

“So magkakilala na po kami, may rapport na rin, kumbaga.

“Si Ate Regs, hindi po mahirap pakibagayan.

"So nai-excite po ako sa magiging outcome ng hosting namin.

“Siyempre of course. I feel so privileged pero nakaka-pressure din.

"Kasi Asia’s Song Bird ang kasama ko.

“Honestly, hindi pa ako artista, nauna kong nagustuhan ang hosting.

"Naghu-host ako sa mga programs sa school namin.

“Pero mas mahal ko na po ang acting sa ngayon kasi noon hindi pa ako gaanong interesado sa acting.

“After na naging artista na ako, mas mahal ko na ngayon ang acting more than anything.”

INSPIRATION. Masasabing inspirasyon si Alden para sa mga kabataang may mga pangarap na gustong maabot. Hindi man siya sinuwerteng makapasa sa audition niya sa Starstruck search noon, nabigyang katuparan pa rin niya ang kanyang hangaring maging artista.

“Ano lang po… tiyaga-tiyaga talaga.

“Kasi hindi naman lahat nakukuha ‘yan ng… sige sabihing nag-audition sila ngayon, first time.

“Hindi naman sigurado na kapag nag-audition ka no’ng una, pasok na agad, dire-diretso na ‘yon.

“It’s a constant progress. Hindi mo ‘yan makukuha ng isang pitik.

“So kailangang paghirapan mo ‘yan kasi hindi naman natutulog si Lord.”

Sa mga narinig niyang kuwento ng mga nakakausap niyang nag-audition, alin ‘yong talagang naantig nang husto ang puso niya?

“Merong isa na… matanda na siya, matandang babae sa provincial showdown sa Legaspi [sa Albay].

“Anak niya ‘yong nakapasok, nagbebenta lang sila ng basahan sa streets every day.

“Nanggaling pa sila ng Sorsogon so malayo.

“Sabi nila sa akin… ‘‘Yong pamasahe, naghagilap pa sila kung saan makakakuha.’

“E, sa totoo lang, do’n sa pagbebenta ng basahan, hindi gano’n kalaki ang kita nila.

“Hindi ko talaga mapigilang maramdaman, talagang minsan… nagiging emotional din ako.

“Kasi ramdam ko ‘yong hirap, alam ko ‘yong…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nanggaling din kasi ako sa wala so alam ko kung ano ‘yong pakiramdam.

“And hearing ‘yong mga gano’ng ikinukuwento nila, alam ko.

“I know how it feels sa gano’ng klaseng buhay at kapag mga gano’n… ang hirap lang, e.

“Gusto kong tulungan, gusto ko talaga. I mean… ando’n na, e.

“Pero ang dami nila, tutulong ka sa isa and then kapag nakita ng iba… ‘di ba?

“Sana magkaroon lang ng kahit one chance na biglang may dumating na blessing sa buhay nila.

“Nakakalungkot kasi na kung minsan, ’yong mga mabubuting tao ‘yon pa ang napapagkaitan ng magandang buhay, e.”

AUDITION JITTERS. Base sa experience niya StarStruck, ano ang mga scenario sa mga ginagawa nilang audition sa Bet ang nakaka-relate siya nang husto?

“’Yong pagpila, number one.

“Tapos 'yong paghihintay, ‘yong kaba.

“’Yong mga what ifs, ang dami niyan!

“What if hindi ako nakapasok? What if hindi nila ako magustuhan?

“What if magaya ako sa iba na hindi napapansin kasi kulang ang talent ko?

“Ang daming gano’ng feeling, sobrang stress ‘yong auditions.

“'Tapos ‘yong gutom kasi hindi ka puwedeng umalis sa pila…

"Ikaw na pala ‘yong next, e, bigla kang nawala.

“Ang kasama ko lagi, ‘yong mentor ko at saka ‘yong PA ko na until now ay kasama ko pa rin.

“Kaya malaki rin ang pasasalamat ko sa kanila kasi pinagtiyagaan nila ako.

“Kahit ang dami naming rejections na naranasan, nandiyan pa rin sila.”



STANDOUTS. Sa maraming iba’t ibang klaseng talentong ipinamalas ng mga nag-a-audition, ano naman kaya ‘yong talagang namangha at bumilib si Alden?

“Marami actually, e.

“Merong isa sa Davao, human beatbox siya, ang dami niyang nagagawang tunog gamit lang ang voice niya.

“Nagmarka siya sa akin kasi maganda rin ang kuwento ng buhay niya.

“Sumali siya ng Bet Ng Bayan para magkabuo-buo silang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi no’ng naghiwalay ang nanay at tatay, pinabayaan na silang magkakapatid.

“So lumaki sila sa lola niya. Sana raw ‘yong Bet Ng Bayan makatulong.

"Ginawa raw niya na mag-audition para makita siya ng nanay at tatay niya at maging buo na sila ulit.

“Kapag pumikit ka, akala mo nakikinig ka sa DJ ng club o ng isang bar, gano’n siya kagaling.

“And ‘yong substance sa kuwento ng buhay niya, buong-buo.

“Ibang klase ang experience ko talaga sa Bet Ng Bayan.

"Na sa bawat talent na nakikita mo, sa likod nito ay mga very emotional and heart-warming stories ng buhay nila.

“Bonus na lang ‘yong kapag nag-i-spiel during shoot naming na naha-highlight 'yong magagandang lugar sa mga probinsiyang pinupuntahan namin.

“Like sa Cagayan de Oro, water-rafting. Sa Iligan naman, nagpunta ako sa mga waterfalls like Maria Cristina Falls and Tinago Falls.

“Tapos sa Legaspi naman, ‘yong mga food.

"Hindi lang kami reality talent search na… kanta, saya, kain ng apoy, et cetera.

“Naisu-showcase din namin at some point 'yong kagandahan ng mga probinsiyang napupuntahan namin.”



STAYING POSITIVE. Very tiring and stressful nang masyado ang schedule niya sa Bet Ng Bayan tapos meron pa siyang taping para sa Ilustrado. Mabuti at hindi siya nauubusan ng energy?

“Malaking bagay po ‘yong nakapagbakasyon ako sa abroad no’ng nag-Smart concert kami noong June.

“Nagpunta ako sa San Francisco kasama ko ‘yong Tita ko na kapatid ng dad ko.

“One week ako na nakapagbakasyon doon… nag-enjoy talaga ako kasi siyempre nakapagbakasyon ka.

“Pero iba pa rin ‘yong part mo na gusto mong magtrabaho so na-bore ako.

“Kaya sabi ko, kahit anong ibigay sa akin, kahit palagariin ako sa working schedules, okey lang po ako.

“So hindi ko nararamdaman ang pagod.”

Kahit laging kulang sa tulog at pahinga, fresh pa rin ang aura ni Alden. Hindi nagmumukhang ngarag ang hitsura niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May aral ang naging sagot ni Alden, “Siguro ‘yong natutunan ko rin no’ng time na lagi ka lang…

"Kasi the only difference between a bad day and a good day is your attitude.

“You will decide kung gusto mong maging miserable sa araw na ‘yon at sirain ang mood ng ibang tao.

“And you will decide din kung gusto mong maging isang bundle ng positivity at maging masaya lang all the time.

“Kumbaga, ikaw ang may control kung ano ang gusto mong maramdaman for the day.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN