Gladys Guevarra reveals downside of being a comedian

Gladys Guevarra describes how she helps come up with ideas for the GMA-7 show Sunday Pinasaya.


Ilang taon na ring komedyante si Gladys Guevarra. Ilang tao na rin ang napasaya niya dahil sa kanyang kakaibang pagpapatawa.

Pero inamin ni Gladys sa kanyang interview with GMA News na may pagkakataon na ayaw niyang magpatawa dahil sa nararamdaman niyang hindi tama.

Pero dahil ang ini-expect sa mga tulad niyang komedyante ay parating masaya kaya iyon ang pilit niyang pinapakita sa mga ito.

“Hindi araw-araw pasko para sa amin, pare-pareho lang tayong may mga problema. Kaya lang automatic na sa amin na magpatawa.

“Mahirap din, imagine mo yung aakyat ka sa stage at parang ang taas ng expectation ng crowd. Hindi ko rin alam, ganun na talaga ako, e.

“I guess nasanay na ako kasi yun din linya ng trabaho ko. Tapos araw-araw mga bakla kasama ko.

“So hindi ko na sinasadya na puro katatawanan na lumabas sa bibig ko,” pahayag pa ni Gladys.

Sa larangan ng comedy, ang number one rule na sinusunod ni Gladys ay ang maging fair sa kanyang audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago nga raw siya mang-okray ng ibang tao, una muna niyang ookrayin ay ang sarili niya para mas nakakatawa.

“May mga times din naman na nanlalait din ako, pero bago ko gawin yun ang una kong nilalait—sarili ko.

“Dapat kapag kausap mo sila pakiramdam nila kuwentuhan lang na barkada lang para comfortable sila, pinaparamdam mo rin dapat sa kanila na reachable ka.

“At saka kapag may lait ka dapat may bawi, kasi may mga napapanood ako na puro lait lang walang bawi, ako babawiin ko yun, kahit yung mag-thank you ka lang.

“Hindi puwede yung parang habang buhay mo lang siyang nilalait,” diin pa niya.

Kaya naman ang mga nalalaman ni Gladys na tricks of the trade in comedy ay ibinabahagi niya sa programang Sunday PinaSaya.

“Actually hindi naman ako kasama sa planning, pero may times na may idea ako, shini-share ko lang sa kanila kasi gusto ko rin na kapag may naisip akong maganda, may mai-ambag akong idea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tulad ng Mel & Mel, hindi naman portion dati yun, e. Pero dahil sa lagi kaming nagkukulitan ni Pekto at dati na naming tandem yung parang mag-asawang walang tigil sa pag-aaway, naging portion na,” ngiti pa niya.

Thankful si Gladys na merong show na tulad ng Sunday PinaSaya na nakakatulong na makalimutan kahit sandali ng mga manonood ang mga problema sa buhay.

“‘Yan ang lagi kong ini-explain sa mga bagets, matagal na ako sa industriya, and for how many years yun yung nakikita natin and I'm not saying na pangit yun.

“I'm just saying na yung mga tao ngayon sa dami ng problema kailangan nilang tumawa at sumaya.

“Maraming Pinoy na mahilig kumanta, pero inaabangan din ng mga tao yung comedy. Gusto rin nilang matawa, kasi ang saya kapag ganun.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close