Andrea Torres proud of her role as half-human/half-awok in Ang Lihim ni Annasandra

Marami raw dapat abangan sa bagong afternoon soap ng GMA-7 na Ang Lihim ni Annasandra. Ayon sa bida nitong si Andrea Torres, nakakabilib ang karakter ni Mikael Daez na nagmahal ng wagas kahit may hiwaga sa katauhan ng babaeng kanyang minamahal.


Masayang-masaya si Andrea Torres na muli siyang pinagkatiwalaan ng GMA-7 ng bagong teleserye.

Si Andrea ang bida sa upcoming Afternoon Prime show na Ang Lihim ni Annasandra.

Saad ng 24-year-old Kapuso actress, “Sobrang grateful lang talaga sa lahat ng blessings.

“Siyempre na-miss mo rin na gumawa ng soap kasi iba yung mga ginagawa ko for the past few months, Bubble Gang, nagku-comedy ako, SAS (Sunday All Stars), variety show naman.

“So siyempre hinahanap hanap mo rin yung kung san ka nagsimula. So ang sarap ngayon, ang sarap nung kombinasyon nung tatlo na parang after mo mag-soap, looking forward ka naman mag-Bubble Gang tapos looking forward ka naman mag-SAS so talagang ano, thank you lang ako ng thank you kasi very happy ako kasi parang I’m in a good place right now.”

Ayaw munang i-detalye ni Andrea ang tungkol sa kanyang role sa serye dahil mas maige daw na panuorin na lamang ito ng mga tao sa darating na October 13.

Saad niya, “Actually, hindi ko siya masyadong ma-detalye kasi nga secret e so kailangan talaga mapanuod nila para malaman nila kung ano ba talaga ang lihim ni Annasandra pero yun nga, yung show may pagka-fantaserye siya, may pagka-drama na may pagka-sexy na, siyempre andun pa din yung kilig between Mikael [Daez] and me.”

Si Mikael Daez ang magiging leading man ni Andrea at ang magiging ka-love triangle naman nila ay si Pancho Magno.

Dagdag pa ni Andrea, “Ang ganda kasi hindi lang siya yung basta love triangle, e. Parang bawat isang character, binibigyan din nila ng detalye talaga yung kung ano ba yung pinagdadaanan ng bawat isa so bukod dun sa love story namin mismo parang meron din kailangan silang abangan about character ni Pancho, character ni Mikael, character ko.

“Kasi may sari-sarili rin kaming struggle pero ang ganda kasi kahit first time kong naka-trabaho si Pancho, may chemistry na talaga kaagad. Nag-eenjoy kami kahit super bibigat ng mga eksena, natatawid naman namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TALE OF ASWANG. Ang sikreto sa buhay ni Annasandra ay nagsimula nang masumpa siya noong bata pa. Kaya naman noong lumaki na siya, unti-unti nang lumalabas ang kanyang pagiging “awok” o aswang dahil sa sumpa.

Naniniwala naman daw siya sa aswang. May experience na ba siya o nakakita na ba siya ng aswang?

Tugon ng dalaga, “Wala naman akong experience talaga pero kasi naririnig-rinig ko sa mga kinu-kwento sa ‘kin na malapit sa ‘kin tina-trust ko naman talaga, alam kong hindi naman ako niloloko, yung mga experiences nila.

“’Tsaka naniniwala ako dun sa mga sinasabi nila, ‘Suutin mo ‘to para hindi ka mabati,’ or ‘Para ma-proteksiyunan ka,’ kasi para sa ‘kin wala namang mawawala [kung sumunod ka o maniwala].

“Ang pinakamalapit na experience ko lang siguro tungkol sa mga ganyan, sa bahay, meron daw dun duwende, may mga nakakakita ng duwende. Minsan naman may nakakita yung isang kasama namin sa bahay, andun siya sa baba, pag-akyat na pag-akyat, nakita siya ulit dun. Mga ganun, mga ganung ano lang.”

Bakit nga ba dapat abangan ng tao ang Annasandra?

Pagtatapos ng aktres, “Kakaibang istorya po. Parang matagal na rin na na-tackle yung tungkol sa mga aswang, tsaka medyo may konting truth e kasi sabi based daw ‘to sa ilang mga probinsya, yung mga paniniwala nung mga probinsiyang yun.

“So ngayon, parang mas kinukuwento namin kumbaga mas pinaparating namin sa mas maraming tao so abangan ninyo, hindi lang yung lihim ni Annasandra mismo pero pati yung istorya ng pamilya, istorya ng mag-bestfriends, istorya ng…

“Actually lahat naman ng babae kasi merong sikreto, merong… yun yung nagbibigay ng mystery sa kanya pero dito natin makikita na despite that kung pano siyang tatanggapin ng taong mahal niya pati yung past niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN