Katrina Halili welcomes timely break from kontrabida roles

by Rommel Gonzales
Aug 17, 2019
Katrina Halili breaks away from her usual kontrabida roles for GMA-7's new teleserye, Prima Donnas
PHOTO/S: Noel Orsal

Sunud-sunod ang mga shows ni Katrina Halili sa GMA-7 nitong nakaraang taon—ang The Stepdaughters, Pamilya Roces at TODA One I Love.

Ano ang kaibahan ng mga ito sa karakter na gagampanan niya simula Lunes, August 19, sa Prima Donnas?

Lahad niya, “Iba po ito kasi mostly, ang ginagawa ko sa GMA, kontrabida, di ba?

“Although binigyan naman nila ako ng bida before, sa Magdusa Ka (2008), pero sabi nga nila iba yung karakter ko dito.

“Kasi dito mas... kasi yung karakter ko before palaban. Ito mabait talaga, nanay, ganun.

“Medyo mahirap nga, e. Char,” at tumawa si Katrina.

“Hindi. Well, okay naman, kaya mo naman maging mabait pero ang hirap ng ngumiti ako ng buong araw.”

Malaking challenge daw para kay Katrina, na kilalang kontrabida, na maging mabait sa harap ng kamera.

Pag-amin niya, “Sobrang challenge para sa akin.

"Unang-una, kailangan kong paniwalain yung mga tao, kasi nasanay sila like pag sinabi mo, ‘Ay, ito yung bago mong role ngayon, ito yung project mo? Ay, mas bagay sa iyo ganito na lang!’

Continue reading below ↓

“Ganun agad yung initial reaction nila, di ba? ‘Mas bagay sa iyong magmaldita! Mas bagay sa iyo yung bongga, bongga yung nagmamaldita ka!’

“Yung ganun. So pressure talaga sa akin, kasi kailangan kong i-tone down yung sarili ko, alam mo yun?

"Parang kailangan kong maiba para maniwala yung mga tao talaga na mabait ka.”

GRATEFUL FOR NETWORK'S TRUST

Ni-request ba niya sa GMA na mabait na papel naman ang ibigay sa kanya?

Pahayag ni Katrina, “Well, nasabi ko last year or this year na parang kung puwede din nila akong bigyan ng ibang role to explore.

"Although sabi ko naman po, happy ako na binibigyan nila ako ng kontrabida role kasi okay din naman sa akin yun.

“Tsaka happy ako kasi tiwala yun, di ba? Para pagkatiwalaan ka and mga projects yan e, para bigyan ka kahit kontrabida yan e, di ba?

Continue reading below ↓

“Pero sabi ko, puwede din nila akong bigyan ng ibang role next time.”

ROLE SWITCH

Rebelasyon pa ni Katrina, “Actually, nung una, ang binigay po nila sa akin na role, yung kay Miss Aiko.”

Lead kontrabida si Aiko sa Prima Donnas bilang si Kendra Fajardo.

“'Tapos, nagulat na lang… kaya po ako nagpagupit, e! 'Tapos, nagpa-blond ako.

“'Tapos ready na ako, 'tapos after two weeks sinabi sa akin na, 'Kat, pinalitan. Alam mo na ba? Yung role, si Lilian, yung surrogate mother, ikaw yung mabait,’ ganyan.

“Sabi ko, ‘Ho?’

“Ang reaction ko agad happy ako pero, ‘Nagpagupit ako!’

Ibig bang sabihin ay inagawan siya ni Aiko ng role?

Pagklaro niya, “Hindi! Nagsabi din kasi ako na bigyan ako ng ibang role to explore kasi nagbago yung contract ko, e.

“Naalala nila.”

Continue reading below ↓

WELCOME BREAK FROM KONTRABIDA ROLES

Nilinaw ni Katrina na ikinatuwa rin niya na sa kanya ipinagkatiwala ang mabait at aping role ni Lilian Madreal.

Saad niya, “Kasi di ba, pinagkatiwalaan ka agad nang bonggang-bongga kasi sa tagal ng panahon, hindi ako binibigyan [ng mabait na papel].”

At ibinigay nga agad sa kanya nang hilingin niya.

Dagdag niya, “Sabi ko nga, ‘Ay, ang bilis naman agad!’

“Kasi parang last year, dahil nga, di ba, sunud-sunod po yung soap ko e, 'tapos puro kontrabida.

“'Tapos, yung initial reaction na ng mga tao pag may bago akong soap, ‘Wala namang gagawing matino yan!’

“Kaya sabi ko, grabe naman!

“Kaya sabi ko naman baka puwedeng bigyan nila ako ng ibang role to explore.”

At nalaman ni Katrina, mas mahirap pala ang mabait na papel.

Aniya, “Kasi parang laging may problema yung mabait, e. Laging inaaapi.

“Hindi pa nga ako inaapi ni Miss Kendra, e.

Continue reading below ↓

“Magkakaroon po kami ng eksena kasi ako po yung may hawak ng tatlong bata, di ba, ako yung mama nila.”

May mga eksenang aapihin na siya ni Aiko/Kendra.

“Kaya nga, 'tapos hindi na ako lumalaban, hindi ba? Bilang sanay ka ikaw nang-aaway, paano?”

So natatakot na siya kay Aiko?

Paglinaw niya, “Charot lang!

“Hindi ako natatakot! Okay lang yun. Looking forward ako na magkaeksena kaming dalawa.

“Excited ako na masampal niya!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Katrina sa grand mediacon ng Prima Donnas noong Martes, August 13, sa 17th floor ng GMA Network.

Nasa Prima Donnas rin sina Wendell Ramos as Jaime Claveria; Ms. Chanda Romero as Lady Primarosa Claveria; Benjie Paras as Agaton; Elijah Alejo as Brianna; at ang mga bidang teen stars na sina Jillian Ward as Donna Marie, Althea Ablan as Donna Belle, at Sofia Pablo as Donna Lyn.

Continue reading below ↓

Ang Prima Donnas (mapapanood sa GMA Afternoon Prime) ay sa direksyon ni Gina Alajar.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katrina Halili breaks away from her usual kontrabida roles for GMA-7's new teleserye, Prima Donnas
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results