Jodi Sta. Maria does not mind being called "Tita"

IMAGE Noel Orsal

Jodi Sta. Maria: "It comes with ano na, e... parang yung iba, ang tawag sa akin, Miss Jodi, pero habang tumatagal, alam mo yung nagbabago."


Nase-sepanx si Jodi Sta. Maria sa nalalapit na pagwawakas ng Kapamilya teleseryeng Sino Ang Maysala? Mea Culpa, lalo pa’t naging magkaibigan sila rito ni Bela Padilla.

Pahayag ni Jodi, “Nagsu-shoot po kami three times a week kaya hindi maiwasan ang makaramdam ng panghihinayang at lungkot.

"Pero mas nanaig sa akin ang saya at pagpapasalamat dahil sa show na ito, nabuo ang isang magandang pagkakaibigan.

“And alam ko, through this show, nakatulong kami kahit paano to shed light doon sa issues, di ba?

“Hindi rin naging madali yung tema ng palabas, pero naniniwala ako na napagtagumpayan din ng creative theme at lahat ng mga taong involved sa programang ito.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jodi noong Hulyo 31, Miyerkules, sa location shoot/farewell presscon ng kanilang serye sa The Flocks Chuch, Quezon City.

JODI: YOU CAN CALL ME TITA

Sa presscon, ilang beses in-address ni Bela si Jodi na "Mama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, wala namang problema. Ano namin yun, e, parang term of endearment namin yun,” napapangiting paliwanag ng 37-year-old actress.

“Si Ketchup [Eusebio], ang tawag ko rin sa kanya, Tito Ketch. Tita Bel naman kay Bela.

"Minsan, sa akin naman, Tita Jodi, Mama Jods. Okey lang kung meron kang Tita o Mama, di ba?

“It comes with ano na, e... parang yung iba, ang tawag sa akin, Miss Jodi, pero habang tumatagal, alam mo yung nagbabago.

“Kasi, nagbabago rin yung relationship namin sa set na we started out as acquaintances, most of the time I have never worked with them before.

“Pero alam mong as the days went by, nagpu-progress din yung friendship.

“So, I think, sumusunod kaya they’re comfortable calling me Mama Jods, Tita Jods.”

CLOSENESS WITH BELA PADILLA

Hindi inaasahan ni Jodi na magkakalapit sila nang husto ni Bela bilang magkaibigan.

Aniya, “At first kasi, naiilang din ako kay Bela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, hindi ko naman siya nakatrabaho before and this is the first time na naka-work ko siya.

“Pero alam mong she’s very warm, she’s very welcoming, she’s very generous sa kanyang ideas, thoughts, sa kanyang care.”

Ilan sa qualities na binanggit ni Bela kay Jodi ay ang pagiging maalaga nito sa kanila, at nagpapatawa bago kunan ang mabibigat nilang eksena.

Napangiti muli si Jodi sa narinig, “Well, yung sa amin naman siguro, at first nagkakapaan pa kami sa mga character namin.

"Talagang sobrang laser sharp yung focus mo. Hindi ka puwedeng magulo.

“But later on, as you get accustomed to your character, kumbaga, na parang damit na naibihis mo na sa iyo, madali na lang siyang mag-switch.

“But of course, don’t get me wrong, there are moments, there are days na sobrang mabibigat at intense yung eksena na kailangan ng preparation.

“Kasi, for me, mabigat na yung tema ng show, e. Kumbaga, we want to make it light sa real world naman as much as possible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, doon sa ginagawa namin, hanapan ng nawawalan ng anak, sigawan, sakitan, tarayan, batuhan ng mga kung anu-anong legal terms.

“So, hindi rin nagiging madali for everybody.

"Pero off cam, kami pa rin ‘to."

Ang Sino Ang Maysala? ay idinirehe nina Andoy Ranay, Dan Villegas, at Jerry Lopez-Sineneng.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close