Buboy Villar wins Eat Bulaga's Bebot 2019

As the Bebot 2019 grand winner, Buboy Villar wins the cash prize of P100,000.


Ang former GMA-7 child star na si Robert "Buboy" Villar ang tinanghal na Bebot 2019 grand winner noong August 10. Ang contest na ito ay parte ng ika-40th anniversary ng longest-running noontime show na Eat Bulaga!

Tinalo ni Buboy bilang si Kidney Spears ang kanyang mga nakalaban sa finals na sina Edgar Allan Guzman as J. Low Blood (1st runner-up) at Clint Bondad as Shakira Briwn (2nd runner-up).

Bukod sa korona at sash, tatanggap din si Kidney Spears ng cash prize na P100,000 at P500,000 gift certificate from Pampanga's Best Longganiza.

Nakaabot din sa Top 5 sina Paul Salas as Lisa Mauban, Mico Aytona as Beyoncé Knows Best, at Jak Roberto as Nancy Langka.

Ang iba pang hunks na naging contestant sa Bebot 2019 ay sina Kristoffer Martin as Ariana Engrande, Jason Abalos as Selena Stop and Gomez, Manolo Pedroso as Lady Baga, at Carlos Agassi as Katy Perry Christmas.

Naging top trending hashtag ang #BEBOT2019 sa Twitter Philippines noong nakaraang Sabado.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng kanyang pasasalamat si Buboy sa mga suporta sa kanyang pagkapanalo ng titulong Bebot 2019.

"Maraming salamat po sa mga nag support! Iloveyou all! #GrandWinner #Bebot2019 #EatBulaga," caption pa ni Buboy.

Pero hindi pa man napapatong ang korona sa ulo ni Kidney Spears, biglang nag-protesta ang perennial contestant ng Bebot na si Blackylou na siyang matagal nang Bebot character ni Wally Bayola.

Nagprotesta ito dahil sa apat na taon daw niyang sumali sa Bebot, hindi raw siya nanalo. Bakit daw si Kidney Spears nanalo, e, mas matangkad daw siya rito? Kinuwestiyon pa niya ang desisyon ng judges na binubuo nila Paolo Ballesteros, Derrick Monasterio, Lovi Poe at Bb. Pilipinas International 2014 Bianca Guidotti.

Nagawa pang alisin ni Blackylou ang kanyang wig bilang pagprotesta niya.

Para makuntento siya, sinabi ni Allan Ka na magkakaroon sila ng showdown ni Kidney Spears para sa korona ng Bebot 2019.

Mabilis na tinanggap ni Blackylou ang hamon at sabi pa niya: "Ladies and gentlemen, wait for it. I go for it!"

Sagot naman ni Kidney Spears: "I was always born to be ready!"

Pero biglang nag-walkout sa stage si Blackylou.

Heto ang magkakasunod na tweet ng Eat Bulaga sa protesta ni Blackylou:

"PUMAPALAG PA SI BLACKYLOU! #BEBOT2019"

"ABANGAN paghaharap nina Blackylou at Kidney Spears! #BEBOT2019"

"Nagreready na agad si Blackylou! #Bebot2019"

Ano kaya ang mangyayari sa magaganap na showdown nila Kidney Spears at Blackylou? Maagaw kaya ni Blackylou ang korona sa pagkakataong ito?

Simula pa noong magkaroon ng Bebot contest ang Eat Bulaga noong 2005, contestant na si Blackylou, pero never pa siyang nanalo ng titulo.

Unang winner ng Bebot noong 2005 ay si Paolo Ballesteros as Precious Paola Nicole Ballesteros. Noong Bebot 2006, si Mark Herras ang nanalo as Chennylyn Mercado. Bebot 2007 naman si Vandolph as Alma Mother, at ang last Bebot winner noong 2010 ay si Baron Geisler as Baroness D' Goddess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close