Phoebe Walker reacts to criticisms about her gang rape scene in Ang Probinsyano

IMAGE Arniel Serato

Phoebe Walker thankful to Coco Martin for giving her the opportunity to be part of Ang Probinsyano: "Sabi niya hinanap niya daw ako for this role particularly, so happy ako at least masasabi ko na nakasama ako sa longest-running action show in the Philippines. So yun, happy, it’s under my belt."


Pinag-usapang nang husto ang controversial episode ng FPJ's Ang Probinsyano noong July 15, kung saan dalawang pulis na babae ang na-gang rape at pinatay sa eksena.

Ang dalawang pulis na babae ay kabilang sa "Cardo’s Angels" ng bidang si Cardo Dalisay, na ginagampanan ni Coco Martin sa top-rating primetime series ng ABS-CBN..

Isa sa mga gumanap na pulis na na-gang rape ay si Phoebe Walker.

Bago nagkuwento si Phoebe tungkol sa controversial episode ng Ang Probinsyano, sinabi muna niyang masaya siyang napagkatiwalaang makasama sa show sa loob ng halos tatlong buwan.

Saad ng 27-year-old actress, “I started April, so naka-three months din ako bale.

“So I played an undercover, Agila, so parang ano kami, secret agents.

“My name is Katherine. I was with three other girls, na tinawag na Cardo’s Angels—yun ang tawag sa amin ng netizens.

“Dahil nga going into the show, I knew na it’s going to be a short thing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit na yung kontrata namin until September, sinabihan naman kami na hindi siya guaranteed, so yun."

THE CONTROVERSIAL SCENE

Ano ang masasabi ni Phoebe na kontrobersiyal ang naging huling eksena niya sa Ang Probinsyano?

“Happy naman ako, kasi yung impact nung death scene namin, it’s very important.

“Kasi maraming nag-react, maraming nagalit, pati nga Gabriela, pati nga MTRCB, they edited out a lot of scenes.

“So, okay naman, at least napag-usapan.”

Ang nang-gang rape sa kanila ay ang ang grupo ni Bungo na ginagampanan ni Baron Geisler.

Sabi pa ni Phoebe, “At naano pa ako dun, tinorture pa ako, nakatali pa yung arms ko, 'tapos ginang-rape ako, very brutal.

“And it was shocking to me, and medyo nga na-trauma ako after.

"Kasi yung location namin was very gloomy.

“Kasi dun yung dating warehouse ng tsinelas, yung nasunog, 'tapos nasunog yung mga empleyado inside.

"So, medyo tindig-balahibo kami sa location."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Phoebe sa launching ng make-up line ng kaibigan niyang si Ara Mina, ang Ara Colours, noong Miyerkules, July 31, sa Luxent Hotel, Quezon City.

THANKFUL FOR THE OPPORTUNITY

Okay ba sa kanya na ganun ang naging ending ng karakter nila sa teleserye?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Phoebe, “Yeah, of course, go with the flow lang naman kami, e.

“Kasi everything, sa creatives, kay Direk Coco lang naman lahat nanggagaling.

“So actually I asked the EP kung, if there was a problem with me, kung bakit ako namatay.

"Kasi ako, I get personal about these things, e.

“Naisip ko na, ‘Baka hindi nila ako nagustuhan as a person or as an actress,’ ganun.

“So, tinanong ko naman, 'tapos sabi, 'Sa flow lang yun ng story.'

“Masamang mag-take ng personal sa ganito-ganito, e, kasi madi-depress ako nang husto.

“So, as long as sa tingin ko naman ay ibinigay ko yung hundred percent ko nung nandun ako, happy na po ako.”

Malaki raw ang pasasalamat ni Phoebe kay Coco na hinanap pa raw talaga siya nito para makasama sa Ang Probinsyano.

Aniya, “Yes, what I say is, it’s bittersweet talaga.

“Kasi siyempre, I wish I could have gone longer sa show para more exposure, but at the same time, thankful pa rin sa opportunity na ibinigay ni Direk Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi second time ko na po siyang nakasama, sa first, sa Ang Panday nung MMFF.

“Sabi niya, hinanap niya daw ako for this role particularly.

"So, happy ako, at least masasabi ko na nakasama ako sa longest-running action show in the Philippines.

“So yun happy, it’s under my belt.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close